"Ginoo!" Natauhan si Maximus at doon lamang napansin ang dalagang si Ada na nasa harapan nya na. Kumunot ang kanyang noo dahil si Ada na ang nasa harapan nya. "A-Ada!?" hindi makapaniwala nyang tanong at tumingin sa parte ng hardin kung saan nakita ang isang babaeng may puting buhok, na siyang dahilan ng pagkawala niya sa sarili. "Where is she?!" tanong nya kay Ada pertaning the white haired girl she saw ngunit ngumuso lamang si Ada bilang tugon. Tinignan nya ang kabuoan ni Ada ngunit tila malabong mangyari na ito ang nakita nyang babae. Maiksi ang buhok nito at kulay itim, isa pa ay napaka putla ng labi nito na animo'y tinakasan ng dugo. "Its impossible that you are that white haired girl, you can't transform that fast," bulong ni Maximus sa sarili at napasabunot sa buhok. "Paum