Hating gabi na at nananatiling gising si Maximus. Malalim ang kanyang iniisip at isa pa doon ang naging huling usapan nila ni Ada tungkol kay Alexa. Inaantay nya itong umakyat sa kanyang silid upang doon matulog katulad na lamang kagabi ngunit walang Ada ang umakyat upang kulitin siya o kamustahin. “ Aish! ” Tumayo siya at ibinato ang hawak na unan. Dumeretso siya sa sala at hindi na nag atubili pang buksan ang ibang ilaw upang mas maliwanag sa loob ng bahay. Nasa ikalawang baitang na siya pababa ng madinig ang boses ni Ada. “ Kinakailangan ko na palang umalis ” Wika nito at kita nyang tumayo mula sa pagkaka upo sa couch. Tanging mumunting ilaw lamang sa gilid gilid ang naka bukas kung kaya't hindi nya masiyadong matanaw ang kabuoan nito. Bumaba siya upang mas malapitan ito. Iniladl