(grammatical error)
" In another life I would be your girl, We keep all our promises Be us against the world.
In another life I would make you stay, so I don't have to say you were the one that got away." umiiyak kong kanta.
Ang sakit sakit, gusto kong bumalik sa panahong nayayakap, nahahawakan, nahahalikan at nakakausap pa kita.
Pero alam kong hindi na pwede, miss na miss na kita.
Balik kana.
I have a boyfriend, we've been together for four years.
I love him so much, pero syempre hindi natin maiiwasan ang tampuhan at awayan.
But we always fix that before we go to bed.
We already live in the same house, so we don't have to bother going to each other's house.
Because I live too far from him, so we decided to live in the same house.
Everything is fine, until I notice that my boyfriend seems to be losing weight.
So I ask him.
"Babe, bakit pumapayat ka ata?" i said.
"Huh?! Ahh nag didiet ako babe eh bakit?" napapakamot sa ulong aniya pero iwas ang mata saakin.
I glared at him and said.
"diet mo mukha mo kumain ka ng madami dun, at kahit tumaba ka mahal padin kita!!" pasigaw kong sabi.
Natawa lang ang damuho at tumango na lamang, sabay ngiti ng matamis.
Napailing na lamang ako sa kanyang ginawa.
After that I saw that he ate a lot again, so I was very happy.
A few months ago I noticed, he seemed to be weakening with each passing day.
At madalas na siyang nag papaalam sakin na may gagawin lang daw siya sa labas, ngunit anong oras na kung bumalik.
Kaya naman, ng umalis siya ng sumunod na araw ay sinundan ko siya.
Takang-taka ako kung bakit sa hospital siya pumunta, pero pinag sawalang bahala ko nalamang iyon at pinag patuloy ang ginagawa kong pag sunod.
Pumasok siya sa isang kwarto at dahil hindi nya nasarado ng maayos ay narinig ko ang pinag uusapan nila, at parang gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang sinabi ng doctor sakanya.
My boyfriend has cancer, and he can only last six months or a year.
Hindi agad ako nakakilos kaya naman ng lumabas siya ay nakita niya ako, kitang-kita ang gulat sakanyang mukha.
"Babe" ang naisatinig na lamang niya.
Habang ako ay napaiyak nalang ng husto, niyakap nya agad ako, pinapatahan.
"Ang daya mo babe bakit di mo sinabi!!" umiiyak kong sabi habang hinahampas siya ng mahina.
Hinalikan niya muna ang noo ko bago sumagot.
"Babe, ayoko lang na makita kang malungkot, kaya ginawa ko lahat para gumaling kaso wala talaga babe hindi na nila ako kayang gamutin" naluluha ding tugon nito at niyakap ako ng mahigpit, habang paulit ulit na humihingi ng tawad.
Hinawakan ko ang kamay at mukha nito bago ngumiti at sabay sabing
"lets make more happy memories babe" i said while smiling kahit ang sikip sikip na ng dibdib ko.
"Sige babe, lets spend my remaining times making happy memories" he said then grab me to give me a tight hug.
At ganun nga ang ginawa namin, pumunta kami sa iba't ibang lugar.
Pictures dito pictures doon, tawanan dito at tawanan doon.
Hanggang sa isang araw nawalan nalamang siya ng malay, kaya dali dali namin siyang dinala sa hospital.
At mula noon di na sya nakalabas pa, kaya naman araw araw ko siyang binabantayan doon.
Halos sa hospital na ko tumira, kung hindi lang ako pinapalitan ng nanay at kapatid niya sa pag babantay sakanya.
Hanggang sa isang araw mag usap kami, parang namamaalam na sya sa usapang iyon.
"babe, pag nawala ako hanap ka ng mas deserving na lalaki kesa sakin ahh" hinihingal na saad nito.
Tumango na lamang ako.
"huwag kang iiyak pag nawala ako, gusto kong nakangiti ka lang lagi kasi mas maganda ka pag nakangiti ka." dagdag pa nito ngunit tanging tango lang ang naisagot ko, dahil sa pag iyak.
"I love you so much babe so much" sabi nito at hinalikan ang likod ng palad ko.
"I love you more babe." sabi ko sabay yakap sakanya.
Ilang araw matapos ang usapan naming iyon, papunta ako sa room nya ng mapansin kong nagkakagulo sila harap ng kwarto niya.
Dali dali akong lumapit at nag tanong sa kapatid niya.
"Carl anong nangyare kay Jace?" tanong ko.
"Ewan! Basta kausap ko lang siya nag bibilin tas maya maya nag flat nalang ung sa may monitor" naluluhang saad nito.
Napatakip nalamang ako sa bibig ko habang naiyak.
Lumapit pa ako lalo sa kwarto niya para silipin ang ginagawa ng mga doctor, ng bigla kong marinig ang sinabi ng doctor na tumitingin sakanya.
At ang sinabi niyang iyon ay nagpaguho lalo sa mundo ko.
"Time of Death 11:11 am" napapailing na sabi nito at lumabas ng silid.
Lumapit sakanya ang nanay at kapatid ni Jace, pero ako natuod sa pwesto ko.
Narinig ko nalamang ang sigaw ni tita at ang pag iyak nito, na naging hudyat para ako ay maiyak din.
Wala na siya iniwan na niya ako, inasikaso namin lahat ng kaylangan.
Limang araw namin siyang binurol.
Isang buwan na ang nakakalipas ng mailibing siya, ngunit heto ako at umiiyak padin ng husto.
Nasa puntod niya ako ngayon, nakaupo at kinakausap siya.
"Babe im sorry, hindi ko pa kayang ngumiti pag bigyan mo muna akong umiyak pa huh?" sabi ko dito habang hinahaplos ang lapida nito.
"I miss you. I miss you so much babe ang sakit padin ng pagkawala mo" umiiyak ko nanamang saad.
Ilang minuto pa akong nanatili doon bago tumayo, at nag paalam sakanya.
Bago umalis sa puntod nya ay nag iwan ako ng salita.
"In another life I would be your girl again Babe" I wave my hand and start to walk away.