Forbidden Love

414 Words
I was 4 years old when i met him, he was 6. Madalas tayong mag laro, kahit pambabae sige ka lang wag lang akong maging malungkot. Madalas mo akong patawanin, dahil ang sabi mo hindi bagay sakin ang nakasimangot. Madalas mo akong ipag tanggol sa iba, hindi kasi ako marunong lumaban. I am ten years old, and you are twelve. We are still together, we can not be separated. At tulad ng dati, madalas mo padin akong patawanin. Kahit lalaki ka nakikipag laro ka padin sakin, dahil hindi ako palakaibagan ikaw lang ang lagi kong kasama. I was 15, and you are 17. Pinag kamalan na tayo ng iba na may relasyon, dahil sobrang lambing natin sa isa't isa. Natatawa nalang tayo, dahil ganun lang naman tayo talaga sa isa't isa. I was 17, and you are 19. Same padin tayo ng pinapasukan, sa nakalipas na taon hindi ko akalain na mararamdaman ko to. Hindi ko akalaing mahuhulog ako sayo. Gusto kong umamin ngunit natatakot ako, kaya naman inilihim ko nalang ung nararamdaman ko para sayo. I was 19, and you are 21. Dito humugot ako ng lakas ng loob, aamin na ako sayo dahil ayokong mawala ka sakin. Kinausap kita at nag tapat ako ng aking nararamdaman, sobrang saya ko dahil ganun din pala ang iyong nararamdaman para saakin. Naging tayo makalipas lang ang ilang buwan,ayoko na kasing patagalin ung panliligaw mo. Sa nakalipas na buwan at taon na magkarelasyon tayo ay gumawa pa tayo ng maraming ala-ala. Sa isang relasyon hindi naman talaga maiiwasan ang tampuhan at awayan, ngunit lagi natin itong inaayos bago tayo matulog. I was 24, and you are 26. Ito ung araw na alam ko namang darating ngunit masakit padin. Masinsinan mo akong kinausap, at sinabi ang katagang "ayoko na, mag hiwalay na tayo. Mali ito alam natin tong dalawa, tama na wag na nating dagdagan ung pagkakamali o kasalanan natin pasensya na." Matapos mo iyong sabihin ay iniwan mo ako, iniwan mo akong luhaan. Alam ko namang mali ito pero masisisi mo ba ako? Masisisi nyo ba ako? Nagmahal lang naman ako, minahal lang naman natin ang isa't isa. Ngunit nakalimutan ko ng panandalian. Hindi nga pala tayo pwede sa isa't isa. Hindi nga pala tayo pwedeng mag sama. Dahil pinsan kita, oo minahal ko ung pinsan ko. Alam kong mali pero wala eh, nahulog ako sakanya. At ngayon tinapos na nya, dahil mali ang namamagitan sa aming dalawa. Because what we have, is a forbidden love.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD