Kabanata II

1403 Words
"Oh, tabi tabi!" Hinila ko si Junmar sa kabilang gilid ng daan, Friday ngayon at araw ng bagsakan. Lahat ng trabahador ay maraming ginagawa, kasabay ng pag dagsa ng mga mamimili mula pa sa iba't ibang siyudad. "Ilang metro 'to? sinasabi ko sa'yo kapag ito kulang ulit gaya nung nakaraan, sa iba na talaga ako kukuha." Nasa ikatlong pwesto pa kami mula sa damitan ay rinig na rinig na ang boses ni Nay Jeda. Ngayon din kase ang araw na darating ang mga order naming tela. "Satin, Silk, Spandex, Cotton... Oh, Sese! halika na't tulungan mo akong bilangin ang mga 'to," sabi niya nang makalapit kami. Napalingon naman sa'kin ang mga lalaking nag-deliver. "Opo." Nang makapasok sa loob ay bumaling ako sa kapatid saglit at pinaupo siya sa sulok. "Dito ka lang ah? maraming tao ngayon. 'Wag kang mawawala sa natatanaw ni Ate, naintindihan?" Tumango siya at siniklop ang mga palad sa hita. "Ate, mamaya bibili tayo ng Ice cream?" tanong niya. Napangakuan ko na kase kagabi. Tumango ako. "Oo, basta 'wag kang magkukulit ah." Muli kong binalingan si Junmar bago ako nagtungo kay Nay Jeda at nagsimula nang tumulong i-check ang listahan niya at kung tugma ba ang bilang nito sa mga dumating. "Ang ganda talaga ng tindera mo Aling Jeda, morena at pang-model ang itsura, ilan taon na ba siya?" tanong ng isa sa mga nag-deliver. Hindi ko maiwasan ang ibaling sa ibang gawi ang sarili, napatingin kase ang mga dumaraan. Alam ko naman na iba-iba ang depinisyon ng mga tao sa 'maganda'. "Ay sus, hindi lang ikaw ang nakapag-sabi niyan!" sabi ni Nay Jeda, lalo tuloy akong nahiya. Kahit na nakakarinig ako ng mga ganitong papuri, hindi pa rin ako kumbinsido. Tuwing tumitingin ako sa salamin ay nakikita ko ang kutis na dulot ng halik ng araw. Kahit maganda 'yon para sa iba, para sa marami ay hindi, lalo na bansang mas mabili pa ang mga pangpaputi kumpara sa pang linis. Ang nakakalungkot pa ay kapag may maririnig akong papuri, sinasabi nila na maganda sana ako kaso ay hindi maputi. Hindi ko maintindihan, ang ganda ba ay nababase lang sa kutis? "Menor de edad pa 'yan, 'wag mong titigan at baka dukutin ko 'yang mata mo," sabi ni Nay Jeda. Mahina akong natawa, si Nay Jeda talaga ay parang magulang ko na rin. Nakakatulong din ang personalidad niyang madaldal at prangka dahil nasasabi niya ang mga salita na nasa isip ko lang. "Hihintayin ko na lang siya, Aling Jeda," natatawa pang sabi nung lalaki. Nakayuko ako at nananatili ang pagbibilang ng mga telang nakarolyo pa. Saglit kong binalingan ang lalaki at wala sa sarili akong napangiwi. Agad akong bumalik sa ginagawa, hindi ako pinalaking mapanghusga, pero hindi ko siya type. Pinalaki rin akong honest, hindi naman siguro mali na sabihin kong hindi siya gwapo? "Naku, pinagkasundo ko na 'yan si Sese sa mayamang gwapo!" pagmamalaki ni Nay Jeda. Nanlalaki ang mga mata kong sinalubong ang makahulugang tingin ni Nay Jeda, para bang sinasabi niya na sakyan ko na lang para tumahimik na ang lalaki. Natawa naman ako ron. "Tapos na po, tama naman ang bilang Nay Jeda, naisulat ko na rin sa notebook ang kopya," sabi ko at inabot na ang listahan, ramdam ko pa ang titig ng lalaki at hindi ako komportable ron. "Sige nak." Umalis naman sila agad nang maiabot na ni Nay Jeda ang bayad sa lahat ng tela. "Uy nandiyan na naman 'yung mayamang mukhang modelo!" sabi ng boy sa kabilang pwesto sa kanyang mga kasama, nagsimula na naman ang bulong-bulungan. Ang ibang babaeng tindera ay kanya-kanya pa ang balandra sa labas, hindi alintana ang dami ng customer. Agad na kumabog ang dibdib ko, alam ko na agad kung sino ang tinutukoy nila. Agad akong nagtungo sa mga tela at nagpanggap na may ginagawa. "Good afternoon." Natigilan ako sa ginagawa, parang ilang beses pa lang siyang nakarating dito ay suki na siya agad ni Nay Jeda. Nagtataka rin ako kung ano ang trabaho niya, mukhang hindi naman siya mananahi. Pero bakit kailangan niya pang mamili sa mumurahin kung kaya naman niyang mamili sa mall. Mas malamig doon, mas mabilis din at hindi siya dudumugin ng mga tao. Halos dalawang linggo na rin mula nang marinig ko ang boses niyang malalim, gusto ko siyang lingunin at muling pagmasdan ang gwapo niyang mukha, pero sa tingin ko ay hindi ko kaya. Marinig pa nga lang ang boses niya ay grabe na ang t***k ng puso ko, paano pa kaya kapag nakita ko siya? "Oh, ikaw pala sir!" masiglang bati ni Nay Jeda. Si Junmar ay napatayo at lumapit sa'kin. "Ate, nandito ulit si Superman," nakangiti niya akong kinalabit. Ngumiti lang ako at sinabihan siya na bumalik na muna sa inuupuan niya at binigyan ko siya ng papel at ballpen para mayroon siyang gawin. "Can I have a look at that fabric?" Ganon pala talaga kapag mayayaman 'no? sanay na sanay mag ingles, at maganda pa pakinggan. Hindi gaya ng marami rito sa palengke na kapag nag iingles ay matigas ang bigkas. Ayos lang naman 'yon dahil hindi naman 'yon ang unang lenggwahe na natutunan namin, tsaka nasa Pilipinas naman kami. Isa pa, ang mahalaga naman ay nagkakaintindihan. "That checkered one?" pag sabay ni Nay Jeda sa pag i-Ingles. "Yes, please. Thank you." Nakatulala lang ako sa mga tela at pinapagpag 'yon ng ilang beses na ngayon kahit wala namang dumi. "Sese!" Napatalon ako sa gulat nang tawagin ako ni Nay Jeda. "P-Po?" tanong ko, hindi pa rin lumilingon. Grabe ang bilis ng t***k ng puso ko, uutusan na naman ba ako ni Nay Jeda na kausapin 'yung mayaman? "Paabot daw 'tong si sir ng checkered na tela, ayang nasa tapat mo." Napatingala ako at nakitang nasa tapat nga ako ng checkered na tela. "O-Okay po." Binuhat ko ang isang rolyo at muntik pa akong matumba dahil sa kaba. May kaabigatan 'to pero sanay naman na ako, mas matangkad naman ako ng konti sa rolyo. "E-Eto po." Kay Nay Jeda pa rin ako nakatingin, napansin niya ang pag iwas ko at pinanliitan ako ng mata pero agad namang nawala ang pokus niya sa'kin. "I'll buy this." Sabay kaming napalingon ni Nay Jeda, kaka-abot ko pa nga lang at hindi pa niya nasusuri kung ito ba talaga ang hinahanap niya o kung gusto niya ba ang texture nito. Sabay sa pagbaling ko ay ang pagtingin niya sa gawi ko, ilang segundong nagtama ang tingin namin bago ako umiwas ng tingin. "A-Ako na po gagawa ng resibo," baling ko kay Nay Jeda. Lumayo ako sa lamesa at nagtungo sa cashier register sa gilid. Mabuti at gumagana ang isip ko at nakakaisip ako ng dahilan para umiwas, kung hindi ay mananatili ang titig ko sa lalaki na siguradong makakasama sa'kin. Nahihiya akong magkamali o mapahiya sa harap niya, wala naman akong pakielam sa iba...Siguro naninibago lang ako dahil kakaiba ang ayos niya sa'min. Ayoko lang na maliitin kami, kahit hindi kami mayaman ay alam kong may mapapatunayan din kami, may talino, sipag, at talento. "Oh sige," sagot ni Nay Jeda at bumalik na sa pakikipag-usap sa customer. "Sir, ano pa pong kailangan ninyo? meron din kaming ibang klase ng tela---" "Is she your daughter?" Saglit akong natigilan, alam kong ako ang tinutukoy niya. Lalong kumabog ang dibdib ko, pati ang kamay ko ay namamawis na. Hindi naman ako mahiyain, pero kapag pinapansin ako ay gusto kong magtago. Lalo na siya. "Ah, no sir, she's my goddaughter," paliwanag ni Nay Jeda. Lumingon ako at nagtama ang mga mata namin, ang asul niyang mata, ay talagang kahanga-hanga. Parang nababasa ko lang sa libro ang itsura na katulad sa kanya, wala rin akong kilalang artista na ganito ka-gwapo. Para siyang bampira sa pocketbook na nabasa ko noon, siguro kahit totoo 'yon ang hindi niya gugustuhing higupin ang dugo ko. Sa lahat ng lugar, bakit sa lugar pa namin siya magagawi? "She's beautiful." Uminit ang pisngi ko nang ngumiti siya sa'kin, agad akong umiwas ng tingin. Naramdaman ko na lang ang mabilis kong paghinga. Superman, bakit mo ginaganito ang bata kong puso? Ilang buwan pa bago ako mag eighteen, ibig sabihin ay wala pa ako sa hustong gulang. Wala man sapat na kaliwanagan sa nararamdaman, alam kong gusto kong nakikita ka, at hindi mapakali ang puso ko sa tuwing maririnig ang boses mo. At kapag magsasalubong ang mga mata natin, ang mga asul mong mata ay naninirahan sa isip ko nang walang renta. Normal kaya ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD