Chapter 42

3007 Words
Kasalukuyan na kami ngayon na nandito sa aming tahanan ni Elfrida. Bukas na bukas din ay magsisimula na ang aming unang klase sa mahika. Ramdam ko ang sabik sa aking katawan dahil sa wakas ay mas lalong darami ang aking kaalaman patungkol sa kapangyarihan ko. Medyo may kaba rin dahil baka ito na 'yong oras na kung saan malalaman ko ang tungkol sa aking isa pang kapangyarihan. Sana nga lang ay walang mangyaring masama sa unang araw ko, at sana lang ay hindi nakapasok ang taong iyon dito. Kinakabahan pa rin ako dahil baka isang araw bigla na lang akong sugurin ng taong iyon ng hindi ko napapansin. Nakahiga lang ako ngayon sa sofa at nagpapahinga, nakak-pagod pala talaga bumili ng mga kailangan para sa pag-aaral. Kahit kailan ay hindi ko nasubukan na pumasok sa isang paaralan. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at bigla na lang pumasok sa aking isipan ang mukha ni Nola. Oo nga pala, si Nola. Naroon pa kaya ito sa bayan na iyon? Baka hanggang ngayon ay hinahanap pa rin niya ako. Kung alam ko lang sana na maabutan pala ako ng halos apat na taon dito ay sana pala nakipag-bati na ako sa kaniya. Sana pala ay hindi na ako tumakas pa at kinausap na lang siya. Nasaktan lang naman ako sa naging reaksiyon nito noong sinabi ko sa kaniya na aalis na ako. Imbes kasi na kausapin niya ako at sumama sa amin nila Treyni at bigla na lang itong nawala. Hindi ko rin naman matanong ang mga kasama ko kung saan siya dahil baka kung ano ang isipin ng mga 'to. Apat na taon. Apat na taon na pag-eensayo at pag-aaral. Ano na kaya ang magiging hitsura ng labas sa paglabas ko sa paaralan na ito. Magkikita pa kaya kami nila Nola at Treyni? Siguro sa mga oras na iyon ay may mga kasintahan na ito at hindi na ako pwede sa bahay nito. Sila Draco at Lauriel, sana naman ay hindi na sila laging nagbabangayan. Minsan ay napapa-isip na lang ako sa kanilang dalawa eh. Sila Sisters at Tine, pati na rin si Father, kamusta na kaya ang mga iyon? Kamusta na kaya ang aming bayan? Mukhang hahayaan ko na lang na isipin nila na nawala muna ako at hindi makakabalik. Panigurado naman na hindi ako makakapagpadala ng sulat mula rito. Huminga muna ako ng malalim ng maalala ko si Elfrida. Hindi ba at pinapadalhan siya ng pera ng kaniyang mga magulang, tapos ang mga magulang nito ay nasa labas ng paaralan. Tatanungin ko na lang si Elfrida kung pwede bang makisuyo sa pagpadala ng sulat sa aking pamilya doon sa bayan ng Sola, sana nga lang ay pumayag siya. Sana rin ay sumagot sina Sisters sa akin, gusto ko malaman kung nakalabas na ba si Sister Mayeth sa batong iyon at kung nagtagumpay ba ito sa pag-angat ng kaniyang antas. Gusto ko rin marinig ang kaniyang kwento tungkol kay Brother Nani.  Tumayo na ako sa pagkakahiga at nag-unat. Sakto naman na lumabas si Elfrida mula sa kaniyang kwarto na bagong ligo. "Aba ang bilis mo lang yata maligo?" Tanong ko rito. Inirapan lang naman niya ako atsaka umupo sa katabing sofa ko. "Hindi naman kasi masiyadong marumi ang katawan ko," paliwanag niya, "Isa pa, naligo na ako bago tayo umalis kaya 'wag kang mag-alala." Tumango lang ako sa kaniya at tatayo na sana para maligo na rin ng maalala ko na malapit na palang maghapon. Kailangan ko na magluto ng pagkain at baka maisipan na naman ni Elfrida na pumunta ng cafeteria at gumastos ng napakalaking pera para isang maliit na pagkain. "Magluluto muna ako," paalam ko sa kaniya, "Gusto mo bang sumama?" Kitang-kita ko naman ang malawak na pag-ngiti nito at mabilis na tumango. Nauna na akong maglakad patungo sa kusina at hinanda na ang mga kailangan ko. Habang nandoon kami sa lugar ni Hanes ay bigla na lang kami nito inabutan ng mga pagkain. Karne, gulay atsaka prutas, ayon sa kaniya ay galing daw siya sa kagubatan at nanghuli ng mga hayop. Masiyado raw naparami kaya ibinigay na lang niya sa amin ang sobra. Sa katunayan niyan ay kung titignan ko ang lahat ng binigay niya ay halos aabutin yata ito ng isang ginto. Napakarami nga naman nito at hindi na namin kailangan gumastos ng isang buwan. "Ano pala ang lulutuin mo?" Tanong ni Elfrida, "Ako na maghihiwa sa mga gulay. Ikaw na bahala sa karne." Tumango lang ako sa kaniya at tinuruan ito kung paano ang tamang paghihiwa ng gulay. Nagsimula na akong maggisa at sinunod ang karne. Kailangan namin kumain bago magpahinga, maaga pa kami bukas. "Oo nga pala, Kori," biglang sabi ni Elfrida na naging dahilan ng paglingon ko sa kaniya. "Bakit?" "Bukas pala ay kailangan muna nating pumunta kay pinunong Yizun. Sabi niya ay ibibigay niya raw sa atin ang pera para sa atin ngayong buwan." Paliwanag nito. "Kailan mo lang siya naka-usap?" Tanong ko. Hindi ko na pansin na umalis si Elfrida pagkarating namin dito. Ang alam ko lang ay dumeritso na siya sa kaniyang kwarto upang maligo at iyong lang. "May ipinadala lang itong mensahe. Hindi mo ba nakita ang sulat na nakalagay sa pinto kanina?" Nagtatakang tanong nito, umiiling na ibinalik ko na lang ang tingin ko sa niluluto ko. "Kaya pala," sambit nito, "Pero iyon nga, mas dapat tayo maging maaga bukas para hindi tayo mahuli sa pangunahing seremonya." "Sige. Mas aagahan ko pa kasi kailangan ko pa magluto bukas." Nagpatuloy na lang ako sa pagluluto hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay natapos na rin. Ngayon ko nga pala tatanungin si Elfrida tungkol sa mensahe. Hindi ko nga lang alam kung papayag ba ito pero sana naman ay pumayag. Kahit babayad pa ako ng ilang pilak basta lang ay mapadala ko ang sulat sa kanila. Alam kong nag-aalala na ang mga iyon dahil ilang buwan na akong hindi sumusulat sa mga ito. Kinuha na ni Elfrida ang mga plato at ilang kutsara pati na rin ang mga baso. Hinanda ko na rin sa lamesa ang mga pagkain at tubig. "Sa ilang taon kong pananatili rito, ngayon ko lang yata na gamit itong mga plato," sabi ni Elfrida sabay tawa ng malakas.  "Masaya ka? Ang aksaya mo talaga sa pera," tugon ko rito at umupo na sa isang upuan na kaharap lang sa kaniya. Sa katunayan niyan ay hindi gaanong kalaki ang lamesa dito. Sakto lang para sa dalawang tao, mayroon lang din dalawang upuan at ilang mga pinggan. "Wala lang talaga akong alam sa pagluluto. Hindi naman ako katulad mo na simula bata palang ay tinuruan na ng mga nagbabantay sa iyo," sabi niya at nauna ng magsandok ng ulam, "Ano kaya lasa ng luto sa bahay? Matagal na rin simula noong makatikim ako ng luto ng aking ina." Kumuha na rin siya ng kanin atsaka ito kumain. "Hinay-hinay lang, wala namang aagaw sa pagkain mo." Kumuha na rin ako ng pagkain ko at nagsimula na itong lantakan. "Hala! Bakit ang sarap? Mas masarap pa yata 'to sa tinda sa cafeteria eh!" Sigaw niya at sumubo ulit ng pagkain. Umiling na lang ako sa reaksiyon nito at hinayaan siyang magsalita nang magsalita. Ilang minuto ang lumipas bago kami na tapos. Halatang busog na busog si Elfrida dahil patuloy nitong hinihimas ang kaniyang tiyan. "Salamat sa pagkain, Kori," sabi nito at umupo ng maayos, "Hindi ko aakalain na mas marunogn ka pa yata magluto sa mga tao na nagtitinda sa cafeteria." "Sobra ka naman," saway ko rito, "Natutunan ko lang talaga ito sa mga nakilala ko sa aking paglalakbay." "Gusto ko tuloy maglakbay na lang din," tugon ni Elfrida. Tumawa naman ko sa sinabi niya at umiling. Kung alam mo lang kung gaano kahirap maglakbay. Kung tutuusin ay isang pagpapakamatay ang paglalakbay, napakaraming halimaw sa kapaligiran at napakaraming mga kalaban na pwede kang patayin kahit na anong oras. "Huwag mo na lang pangarapin," sabi ko at iniligpit na ang mga pinagkainan namin,"Kung gusto mo matutong magluto ay pwede naman kitang turuan. Hindi mo na kailangan pa ilagay sa alangin ang buhay mo para lang dito." "Ganoon ba ka-delikado ang paglalakbay?" Tanong nito.  "Oo, hindi talaga madali na manatiling buhay kapag naglalakbay ka. Napakaraming peligro at ilang beses na mapupunta ka sa bingit ng kamatayan. Ngunit, kahit ganoon ay masaya naman lalong-lalo na kapag may mga tao kang makikilala na hindi mo aasahang magbibigay halaga sa iyo." Kwento ko rito at napangiti ng maalala ko ang mga prinsesa at mga tao sa kaharian ng Floridel at bayan nila Treyni. "Nais ko talaga subukan," biglang sabi ni Elfrida at tumabi sa akin, "Tulungan na kita." Tumango lamang ako at nagsimula na kaming maghugas ng pinggan, "Wala namang masama kung susubukan mo, siguro ay pagkatapos mo na lang mag-aral dito." "Talagang gagawin ko 'yan. Samahan mo lang ako." "Iyon lang, kailangan pa kitang samahan." Patuloy lamang kami sa paghuhugas ni Elfrida habang nagkwe-kwentuhan sa isa't-isa. Naikwento ko rin sa kaniya ang ilang mga halimaw na kinalaban namin nila Lauriel at Treyni. Puro puri nga lang ang natatanggap ko sa bibig ng babaeng 'to. Lumipas ang halos isang oras ay na tapos na rin kami. Basang-basa na ang damit ko sa harap. "Maupo muna tayo sa sala," sabi ni Elfrida, "Heto na yata ang huling araw na mag-uusap tayo tungkol sa mga buhay natin. Panigurado na simula bukas ay puro na lang mga asignatura at paksa ang ating paguusapan." Tumawa lang ako ng mahina at sumunod na sa kaniya sa sala. Umupo ako sa isang mahabang sofa habang nakasandal ang aking likod. "Ito palang ang unang beses na papasok ako sa isang paaralan. Anong klaseng mga kaklase ba ang ating makakasama?" Tanong ko rito.  "Hindi naman masiyadong espesyal," tugon ni Elfrida, "Normal lang naman silang tao na katulad natin. Kapag sinabi kong normal ay iyong normal na may kapangyariha ah? Hindi 'yong simpleng tao lang." Natawa naman ako sa dugtong nito. Kung titignan ay parang si Tine si Elfrida, masayahin at sobrang kulit. Namiss ko tuloy ang bruhang 'yon. "Mababait naman silang lahat at hindi nanghuhusga. Nagtutulungan upang umakyat ang lahat sa susunod na antas, pero syempre hindi talaga mawawala ang inggit. Minsan ay nagkakaroon talaga ng komplikasyon ang lahat." Ramdam ko sa boses nito ang lungkot sa huli niyang sinabi, tila ba na may pinanghuhugutan si Elfrida doon. "Ito ba ang nangyari sa inyong dalawa?" Tanong ko sa kaniya, kitang-kita ko naman ang gulat sa kaniyang mga mata bago bumuntong-hinga at tumango. "Alam ko na hindi ko agad ito sinabi sa iyo noong una pero ito rin ng nangyari sa amin ng kaibigan ko." Paliwanag niya, "Noong una pa naming pasok dito ay sobrang saya pa namin. Lagi kaming magkasama, halos hindi kami mapaghiwalay. Sabay lang din kaming nag-eensayo at nag-aaral sa aming bahay pero dumating ang araw ng pasulit. Bigla na lang siyang bumagsak dahil sa isang pagkakamali." "Pagkakamali?" "Isang pagkakamali niya, sinabihan ko na siya na hindi tama ang paraan na ginagamit niya sa rune. Hindi ba at sinabi ko na sa iyo na kailangan ng masusing pag-aaral ang rune? Kailangan sundin ang tamang paraan kung paano ito gawin, pero hindi siya nakinig, gusto niyang sundin ang gusto niya. Kaya siya bumagsak." Malungkot nitong sabi. "Kung mali pala niya, bakit naman kayo nag-away?" Tanong ko. "Kasi sinisi niya ako na ako raw ang may kasalanan kung bakit iyon nangyari. Kung sana raw ay binalaan ko siya ay hindi siya babagsak. Binalaan ko naman talaga siya eh, hindi lang siya nakinig. Nagalit siya sa akin dahil sa pagkakamali niya at hindi niya matanggap na tama ako at pumasa pa." Ramdam ko ang bigat sa bawat salita na binitawan ni Elfrida. Ito pala talaga ang buong pangyayari noon, kaya pala nahihirapan siyang sabihin sa kain noong una kung ano ang nangyari sa kaniya at ng kaibigan niya. "Simula no'n ay ayaw ko na magkaroon pa ng kaibigan, pero iba sa iyo eh. Komportable ako at hindi ko alam kong bakit." Bakit parang napaka-pamilyar yata ng sinabi ni Elfrida sa akin?  "Hay naku. Tama nga 'yan, matulog na tayo at magpahinga. Mukahang kailangan mo na rin maligo,"sambit nito. Sumang-ayon lang ako sa kaniya at tumayo na pero bago pa ako maglakad patungo sa aking kwarto ay naalala ko bigla ang gusto kong itanong sa kaniya. "Oo nga pala, Elfrida," tawag ko sa kaniya, lumingon naman ito sa akin at ngumiti. "Bakit?" "Pwede ba akong magtanong?" Lumapit ako kay Elfrida at tumabi rito. "Ano 'yon?" "Hindi ba at na ikwento mo sa akin ang tungkol sa mga magulang mo?" Tanong ko rito. "Alin doon?" Nagtatakang tanong niya. "Iyong buwan-buwan ka nila pinapadalhan ng pera para sa iyong pagkain dahil kulang lagi?" Tugon ko rito. Tumango naman si Elfrida at ngumiti. "Bakit? Gusto mo ba hati tayo? Pwede naman! Total ikaw naman lagi nagluluto kaya ako na bibili ng mga kailangan mo,"masayang sambit nito. Umiling lang ako sa kaniya. Mali pa yata ang pagkaka-intindi ng babaeng 'to. Anong akala niya? Hindi porke't ako 'yong nagluluto ay hindi na ako bibili, kakain din naman ako eh. Loka talaga 'to. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan. "May gusto sana akong itanong tungkol doon." "Ano nga 'yon?" Kunot-noong tanong nito. "Sa araw na magpadala sila ng pera sa iyo ay maari bang ma-isabay ko ang sulat para sa mga taong naghihintay sa akin sa Sola? Ilang buwan na kasi akong hindi nakakapag-padala ng sulat at baka nag-aalala na ang mga iyon."  "Oo na naman,"masayang tugon nito, "Akala ko naman kung tungkol saan ang itatanong mo. Lagi rin naman ako nagpapadala ng sulat sa aking mga magulang. Kung gusto mo ay isasabay ko na rin sa oras na magpadala ako. Siguro sa susunod na araw ay papadalhan na ako ng pera, ibigay mo na lang sa akin ang sulat mo at ako na ang bahala." Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na hindi yakapin si Elfrida. "Salamat ng marami." "Walang anuman 'yon pero,"sabi nito at tumigil saglit. "Pero bakit? Kailangan ko ba magbayad? Magkano?" Tanong ko at kukuha na sana ako ng pera nang bigla nitong hawakan ang aking kamay. "Kung ano-ano na naman 'yang pumapasok sa isip mo. Libre na 'yon, ang gusto ko lang sabihin ay pero yinayakap mo 'ko na hindi ka pa naliligo at basang-basa ang damit mo." Dugtong niya.  Mabilis akong tumayo at tinignan ang aking damit. May kaunting dumi na nga itong suot ko. Kamot ulong tinignan ko naman si Elfrida at ngumiti. "Aalis na ako at maliligo. Matulog dapat tayo ng maaga,"sabi ko at tuluyan ng tumalikod, "Nawa'y makatulog ka ng mahimbing." "Ikaw rin." Rinig kong tugon ni Elfrida bago ko tuluyang sinarado ang pinto at nagtungo na sa banyo upang maligo. Sinimulan ko ng hubarin ang damit ko at binabad na ang aking katawan sa tubig. Napakasarap talaga sa pakiramdam. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at pinakiramdaman ang init ng tubig sa aking balat. Ano kaya ang mangyayari bukas? Bahala na, nandiyan naman si Elfrida sa aking tabi. Sa kaniya na lang ako aasa.ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD