Chapter 11
Rowan Caleb Santiago
“What the hell is this, Rowan?” galit na wika sa akin ni Clarissa matapos ang gulong nangyari kanina. Inaamin kong nabigla ako sa ginawa ni Wynter na pagsampal sa akin.
We’re still okay before that pero sa gulo na naman nauwi ang lahat. I can’t blame her for her feelings right now. I used other people to conspire with me to messed up with her feelings which I know she hated the most. Nakakatawa lang na minsan na din naman niyang pinaglaruan ang damdamin ko pero wala akong chance na magalit sa kanya noon pero ngayon na nandito na siya sa harap ko ay wala naman akong karapatan na mandamay ng ibang tao sa away naming dalawa.
I hate her for what she did.
Inaamin ko naman na hindi ko pa rin siya magawang patawarin kahit na apat na taon na ang lumilipas. What she did left a deep wound inside my heart until now. At hangga’t hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kung bakit niya ginawa ‘yon ay hindi ko magagawang kalimutan o patawarin ang ginawa niya.
I lost someone who is very dearly to me. Iyong babae na gusto ko makasama hanggang sa pagtanda ang nawala sa akin dahil sa eksenang ginawa ni Wynter noon. How could I possibly forgive her without knowing her reason first?
Kahit gusto ko siya intindihin ay hindi ko magawa dahil wala akong maalala kundi ang ginawa niya sa pagsira ko sa kasal ko noon hanggang ngayon.
“Talaga bang sukdulan ang galit mo sa kanya at nakuha mo pa gumamit ng ibang tao para lang pagtulungan siya?”
Clarissa knew what her talent did to me in the past. Syempre noong una ay hindi siya maniwala pero nandoon siya noong mga panahong ikakasal dapat ako at nasira yon nang dahil kay Wynter. Sinabi ko na manahimik na lang muna siya at huwag alamin ang nalalaman niya. I’m thankful that Clarissa was professional enough to keep things like this between us. Pero tiyak na hindi na naming maitatago sa ibang tao ang nangyari noon dahil sa eksenang ginawa ni Wynter kanina.
She was hurt. I could see that. Malapit na pumatak ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigilan pero nagpakatatag siya hanggang sa matapos ang mga gusto niya sabihin ng diretso sa akin at naglakad palabas ng hotel.
“I was hurt, okay?” I reasoned out. “I’m still hurting until now.”
“Hindi ka pa rin tapos dyan? I get it okay! You are not fine since she broke up with you! You’re mentally and emotionally unstable and you are constantly blaming Wynter for that! She ruined your wedding and it’s something unforgivable. Trust me, I understand your situation but don’t you think that you were being unfair and unprofessional? Can you atleast try to see her in different light like a decent actress, not the Wynter who destroyed your wedding?”
“Is she a decent actress though?” tanong kong pabalik sa kanya. She looked at me with disappointment in her eyes. Hindi siya nahiyang ipakita iyon sa akin hindi katulad noon. “She’s a decent person, Rowan. In fact, you’re just like that because she did terrible things to you! Tingin mo ba kung hindi nangyari ‘yon, magkakaganyan ka ngayon?”
“And hey, if Wynter didn’t do that, we won’t be able to see your ex-fiancee’s true color!” dagdag pa niya.
Umangat ang kilay ko sa sinabi niya. “What do you mean?”
“She won’t believe Wynter’s lies if she trusted you, Rowan. As if you can impregnate other woman when it’s clear that you love her with all your heart.”
Hindi ako nakaimik. She has a point. Pero alam ko sa sarili ko na mahal ako ni Daphne. I saw how hurt she was that day.
“Mahal ako ni Daphne, Clar.”
“I know. But after the scene that Wynter made, isn’t it weird that she did not show up and even hear your explanation?”
Hindi ulit ako nakasagot. Iyon kasi ang mga bagay na pinupunto ng mga kaibigan ko noon pa. Pero itinatanggi ko iyon dahil ayaw ko paniwalaan kahit na alam ko naman may sense ang mga sinasabi nila. Dahil ayaw ko paniwalaan ang mga ‘yon, naipon ang galit sa dibdib ko na kasalukuyan kong ibinubunton kay Wynter dahil siya naman talaga ang nakikita kong may kasalanan.
Pagkatapos ng eksenang ‘yon, sinubukan ko magpaliwanag sa pamilya ni Daphne. They heard me out except her and a few weeks after that, I lost her for good. Nalaman ko na lang na wala na ang buong pamilya niya sa Metropolis. I tried to search for her but I can’t get any information about her whereabouts. A few months after, nalaman ko ang pangalan ng babaeng nanggulo sa kasal at doon ko nakilala si Wynter. Hindi ko siya pinuntahan kaagad. I was busy planning for my revenge and made sure that we will cross our paths again and it happened.
“Please try to understand her more Rowan. I know it’s going to be hard but—“I am trying, Clarissa. Why do you think that I gave her this project? That’s because I wanted to give her a chance on this path,” mariing wika ko. Totoo naman na sinubukan ko. I gave her this project because I saw her talent during her audition. She has some skills and I should commend her for that. She deserves the role.
“But you ruined it Rowan.”
May sasabihin pa dapat si Clarissa nang pumasok ang isa sa mga crew sa kwarto kung saan nag-uusap kaming dalawa.
“What is it?” tanong ko sa crew. “Wynter left her phone and wallet. Hindi namin siya mahanap at bukod pa doon ay binalita na may paparating na bagyo ngayong gabi.”
“What?”
Hindi na ako nagdalawang-isip na tumayo sa kinauupuan ko at hanapin si Wynter. Inaamin kong tinamaan ako ng konsensya pagkatapos ko marinig ang mga sinabi ni Clarissa sa akin. Kaya naman hindi ako nagdalawang isip na kumilos at hanapin siya.
I saw her with three guys. She looks tired and hepless. Lalong umusig ang konsensya sa akin. I saw how she got slapped by a stranger. Nagalit ako at noong mga oras na ‘yon ay gusto kong suntukin ang lalaki pero alam kong walang magandang idudulot ang bagay na ‘yon.
I called the police immediately. Buti na lang at hindi sila nahirapan na puntahan ang lugar. Pagkatapos no’n ay saka ko tinawag ang atensyon ng lalaki at kinuha si Wynter sa kanya. Inaresto ng mga pulis ang tatlong lalaki na nang-harassed sa kanya.
I was mad. Alam kong kung nahuli lang ako ng konti ay maaaring may mangyari pang masama sa kanya. I hugged Wynter after that. Doon na siya umiyak nang umiyak sa akin. For the first time, I felt how weak, scared, and helpless she was. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko nang mga oras na ‘yon para gumaan ang pakiramdam ko. Nakaramdam ako ng awa at parang sa sandaling ‘yon ay nakalimutan ko ang naipon nag alit sa kanya.
Maybe, Clarissa was right. I should try to see her in a different light. Baka kaya lang ako ganito sa kanya ngayon ay dahil puro mali ang nakita ko sa kanya.
Wynter Avalon Delgado
Rowan took me into a different hotel dahil malayong makabalik pa kami lalo na at may paparating pang bagyo. Hindi ako umimik buong byahe. Pagod na ako para makuha pang magsalita o makipagtalo sa kanya. A lot of things happened in just a blink of eye. Wala akong ideya na sa simpleng komprontasyon ay mauuwi kami sa ganito. Muntik pa akong mapahamak and I won’t blame him for that. I am sure that no one expected this to happen. Wala rin naman kinalaman si Rowan kung bakit ako napahamak at hindi rin naman ‘yon mapipigilan dahil hindi naman lahat ng tao ay mabubuti.
Kung mabuti siguro lahat nang tao, wala sigurong krimen ngayon sa mundo.
The guys got arrested by the policemen. Susubukan sana kunin ng pulis ang pahayag ko ukol sa nangyari dahil biktima ako pero kaagad na inangilan iyon ni Rowan at sinabing ipagpapabukas na lang ang nasabing statement. The police officer agreed to that and let us to take a rest for tonight. I was thankful that he did that for me. Siguro ay napagtanto niya na wala na akong enerhiya para ikuwento pa ang nakakatrauma na nangyari sa akin ngayong gabi.
Sa buong byahe ay wala akong inisip kundi ang mga nangyari kanina. I know that I should say sorry to him because I lashed out pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula o kung dapat ba na magsalita ako ngayon kahit na pareho na kaming pagod. Nagwala rin ako na wala sa lugar at tiyak na hindi ko na mababawi pa ang mga narinig ng mga tao kanina sa hotel. For sure, they will ask us a lot of questions that I won’t be able to answer properly. At sigurado ako na ang iba ay gagawan na naman ako ng mga isyu para lang hilahin ako pababa sa career na tinatahak ko ngayon. Hindi rin malabo na madamay doon si Rowan at ang ginawa kong kasalanan sa kanya noon.
Bukod pa roon ay muntik pa akong mapahamak. Kahit na sabihin kong wala namang may kasalanan no’n, alam kong may masasabi at masasabi sila. I couldn’t control their thoughts about what I did and Rowan.
Huminga ako nang malalim. Lalo lang ata sumakit ang ulo ko sa kakaisip ng solusyon na maaari kong gawin para hindi makaabot sa media etong ginawa ko. I closed my eyes and tried to empty my thoughts. Baka sakaling may maisip akong solusyon sa problema ko ngayon.
“What’s wrong?” Kaagad bumukas ang nakapikit kong mga mata nang marinig ko ang baritonong boses ni Rowan na siyang ikinagulat ko. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata ‘yon. Kaagad akong napailing at iniwas ang tingin sa lalaking pilit ako hinahagip gamit ang kanyang mata.
“Eyes on the road, Mr. Santiago…” I whispered.
Binalutan kami ng saglit na katahimikan. Kaagad din kasing nabasag iyon dahil nagsalita siya na hindi ko inaasahan.
“I-I’m… sorry for what I did earlier…” wika niya. Kahit hindi ako nakatingin nang diretso at repleksyon niya lang ang nakikita ko sa salamin ng sasakyan niya ay kitang-kita ko ang bawat aksyon niya. Ultimo ang paglunok at pag-iwas nang tingin sa akin na tila ba hindi alam kung ano ang mga salitang dapat niyang sabihin ay kitang-kita nang dalawa kong mga mata.
My forehead creased.
I even looked at him directly dahil hindi ako makapaniwala sa mga inaakto niya. I think this was the longest time we didn’t fight or argue. And he even said sorry which I didn’t expect to came out from his mouth. Akala ko kailangan pa na pumuti ang uwak bago mangyari ang sinasabi ko.
“Are you for real right now?”
Siya naman ang napakunot ang noo dahil sa sinabi ko. Tumawa siya nang mahina habang umiiling-iling. “I know that I am harsh to you Wyn, but I am not that bad either.”
“So why are you saying sorry?”
“What?”
“You’re not saying sorry to me just because you have to, right? Or am I wrong?” Saglit siyang napatahimik habang ako ay napailing na lang sa aking isipan. This man will never change. Dapat pala hindi na ako umasa na sincere ang sorry nang lalaking ‘to. I really appreciate that he saved me yesterday but what he did before is a different story.
“Okay fine, I’ll admit that I was wrong, Wynter. I am sorry for what I did. And I am very sorry if you almost got hurt because of my ego.
He sounded so sincere. Kahit hindi siya nakatingin nang diretso sa akin at repleksyon niya lamang ang nakikita ko sa side mirror ay sapat na ang sinabi niya para gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko rin alam kung paano gumaan ang pakiramdam ko doon. It was just a simple sorry. Maybe because he finally admits that he was wrong about me. That he finally realizes that I wasn’t that bad.
Huminga ako nang malalim. Muli kong inalala ang mga lalaki. Wala akong alam kung anon a ang nangyari sa kanila. Rowan told me that he will let his attorney talk to the police for me. He also did that because he wanted me to be safe. Hindi ko naman tinatanong kung bakit niya pa ‘yon ginawa. Gusto ko lang naman malaman kung anong hakbang ang ginawa niya para alam ko ang isasagot ko kapag may nagtanong sa akin.
“Forgiven.”
Nilingon niya ako. At kahit sa bintana lang ako nakatingin ay pansin na pansin ko ang pagkagulat sa mukha niya na para bang eto ang unang beses na pinatawad siya. I already forgiven him the moment he saved me. At kahit naman hindi niya ako niligtas ay papatawarin ko pa rin siya dahil wala naman siyang kasalanan kung galit siya sa akin.
I was about to say something when he starts the engine of his car. Tumigil kasi kami dahil sa stoplight.
Nakarating kami sa pinakamalapit na hotel at nagkataon na wala na silang ibang kwarto pa na pupwede kaya wala kaming choice ni Rowan kundi ang matulog sa iisang kuwarto. Again, I was too tired to argue with the receptionist that they should give us separate rooms kaya hinayaan ko na lang.
Humingi na lang si Rowan ng ekstrang matress na kaagad naman inasikaso ng mga staff doon.
Natulog kami sa kwarto. Si Rowan sa ibaba habang ako naman ay nasa kama. Hindi ako makatulog kahit na alam kong pagod ako dahil sa daming nangyari sa akin ngayong araw. I charged my phone. Sunod-sunod ang text at tawag na natanggap ko mula kay Clarissa at sa iba pa naming katrabaho na nakakaalam ng number ko. I texted them that I was fine. Sinabi ko rin na bukas na ako nang umaga babalik sa hotel kung nasaan sila. Pagkatapos no’n ay sinarado ko na ang cellphone ko.
I tried to sleep but my brain is full of unwanted thoughts right now. Nakailang palit na ako nang pwesto pero hindi ako madalaw-dalaw ng antok.
“Can’t sleep?”
I froze when I heard his bedroom voice. Naalipungatan ata siya. “I’m sorry, did I wake you up?”
“No. I can’t sleep either.”
Binalutan kami ng katahimikan pagkatapos no’n. May gusto ako sabihin sa kanya ngayong gabi pero hindi ko masabi-sabi iyon. Para bang may nakabara sa lalamunan ko. Lumingon ako sa kanya at nakitang nakatalikod siya sa akin. Tumalikod muli ako sa kanya at pagkatapos ay tinawag ang pangalan niya.
I should thank him before this night ends.…
“Thank you,” mahina pero malinaw na wika ko sa kanya. I closed my eyes immediately. Nagkunwari akong tulog pagkatapos no’n kahit halos lumundag-lundag na ang puso ko sa kaba. I was not hoping for his reply or anything. I am fine after that thank you pero hindi ko alam kung bakit halos magiba ang rib cage sa aking puso nang marinig ko ang boses niya.
“You’re welcome.”