Chapter 12
After that night, sari-saring mga tanong ang nakuha naming dalawa ni Rowan sa mga katrabaho naming lalo na kay Clarissa. Tinalo pa niya ang imbestigador sa pagtatanong pagkatapos nang mga nangyari pero ang ilan doon ay hindi ko na idinetalye.
Naging maayos kami ni Rowan sa isa’t isa after that fight. I could say that we can talk casually without shouting to each other o kaya naman ay nawawalan kaagad nang pasensya. Pakiramdam ko ay nagtagpo na sa wakas ang landas naming dalawa. We’re at peace now. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan magtatagal ‘yon. Alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin ako napapatawad ni Rowan, plus the fact that I wasn’t telling him the truth about what happened in the past. Hindi ko rin alam kung sapat na bang dahilan ang dahilan ko para siya ang maghirap sa ginawa ko. I was desperate to save my mother and I know that it was not enough reason to destroy other people’s lives yet I did it.
Matuwid naman ang pananaw at may prinsipyo ako na sinusunod o kahit nga batas na sinusunod ko sa sarili ay nabali ko pa rin ang lahat nang ‘yon. I want to become a right person yet I failed to do so.
Siguro para sa iba ay kahit anong gawin ko ay walang kapatawaran ang ginawa ko sa kaniya. I destroy his future and break-off his wedding because of money… money to extend my mother’s life.
To be honest, I wasn’t happy to received that money. Alam kong kahit si mama ay hindi matutuwa kapag nalaman niya kung saan galing ang per ana ‘yon. Ilang beses na niyang sinabi sa akin noon na kahit gaano pa kami naghihikahos sa hirap ay hindi tamang manapak ng ibang tao. I was following that rule until she was hospitalized and money is the only one that could save her. Kung ipinanganak lang sana kaming mayaman at hindi mahirap ay malamang hindi ako makakaisip ng ganoon kahit na may talent ako sa pag-aartista pero hindi naman ‘yon nangyari kaya kahit labag sa loob ko ay ginawa ko ‘yon. Ginawa ko ang sa tingin kong nararapat at ‘yon ay iligtas ang mama ko. Ang unahin siya kesa sa iba pa.
Inisip ko na lang na makakasama ko si mama pa nang matagal pero ang saya na ‘yon ay hindi rin nagtagal lalo na at hindi naman maliit ang mundong ginagalawan naming ni Rowan. Kahit na nagpakalayo na ako ay nakikita ko pa rin at naririnig ang pangalan niya, mapatelebisyon o radyo man ay nandoon siya. I was eaten by guilt pero dahil kasama ko pa si mama noon ay hindi ako nakaramdam ng kahit anong pangongonsensya.
Doon lang ako nakaramdam nang mawala na si mama. Araw-araw kong inisip ‘yon but then, palagi akong bumabalik sa desisyon ko tungkol kay mama. Sigurado na kung nandito pa si mama sa tabi ko ay gugustuhin niya rin na mapatawad ako ni Rowan. Afterall, I’m just a human who commits mistake.
Rowan wanted to punish me but I was punishing myself before that. Araw-araw kong pinapasok ang imahinasyon kung saan humihingi ako ng patawad kay Rowan sa ginawa ko sa kanya. I know he loves his ex-fiancee until now. I can still see the loneliness in his eyes. And I know that he still seeks for an answer until now. Kung bakit ko ‘yon ginawa, na kung siguro hindi ako dumating noong araw na ‘yon, masaya siya ngayon dahil may asawa at anak siya.
Huminga ako ng malalim at humiga sa kama. Nasa hotel pa rin kami dahil hindi pa tapos ang shoot. Pero uuwi na kami bukas dahil last day na bukas. We were told that we can rest for an hour bago sumabak ulit sa panibagong shoot ng eksena. The commercial was divided by three parts. Hindi siya isang eksena lang na pang-short commercial. May istorya iyong commercial dahil hindi lang siya dito sa Metropolis ipapalabas kundi sa buong bansa. Kaya naman kahit isang commercial lang siya ay talagang nilagyan ng budget ng company.
Sinubukan ko ipikit ang mga mata ko pero naaalala ko lang ang mga ginawa ko noon. Kaya naman para hindi maalala ang mga ‘yon ay lumabas ako kahit sinabi ni Clarissa na magpahinga ako. Nagpunta ako sa dalampasigan at umupo sa mapinong buhangin. Pinanood ko ang paglubog ng araw habang pinapakinggan ang bawat hampas ng alon.
I felt calmness inside my heart but it didn’t last long. Napatigil ang panonood ko sa alon nang mahagip ng mata ko ang lalaking naglalakad sa gawi ko. He was hiding his both hands inside his pocket on each side while walking towards me confidently. Halos lahat ng tao ay napatingin sa ginawa niyang ‘yon. Para siyang nasa fashion show kung rumampa. All women were eyeing him pero mukhang hindi niya alam ang bagay na ‘yon.
I acted like I did not notice him. Humiga ako sa buhangin kahit alam ko na kung ano ang kapalit no’n. I closed my eyes and ignored his presence.
“Don’t ignore me Wyn. I know you noticed me.”
Huminga ako ng malalim at bumalik sa pagkakaupo. “What do you want?”
“You should not sleep here.”
“May rule ba na hindi pwede matulog dito?” tanong ko sa kanya habang diretso pa rin ang tingin sa dagat. Nakita ko siyang umiling at tumabi na lang sa akin. Gumawa ako ng kaonting espasyo sa aming dalawa at pinagpatuloy ang panonood sa alon ng dagat.
“You always come here, don’t you?”
“It’s my favorite scenery. Kumakalma ako kapag nakakakita ako ng sunset at ang tunog ng paghampas ng bawat alon sa dagat,”
paliwanag ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Kaninang umaga lang ay marami pa siyang kausap sa telepono. He’s busy with things that I didn’t know.
“Why are you here? Hindi ba may kausap ka pa kanina?” tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin habang nakakunot ang noo. Maya-maya ay ngumisi siya sa akin at umiling. “I didn’t know that you’d find me interesting.”
“No, I don’t. Napansin ko lang ‘yon kanina bago ako pumunta rito. Huwag kang masyadong pilingero dyan, Mr. Santiago.” I rolled my eyes heavenward. Alam ko naman na maraming babae ang nagkakandarapa siya lalo na ngayong single na siya. Noong isang araw nga ay ibinalita sa isang showbiz news kung sino ang mga hottest top bachelor ngayon sa bansa at nagkataon na number one siya roon sa listahan. They’ve been asking when he will date again after his heartbreak four years ago. Isinikreto pala kasi ‘yon sa madla ang nangyari dahil ayaw nila na pinagpipyestahan ng media. Nabalitaan na lang nang media na hindi na natuloy ang kasal pagkatapos ng isang taon dahil sa isang interview ni Rowan kung saan kinumpirma nito na matagal na silang wala ng dating karelasyon bago dumating ang araw ng kasal.
Sa madaling salita, Rowan lied in front of media. Siguro ay dahil ayaw niya maging katawa-tawa siya sa harap ng maraming tao kaya niya ginawa ‘yon.Kahit siguro ako naman ang malagay sa ganoong sitwasyon ay ganoon din naman ang gagawin ko.
“You have a new project after this. It’s not a series or movie like you wanted but you have guesting's on other shows. And you have a new brand to promote.”
Nanlaki ang mata ko. “Hindi ba ‘yan joke? Baka tsina-charot mo lang ako ha,” paninigurado ko.
“I am serious Wyn. In fact, in the next two days, Clarissa will call you to sign the contract for the brand.”
Tuwang-tuwa ako sa nalaman ko. Hindi ko maipinta ang say ana nararamdaman ko pagkatapos no’n pero nawala din kaagad ‘yon nang bigla kong maalala ang nangyari isang araw na ang nakakaraan.
“Why are you doing this? Don’t tell me, you’re feeling guilty because of what happened, Rowan?”
Hindi siya nakaimik. Bumuntong-hininga ako. Sabi ko na eh! Kaya siya ganito ay dahil nangongonsensya siya sa nangyari sa akin. I was traumatized pero hindi ko gagamitin ang nangyari na ‘yon para paboran ako ni Rowan.
“No. Of course not,” wika niya pagkatapos manahimik. “Yes, I was guilty but I am not giving you this opportunity for that reason, Wynter. I am giving it to you because you deserve it. You worked hard for it.”
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sa wakas ay nagbunga din ang paghihirap ko. Ito na siguro ang simula para makamit ko yung pangarap naming dalawa ni mama.
I called him while smiling from ear to ear, whispering the word he didn’t expect me to say. “Thank you.”
Naging successful ang shoot kinabukasan kaya naman maaga kami nakabalik ng Metropolis. Sinabi na may party na gaganapin sa makalawa para sa successful commercial. Maghihintay na lang kami na i-release yon sa tamang petsa at voila, pwede na ako tumawid sa next project. At dahil nga maaga kami nakabalik ay binigyan din kami ng isang araw na pahinga. Binilinan ako ni Clarissa na kailangan ko bumili ng formal attire for that so-called party dahil hindi siya nakapaghanda ng susuotin ko. Dahil nga hindi ko pa naman afford ang luxury brands ay nagtyaga muna ako maghanap sa mall.
May nagustuhan ako na damit at afford ko naman ‘yon dahil palagi akong kumukuha nang part time jobs sa kung saan-saan para lang may panggastusin araw-araw lalo na at wala akong project no’n masyado. I spoiled myself during that day. Nagpa-spa ako at nagpa-ayos ng buhok. Pagkatapos ko maglaan ng halos apat na oras sa salon ay doon na ako nagdesisyon na umuwi ng bahay. May stock pa naman ako ng grocery sa bahay at may mga karne pa naman doon. Sa bahay na lang ako kakain ng dinner.
Pauwi na sana ako nang hindi ko sinasadyang may mabunggo akong babae. Nagkandahulog-hulog ang mga dala kong gamit dahil sa kanya. I was pissed but I didn’t lash out. Hindi ko rin naman magagawa ‘yon matapos ko makita ang mukha ng nakabunggo kong babae. Parang pareho pa nga kami nagulat sa isa’t isa nang magkatinginan kami.
She has an angelic face and fragile. Parang konting bangga mo lang ay madadapa na siya. She has a long and wavy black hair na lampas balikat ang haba. Magkasingtangkad lang din kami. Ang mga mata niya ay bilugan. Mayroon din itong matangos na ilong at manipis na mga labi.
“I’m sorry, did I hurt you?” she said apologetically.
She looks indeed familiar. Pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita noon. Baka siguro kamukha lang.
I smiled at her. “N-No. I’m fine.”
Tinulungan niya ako na pulutan ang mga gamit ko. Habang ginagawa niya ‘yon ay hindi pa rin nawawala ang tingin ko sa kanya. Nakita ko na talaga siya noon pa pero hindi ko maalala kung saan.
“Thank you,” wika ko nang matapos sa pagpulot ng gamit.
“You’re welcome.”
Pagkatapos no’n ay umalis na siya sa harap ko habang ako ay sinusundan pa rin siya ng tingin. Habang papalayo ng papalayo ay doon nagsimula ang kaba na nararamdaman ko.
She’s Daphne Tuazon.
Rowan’s ex-fiancée.
Nawala ako sa iniisip ko nang biglang tumawag sa akin si Lianne. Sinagot ko agad ‘yon.
“Hello?”
“Wyn! Have you seen the news about Steven’s case?”