Chapter 2
"So, anong sinabi niya sa'yo?" tanong ni Lianne sa akin. Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Sir Rowan sa office niya ay kaagad kong tinawagan si Lianne at nagpunta sa pinakamalapit na bar. Kung buhay pa ang mama ko, paniguradong sesermonan niya ako na dito ako sa bar dumeretso imbes na sa bahay.
Kinuwento ko ang sinabi ni Rowan sa akin. Hindi ko alam kung maganda ba iyong pagkikita namin nang lalaking 'yon. I carried that guilt for three years. Akala ko kapag nagkita kami at nakahingi ako ng sorry sa kanya, gagaan ang pakiramdam ko. Pero hindi pala. Lalong bumigat ang nararamdaman ko dahil nakita ko kung paano siya naging miserable sa loob ng tatlong taon na 'yon dahil sa ginawa ko habang ako... masaya dahil nakasama ko pa ang mama ko.
"Eh anong naramdaman mo pagkatapos mo siya makita? Nabawasan ba?" tanong sa akin ni Lianne. She knew what I felt during those times. Hindi ko magawang maging masaya ng todo dahil may mga oras na iniisip ko kung ano na kayang nangyari sa taong sinira ko ang kasal.
Akala ko, it won't matter because he's rich. Kung nasira ko man ang kasal nila noong araw na 'yon, may paniniwala ako na maaayos pa rin nila 'yon dahil wala naman hindi naaayos kung may pera na involved. Pero mukhang hindi iyon ang case sa kanila. They fell in love with each other naturally and deeply. Kaya nga sila magpapakasal ay dahil handa na silang makapiling ang isa't isa hanggang pagtanda but I destroyed it.
"No. Mas lalong bumigat..." malungkot na wika ko. Sumandal ako sa balikat ni Lianne. "It's not your fault, Wyn. You only did that because you love tita so much. Kung ipapaliwanag mo sa boss mo at hindi siya magiging gago, he would understand that."
"Ano nang mangyayari sa career mo ngayon?" tanong ni Lianne sa akin matapos ko tumahimik nang ilang minuto, iniisip pa rin si Rowan. Nagkibit-balikat ako sa kanya. Iyon naman talaga ang totoo. Wala akong ideya kung ano ang mangyayari sa career ko kahit na sinabi sa akin ni Rowan na tutulungan niya ako para malagpasan ang lahat nang 'to. Alam ko kasi na hindi ako basta-basta no'n tutulungan lalo na at may atraso ako. Ang ipinagdadasal ko na lang ngayon ay maging maayos sana ang lahat. Matagal kong tinrabaho itong career na ito. My dream since I was a child was to become a great actress like my mother. Kaya pinagsumikapan ko kung ano man ang mga natamasa ko ngayon. Sadly, it turned out like this.
"May balita ka sa hinayupak mong kaibigan?"
Umiling ako at nagkibit-balikat. Wala akong balita kay Steven pagkatapos ng mga nangyari. I tried to contact him after the controversy happened to us but he was not answering his calls. I did not know what he's up to.
Steven became my dear friend. Siya lang ang kilala ko nang bago ako sa industriya. He reached out to me and we became closer. Madalas akala ng mga tao ay may relasyon kami pero madalas kong sinasabi kahit sa mga interview na hindi kami at hanggang kaibigan lang. I admit that I developed a romantic feeling for him even in a shortest time. Sino bang hindi mahuhulog sa mabait na tao na kagaya ni Steven? Kaya hindi pa rin halos mag-sink in sa utak ko ang mga kinasangkutan niyang isyu.
Nagsilabasan kasi ang mga iba't ibang alegasyon laban sa kanya. And I know defending him even as a friend will not do anything good to me. But I still believe that he's a kind person.
"Is he calling you?" tanong muli sa akin ni Lianne matapos lagukin ang laman ng bason a may alak. Umiling ako sa kanya. "That's good to hear. Don't answer if he calls. Wala siyang maidudulot na maganda sa career mo."
"Steven is a good person, Lianne." Umirap sa akin ang kaibigan ko at napailing. "Anong good? Lumalaklak nga ng droga tapos mabuting tao? Mamaya ikaw pa mapahamak ka-good-good mo dyan eh."
"Hindi ko alam kung anong ginawa sa'yo ng lalaking 'yon but I think it's better if you stay away from him to save your career."
Napabuntong-hininga ako. Alam ko naman 'yon. Talking to Steven right now is a bad thing. Kung magkataon na may makaalam na may koneksyon pa rin kaming dalawa, siguradong kahit si Rowan ay wala nang magagawa para isalba ang career ko.
Natapos ang gabing 'yon na marami pa rin akong iniisip. Umuwi ako sa condo na halos walang lakas dahil sa dami ng nangyari. Ayoko magpakapagod kung paano sosolusyonan ang problema ko pero hindi ko rin maiwasan na hindi isipin iyon. Ayokong umasa sa sinabi ni Rowan na tutulungan niya ako kahit na iyon lang ang last chance ko na maligtas ang career na mayroon ako.
Baguhan pa rin ako kahit tatlong taon na ako sa industriya. At madali lang ako mabubura kung patuloy akong masasangkot sa mga ganitong gulo. Pero ito ang kauna-unahang nasangkot ang pangalan ko at grabe agad ang epekto sa career ko!
Halos ayawan na agad ako ng mga tao para sa future projects ko. I was removed on my current endorsements and I couldn't even say anything. Ni hindi ko man lang magawang ipagtanggol ang sarili ko kahit na sobra-sobra na ang galit nila sa akin. Pero bakit ko ng aba ipagtatanggol ang sarili ko? I was innocent! I didn't know that Steven has drugs with him! Ni kahit ang paggamit niya ng drugs ay hindi ko alam!
Imbes na matulog ay nakuha ko pang tumingin sa social media. Alam kong walang magandang maidudulot sa akin ang pag-alam ng mga reaksyon ng tao ngayon pero wala na akong pakialam. Even my manager told me that it is better not to read people comments for my mental health. Pero kinain ako ng kuryosidad ko at tinignan iyon.
Everyone's hate is pointing at me and Steven. They were calling us drug addicts! Iyong iba ay sinabi na kabago-bago lang ako sa industriya pero nalulong na agada ko sa droga.
I was tempted to speak and defend myself upon their throwing accusations pero wala akong heads up galing sa management na pwede na ako magsalita kaya kahit ganoon ay pinigilan ko ang sarili ko at pinilit na lang na matulog.
Masakit ang ulo ko kinabukasan. Kaagad akong tinawagan ni Clarissa para sa gagawing solusyon sa career ko.
"Steven is already under police's investigation," wika ni Clarissa sa akin nang makarating na ako sa office. Hindi na ako nagulat na mangyayari iyon. Pinaghahanap siya ng mga police noong gabing iyon matapos tumakas sa bar na pinangyarihan ng gulo.
"Sinubukan niyang tumakas pero nahuli kaagad siya and he's pointing at your name! Sabi niya ay may kinalaman ka rind aw sa droga!"
Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling. "Hindi totoo 'yon!"
"I know. Pinaliwanag ko na ang lahat. Hihingian ka na rin ng statement ng mga pulisya mamaya. Magpapa-presscon si Sir Rowan tungkol sa nangyari sa'yo at hahayaan ka niya magsalita para malinis ang pangalan mo. You better tell them the truth. Walang kulang at walang sobra."
Tumango ako. Inayusan ako ng make-up artist para sa presscon mamaya. Habang inaayusan ako ay lumilipad pa rin ang utak ko sa sinabi ni Clarissa. So, he called a press conference to sort this out. Kung sabagay, wala naman na akong maisip din kundi magpatawag ng ganoon kung may pera ako.
I thought he would change his mind about helping me on my career because of what I did to him. But I'm wrong. I guess he was just being professional for him to forget those things.
"Ready ka na?" tanong ni Clarissa sa akin nang matapos ako ayusan at makapagbihis. Kabado pa rin ako dahil hindi ko alam kung pagkatapos ba nito ay magiging maayos na ang lahat.
Tumango ako kay Clarissa at tumayo na sa kinauupuan ko. Kanina pa raw nasa loob ng press conference si Rowan at hinihintay ako para makapagsimula na.
Hinatid ako ni Clarissa sa pintuan kung saan nasa loob ang mga reporters. Huminga muna ako ng malalim at saka nginitian ang manager ko bago tuluyang hawakan ang door knob at tinulak iyon. Pagkapasok na pagkapasok ko ay dinagsa kaagad ako ng mga reporters at ng kani-kanilang mga camera.
Isa-isa kong sinagot ang mga tanong nila sa akin habang katabi ko si Rowan at ang manager ko na si Clarissa.
Naging nakakapagod ang press conference na iyon dahil pagkatapos no'n ay mga pulis naman ang nakasalamuha ko at kinuha ang statement ko tungkol sa gabing 'yon. Pagkatapos ako kuhanan ng statement ay umalis na rin sila at sinabing tatawagan na lang ako kapag may mga tanong pa sila tungkol sa nangyari.
Pagkatapos din no'n ay bumalik kami ni Clarissa sa office ni Rowan. Ang sabi sa akin ay pag-uusapan daw kung ano ang plano para sa career ko. Pero sa totoo lang ay ang hinihiling ko na lang ay maging maayos ang lahat at wala nang gulo pa na dumagdag pa sa mga problema ko.
"What are you two doing here?"
"Ah... sir... itatanong lang po kung anong plano ngayon sa career ni Wynter ngayong natapos na po iyong gulo at na-clear na ang pangalan niya."
Tumaas ang kilay ni Rowan sa sinabi ng manager ko. Umiling siya at pagkatapos ay tumingin sa akin na halos ikataas ng balahibo ko. "What plan? I did not say I will help throughout her career. I only said I would help her to clear her name."