Chapter 21 Nakadamit na ng pangtulog si Matilda. Nakatilakbong pa siya ng kumot dahil naiwan siya nang mag-isa sa kama. Kasalukuyan pa kasing naglilinis ng katawan si Zero. Naiinip na nga siya sa tagal nito sa banyo. "Ano ba 'yan? Sa banyo ka na yata natulog? Bilisan mo!" sigaw pa ni Matilda habang nakatakip pa rin ng kumot. "Tulungan mo 'ko," mahinang bulong ng isang babae. "Putangina! Zeroooo!!!" sigaw ni Matilda. Napatayo siya bigla at napatakbo papunta sa banyo. Wala na siyang pakialam kahit nakahubo't-hubad si Zero nang madatnan niya. "Dada?" nagtatakang tanong nito. Sabun-sabon pa ang katawan ni Zero pero nagtago kaagad si Matilda sa likod nito. "May multo sa kwarto!" sigaw ni Matilda. "Wala 'yon. Masyado ka kasing nag-iisip eh," tugon pa nito habang patuloy na nagsasabon ng
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books