Chapter 7

1555 Words

Chapter 7 Nakatulog muli si Matilda nang dahil sa kakaiyak. Nagising siya makalipas ang isang oras. Walang emosyon siyang bumangon at nilagpasan ang lalaking nakaupo pa rin pala sa sofa. Nagtungo siya sa banyo at mabilis na naghilamos. Pagkatapos no'n ay lumabas na siya mula sa kwarto.  Ramdam niyang nakasunod lang sa kanya ang lalaki pero hindi pa rin niya ito pinapansin. Nakita niyang huminto saglit si Zac sa lobby para magcheck out. She took that chance to run away. Mabilis siyang tumakbo palabas ng apartelle. Hindi niya alam kung nasaan siya. Pero patuloy pa rin siyang tumakbo papalayo. Bahagya siyang napahinto nang maramdaman niyang makirot ang mga pasa niya sa tiyan. Napahawak siya sa parteng 'yon.  Namalayan na lamang niya na may mga braso nang pumulupot paikot sa baywang niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD