Dahan-dahang iminulat ni Lorraine ang kanyang mga mata. Nagising siya dahil tila mabigat ang kanyang paghinga. Hindi niya inasahan na sa sandaling imulat niya ang kanyang mga mata, makikita niya ang isang lalaki na may guwapong mukha na nakapikit ang mga mata na nakasandal sa kanya. Tinulak ito ni Lorraine saka sinamaan ng tingin. "Anong ginagawa mo?" pasuplada niyang tanong. "Hindi mo ba nakikita? Kailangan mo pa bang itanong?" kalmadong sagot nito. Hindi man lang nakaramdam ng pagka-awkward si Tyler. "At saka huwag kalimutan na asawa kita, I can do what I want." Pinamulahan naman ng mukha si Lorraine dahil doon. Tila siya pa ang napahiya dahil sa tanong niya. Inayos na lang niya ang katawan saka umupo ng tuwid. Kasabay niyon ay nahulog ang suit jacket na inilagay ni Tyler sa kanya.