Pinilit ni Lorraine na kumalma. Tiningnan niya si Brandon at nginitian ito. “Sir Brandon, ngayon ko lang nalaman na may malasakit ka pala sa akin. Matapos sabihin iyon ni Lorraine, nakaramdama si Brandon ng isang matalim na titig—na para bang isang matalim na bagay na anumang oras ay sasaksak sa kanya. At kahit hindi niya tingnan ay alam na niya kung kanino iyon galing. Tingin niya nagseselos ito. At ramdam niya ang galit ng taong iyon kaya hindi na siya naglakas loob pang magtagal roon. Dahil kapag nagkataong hindi pa siya umalis agad ay baka sugurin na siya nito ng suntok ni Tyler. Samantalang si Lorraine naman ay tumalikod at umalis na para umakyat sa itaas. "Tsk. Stop," anang Tyler. Na ang pinahihinto ay si Lorraine. Nang marinig iyon, alam ng magkakaibigan na tila may seryosong pa