7

1013 Words
AKI's POV Nag-report ako ngayon sa headquarters namin, bago ako ihatid sa safe house kung saan nandoon ang pamilya Paige. May nahuli na sa ginawang pagbaril kay Sophie Paige pero hindi ibig sabihin nito ay ligtas na ang pamilya. Madami pang pag-aanalisa at pag-aaral nang kaso ang kailangan gawin. Tulad ng unang nabanggit na ako ang magbabantay kay Sophie Paige. Binigyan lang ako ng ilang impormasyon tungkol sa dalaga. Kasama na dito ang mga nakakahalubilo niya sa paaralan. Kahit sa kanyang folder ay napakaganda nito. Iba talaga ang kanyang mga ngiti. Mapapangiti ka habang pinagmamasdan ang kanyang larawan. “Agent Enriquez, ready ka na ba?” tanong sa akin ni Commander Ariola. “Yes, Sir!” sagot ko dito kasabay nang pagsaludo ko sa kanya. Inihatid na ako ng aking kasamahan sa safe house. Ngayon ay personal ko na makikita ang Sophie Paige. Ang controversial na product endorser. SOP na namin ang pag-re-report sa higher ups namin. Sa opisina muna ako tumuloy para mag-report. Pagkatapos namin mag-usap ng head dito ay sinamahan ako nito para puntahan ang pamilyang Paige. Unang sumalubong sa amin si Mr. Solomon Paige. Madalas ko na itong makita sa mga gatherings noon. KIlalang kilala ito sa business world. At tingin ko ay kilala niya din si Baron Enriquez, ang aking ama. Pero hindi ito ang panahon para ipakilala ko kung sino ako. Nandito ako para sa isang misyon at dapat ko lang na itago ang aking tunay na pagkatao. “Good morning, Mr. Paige! Ito po si Agent Enriquez, ang ma-a-assign para maging personal bodyguard ni Miss Sophie Paige.” Panimula ng OIC dito sa safe house. “Good morning, Sir!” bati ko kay Solomon Paige. Mukha naman siyang mabait tulad nang naririnig kong balita tungkol dito. “Morning!” sagot nito sa amin. “I’ll call my daughter Sophie.” Paalam nito sa amin. Pagbalik nito ay kasama n anito ang dalaga. Mas maganda nga ito sa personal. Ang ngipin nito na perfect at mapuputi. Kapag ngumiti at parang may mga star na kumikinang na nag-re-reflect sa kanyang mga mata. “Good morning Ma’am Paige!” bati ko dito. Umalis na ang OIC at naiwan ako dahil may tawag daw sa opisina. Na-introdiuce na naman niya ako kay Solomon Paige kaya nag-decide na siya na iwan ako. “Good morning! What’s your name?” mabining tanong nito sa akin. Mukha siyang mabait at inosente. “I’m Agent Enriquez, Ma’am!” pakilala ko sa kanya. “Nice meeting you, Agent Enriquez!” iniabot pa nito ang kanyang kamay. Nakakahiya naman kunin ang kamay nito pero nang tumingin ako kay Solomon Paige ay tumango ito. Kaya naman inabot ko ang kamay ng dalaga. Hindi ko alam pero para akong nakuryente, hindi ko lang mabawi ang aking kamay agad dahil baka magbigay ito ng ibang impresyon sa dalaga. Napakalambot ng kanyang kamay. Ang sarap hawakan. “Agent Enriquez, malinaw naman sa iyo ang magiging role mo sa aking anak?” tanong sa akin ni Solomon Paige. “Yes, Sir! Malinaw po.” Sagot ko sa ama ni Sophie. “Mamaya ay lalabas na kami rito sa safe house. Kasama ka na namin pag-uwi. Isa lang ang paki-usap ko, protektahan mo ang anak ko sa lahat ng oras.” Sambit pa nito. “Makaka-asa po kayo, Sir!” sagot ko pa sa kanya. Nag-paalam na ang mag-ama at tumalikod. Sumunod lang ako sa kanila. Dahil kanina pa nagsimula ang oras ko sa misyon na ito at kailangan kong sumunod kay Miss Sophie saan man siya pumunta. Nilingon pa ako nito na parang nagtatanong kung anong ginagawa ko sa kanyang likuran. Hindi naman ako kumibo. Hindi ko naman sinasadya na mapagmasdan ko ang kanyang likuran. Kulang na lang ay sumipol ako, mabuti naalala ko na isang marangal na agent pala ako. Ang katawan nito ay parang hindi sa bata. Masasabi na talagang dalagang dalaga na siya. “Ano ba ‘yan Blake, naimpluwensyahan ka na yata ng Mommy mo? Unang kita mo pa lang sa kanya kung anu-ano na ang naglalaro sa isipan mo!” hindi naman ako pwedeng makipag-usap kaya sarili ko na lang ang nag-uusap. Naka-upo ngayon ang dalaga at nagbabasa. Nakatayo lang ako malapit sa kanya. Tumayo siya at nagpunta ng kusina. Sumunod ako dito habang si Mr. Paige ay naiwan kung saan kami nagmula ni Ma’am Sophie. Iinom pala siya ng tubig. PInapanood ko ito habang nilalagok ang inumin. Para akong nauuhaw habang pinapanood siya. Bigla itong bumaling nang tingin sa akin kaya mabilis kong ipinaling sa iba ang aking paningin. Para akong pinag-pawisan. Napanood ko lang itong uminom. Mali itong nararamdaman ko dahil nasa isang trabaho ako, nasa isang misyon at ang babaeng tinititigan ko ay ang boss ko. “Kailangan mo ba talaga akong sundan kahit nandito tayo sa loob ng safe house?” tanong nito sa akin. “Yes, Ma’am! Kahit saan po kayo pumunta ay susunod po ako. Iyon po ang aking trabaho, ang manatili po sa tabi ninyo.’” Sagot ko sa kanya. Hindi naman pangit ang paraan nang pagtatanong niya. Naninigurado lang ito, sa palagay ko. "Okay! May tanong pala ako, paano kung gagamit ako ng bathroom? Kasama ka rin ba sa loob?" inisenteng tanong nito. "Syempre po hindi! Bawal po iyon." sagot ko sa kanya. "Sa labas lang po Ako ng bathroom maghihintay." sagot ko sa kanya. Tumango lang ito sa akin, sana ay pag-sang-ayon ang ibig sabihin ng tango niya. Sana malinaw sa kanya dahil kadalasan ay dito nagkakaron ng problema ang bantay at binabantayan. Sa nakikita ko ngayon sa kanya ay malinaw na nauunawaan niya. Lumabas na ito ng kusina at kasunod niya akong muli. Bumalik siya sa dati pinanggalingan niyang upuan. Ang problema ko ngayon ay ang aking alaga na nabuhay dahil lang sa nakita kong pag-inom niya ng tubig. Bakit naman kasi Blake pati pag-inom ay pinanood mo pa. Ayan tuloy galit ang iyong sandata, wala namang laban at ang dahilan niyan ay ang amo mo ngayon na inosente. Mabuti na lang at hindi masikip ang suot kong pants kaya hindi masyadong mahahalata ang asking sandata .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD