AKI's POV
Dumaan muna ako sa aking safe house. Nagpalit ako ng sasakyan. Uuwi muna ako sa mansion at magpapakita kanila Mommy. Namimiss na rin nila ako.
May dalawa akong kapatid at parehas ng may pamilya. Si Ate Bailey ang aming panganay. At si Bradley ang bunso. May mga pamangkin na rin ako. Kaya lagi akong kinukulit nila Mommy at Daddy kung kailan ako mag-aasawa. Sinabi ko na naman sa kanila na hindi pa ako ready. Gusto ko munang mag-focus sa aking propesyon.
Bukod sa pagiging agent at may mga Negosyo rin ako mula kay Daddy. Bumibisita ako sa opisina minsanan lang. Wala silang alam sa isang trabaho ko. Mas gusto ko ang pagiging special agent, challenging at tulad nang sinabi ko gusto kong maglingkod sa bayan. Isang privilege para sa akin ang pagsilbihan ang aking bayan. Naiintindihan ito ng parents ko at very supportive naman sila sa akin.
“Hi Mom! Where’s Dad?”
“Good to see you Blake! I miss you, son!” ani Mommy. Minsan lang akong umuwi kaya naman miss talaga ako ng Mommy ko at syempre miss ko rin siya at ang buong family ko. Para rin akong nag-aabroad sa tagal bago ako maka-uwi ng bahay.
Kasi mga special occasions like Christmas and New Year, madalas ay mag-isa lang ako at malayo sa pamilya ko. Gumagawa na lang ako ng paraan kahit man lang sa pamamagitan ng video call ay makita sila. Para kahit magkakalayo kami ay maramdaman ko ang pamilya ko.
“As usual, your Dad is in the library working on some documents.” Ani Mommy. Parang nagtatampo kay Daddy. Sobrang workaholic ni Daddy kaya naman ang dami niyang Negosyo at ang iba ay ibinigay na sa amin ng mga kapatid ko dahil hindi na niya maasikasong lahat.
“I’ll go upstairs and see Dad, Mom!” paalam ko kay Mommy at muli akong yumakap at humalik sa kanya. May time pa naman kami mamaya. Hanggang gabi naman ako dito sa mansion.
Pagkatapos kong puntahan si Daddy sa library ay tinungo ko naman ang aking kwarto. Namiss ko rin ang aking kama. Kaagad akong nahiga. Iniwan ko lang na bukas ang aking kwarto dahil mamaya ay papasok si Mommy para mag-interview. For sure tinawagan na rin niya ang mga kapatid ko para magsama sama kami rito sa bahay.
Ito ang nangyayari kapag umuuwi ako. Biglang nagkakaroon ng family gathering, ini-a-advance na ang mga special occasions.
My Mom is my bestfriend, Pero hindi niya kilala si Violeta. Alam niya na may tinutuluyan ako kapag wala akong misyon. Para rin naman sa kanila ang aking paglayo. Lahat alam niya except sa mga babaeng ikinakama ko. Kung wala ako sa military ay baka inisip na ni Mommy na bading ako dahil wala akong girlfriend na ipinapakilala sa kanila.
Nakapikit lang ang aking mga mata pero hindi ako dalawin ng antok. Narinig ko ang pagkatok ni Mommy.
“Are you asleep?” tanong pa nito pagpasok.
“No, I’m not. I knew you’d follow me, so I stayed awake.” Sagot ko dito at dumilat na ako.
“What’s your mission now?”
“To protect Sophie Paige!”
“Sophie Paige, the unica hija of Solomon Paige. The lady with the beautiful smile has been in the news since the other day due to a shooting incident at the mall.” Kwento ni Mommy. Kahit siya ay mukhang nabighani nang magandang ngiti ng dalaga.
“Siya nga po!” tipid kong sagot dito.
“Good, I’m so excited son!” Parang mag-eescort lang ako sa prom night sa nakikita kong kasiyahan sa mata ng aking Mommy. Dati kapag sinasabi ko kung ano ang misyon ko ay natatakot ito. Pero ngayon, ang weird dahil natutuwa siya.
Sana ay magkasundo kami ng dalaga. Dahil ang trabaho ko ay hindi lang basta bodyguard kundi personal bodyguard. Kahit saan ay kasunod ako nito. At kapag nasa public places ay hanggang CR ay kailangan ko munang i-check at hindi magpapasok hanggat nandoon siya. Minsan na akong naging personal bodyguard pero lalaki ang binantayan ko. Ngayon ay babae naman. Hindi na ako nagtanong sa higher up ko kung bakit ako pa? Sana lang ay mabait ang dalaga at hindi pasaway para hindi ako mahirapan sa pagprotekta sa kanya. Parang nahawa ako sa ka-exciteran ni Mommy. Gusto ko na rin makilala ang pamilya Paige.
Madami pa kaming pinag-usapan ni Mommy. Naputol lang kami dahil dumating na sila Bradley at Ate Bailey. Bumangon na ako at sabay kaming lumabas ng kwarto ni Mommy habang naka-akbay ako dito.
“Hey bro! We miss you!” bati sa akin ng mga kapatid ko at niyakap nila ako. Close kaming tatlo lalo na noong mga bata pa kami. “Kamusta ka na?” tanong pa sa akin ni Ate at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa at pina-ikot pa ako nito. Mas matindi pa ito kay Mommy kung magtanong. Sabagay siya naman din ang naging nanay nanayan namin ni Bradley sa tuwing wala ang parents namin.
“I’m okay, Ate,” sagot ko dito para mawala na ang pag-aalala niya sa akin.
“Excited na ako mga anak sa next mission ni Blake,” singit ni Mommy.
“Bakit naman po Mom?” nagtatakang tanong ni Ate.
“Baka mahanap na niya ang lovelife niya!” sagot naman ni Mommy na mas lalong nagpataas ng kilay ni Ate Bailey.
“Kasi si Sophie Paige ang babantayan ni Blake. Ngayon pa lang ay nakikinita ko na bagay silang dalawa.” Dugtong pa ni Mommy. Natatawa na lang ako sa mga reactions ng kanilang mga mukha. Hindi talaga pwedeng hindi mababanggit ang tungkol sa buhay pag-ibig ko.
“Mom, bata pa po si Sophie Paige. Ilang taon ang tanda ko sa kanya? Baka tito na ang itawag niya sa akin.” Singit ko sa kanila.
“Baby face ka anak, kaya bagay ka sa kanya. At ano naman kung may 11 years age gap kayo. Age doesn’t matter pagdating sa pag-ibig.” Wika pa ni Mommy.
“Kaya nauudlot ang lovelife ni Kuya Blake ay dahil pinapangunahan natin. Hayaan natin siya at baka sa isang Linggo ay kasama na niya dito si Sophie Paige.” Singit din ni Bradley. Akala ko kakampi ko na, iyon pala ay si Mommy din ang kinampihan sa huli.
“Akala ko pa naman ay kakampi kita? Hindi rin pala. Mas mabilis pa yung sinabi mo kaysa kay Mommy e.” baling ko kay Bradley.
Tawa nang tawa ito, pati na rin ang mga pamangkin ko na hindi alam ang pinag-uusapan namin ay mga nakitawa.
Masaya naming pinagsaluhan ang ipinahandang pagkain ni Mommy. May picture takings pa at may video para may souvenir daw.
Bago pa kami maghiwa-hiwalay ay may mga pinapasabi pang mensahe kay para kay Sophie. Parang close na sila kahit hindi pa namin nakikilala ang dalaga.