Anyone can cut the tension in the air with a knife. Ako at si Jazz ay magkatabing nakaupo sa settee. Walang kahit na sino sa amin ang nagsasalita. Hindi ko rin magawang lumingon sa mga magulang ko na ngayon ay nakaupo sa sofa at mabibigat ang tingin na binibigay sa amin.
Hindi ganito ang eksenang inimagine ko kung darating ang araw na ipapakilala ko din si Jazz sa pamilya ko. When Jazz told me that we'll meet the officer, I never thought or have any idea that the officer who called him was my father. Yes! Khian Jace Real in his authoritative aura ang siyang nadatnan namin dito sa Dreamer's Bean kasama lang naman ng nanay ko at ang dalawa ko pang kapatid na nasa office table ko dito sa private office room ng coffee shop.
Bakit pakiramdam ko may nagawa akong kasalanan kahit wala naman? As if naman maitatago ko sa kanila ang tungkol kay Jazz, lalong lalo na ang pagtira naming mag-ina sa kanya. Sa dami nag connection nilang pare-pareho hindi malabong mangyari ang malaman tungkol sa mga bagay bagay. Sadyang naisahan lang ako ng tadhana at nangyayari ang bagay na di ko inaasahan sa ganitong tagpo.
Huminga ako ng malalim at nag-angat ako ng tingin sa direksyon ng mga magulang ko. "Papa, Na-"
"I heard what happened to their place."
Hindi para sa akin ang tanong ng nanay ko kundi para kay Jazz. When he felt that question is directed to him, he met my mother's eyes before speaking. "I was the one who talked to the officers last night Dra."
"I also heard that you didn't allowed my daughter and my granddaughter to stay in their unit after the incident."
"Yes, Dra."
Bumuka ang bibig ko para magpaliwanag pero mabilis na nakapagsalita si Jazz. "What you heard was right. I didn't allowed them to spend the night in their unit because of what happpened. We were all aware that my daughter has an asthma, and staying there was not good for her. And also, we don't have yet the full details what exactly happened that cause the fire so it's safe to my family not to stay there."
Hindi na nagsalita pa ang nanay ko at sa halip ay nanatiling nakatingin siya kay Jazz na magalang na nagbaba ng tingin. I never seen him be this extra courteous. How he constantly addressed us infront of my family knowing that this is an unpexpected meeting to them.
I raised my eyebrow at him but he just gave me a warning look. Akala niya siguro ay sasawayin ko siya sa paraan kung paano niya kami angkinin ng anak ko. Ayaw ko lang naman kasing biglain sila lalo na't wala pang malinaw kung ano ang meron talaga sa amin ni Jazz.
"Alam namin ang buong nangyayari sa kanilang nag-ina sa mga nakalipas na buwan. Hindi lang sa paglabas-masok mo sa tinitirhan nila. Kasama doon ang paghatid-sundo mo sa kanila. Alam din namin ang pagpapakilala mo sa kanilang mag-ina sa mga magulang mo."
Unti-unting lumalaki ang mga mata ko kasabay ng pag-awang ng labi ko sa sinabi ng nanay ko.
"I didn't spill anything to them, lil sis."
Lahat kami ay napatingin kay Kuya Kenn na kumakamot pa sa ulo nito. May superhuman hearing ang kapatid ko na yan lalo na kung may kasalan siya kaya mabilis siyang matiklo. Nagkaroon na rin ata ng super human strength dahil sa kabila ng tensyon sa paligid ay nagawa niyang sumingit para idefend ang sarili niya na wala naman nagtuturo sa kanya na siya ang nagsumbong o may kasalanan.
My Nanay rolled her eyes on him. "Shut up. I never asked you to interfere to defend yourself." She turned to Jazz and continued. "Alam mo ba kung ano ang pinasok mo? May anak na ang anak ko at ikaw ay binata. Aware ka naman siguro sa bagay na 'yan."
Napasinghap ako dahil di ko expect ang tanong niya kay Jazz. Nahihiya akong tumingin kay Jazz pero nakita ko sa kanya na para bang wala lang sa kanya ang sinabi ni Nanay. All I saw was his readiness to fire back to may mother in a polite way.
Umangat ang isang kilay ni Nanay. "You didn't look surprised too. You remained calm."
"I'm very much aware Dra. And to be honest, I am even very much willing to father your granddaughter. With or without a kid, that doesn't make me love your daughter less."
"Until when? Are you sure to what you are saying?"
"Yes, Dra."
He didn't gave her an explanation. He just ended the question as if the answer is not something to be argued with. Sinandal ni Nanay ang siko niya sa sofa at matamaang tinignan si Jazz.
"Kiara's the most stubborn one among her three siblings-"
"Nay! Why me? It's Ate Kaitie."
She continued as if I didn't speak. "Mahirap mabali ang paninindigan at prinsipyo ng anak kong 'yan. Kung sinabi niyang puti, puti talaga, umiyak ka man ng dugo di magbabago na gawin niyang itim. Sa kanilang magkakapatid, nagbubukod tangi siya na may lakas ng loob na sawayin kami ng Papa niya. But not to the extent being a rebellious one."
Natigilan si Nanay at napatingin sa akin dahilan para mapabuntong-hininga ako. I looked at Jazz to meet his eyes. "Basta alam kong nasa tamang katwiran ako, ipaglalaban ko talaga. Mabali na ang lahat ng mabali 'wag lang akong naaargabyado." Bumaling ako sa Nanay ko. "Alam niya ang ugali kong 'yan."
Something crossed in her eyes that is close to understand. "Pag nagagalit 'yan 'wag mo na lang tangkain na sabayan. Ikaw ang mag-adjust hanggang sa kumalma siya kung ayaw mong matagpuan na lang ang sarili mong para kang hangin na lang sa paningin niya."
"Nay!," lukot na ang mukha na angal ko. "Bakit pakiramdam ko sinisiraan mo ako?"
"I'm just elaborating. Pinapaalam ko lang sa kanya kung anong pinapasok niya."
"Dra. excuse me for saying this but it's not needed." He was staring directly to my mother. "Alam na alam ko po ang ugali ni KC. I have no plans to make her change. I love her the way she is. I love all of her including her bad attitude."
Take that Nanay. Ikalma mo naman Jazz, masiyado mo na akong pinapakilig. Dati na nga akong hulog, mahuhulog pa ako lalo. But seriously, pakiramdam ko ay nalusaw ang buong pagkatao ko sa sinabi niya.
"Alam ko pong kabastusan ang naging desisyon namin para sa inyo. Our decision may have been disrespectful to you as parents but it was never my intention. I just wanted to both of them to be mine in any ways; in all cost."
"Alam ko." sabi ng nanay ko. "Ang sabi ni Kenn palagi mo daw sinasabi sa kanya ang mga gusto mo para sa anak at apo ko. Hinihingian mo daw siya ng mga opinyon niya sa mga desisyon na gagawin mo para sa mag-ina. Tinanong mo rin siya kung hindi kami busy para maka-usap mo kami ng personal."
Gulat na napatingin ako kay Jazz. Hindi ko alam ang mga bagay na iyon.
"Kaya bakit? Gusto mo bang humingi ng permiso for you three to live together as a family in one roof? I think you already came up with a decision, didn't you?"
"I want to keep them both. I want to keep your daughter, as well as your granddaughter."
My mother was stunned while my father pouted fully his lips. Nawala ang angas ng pagka-Chief niya.
"Alam kong di magiging madali ang gusto ko po na mangyari dahil guro siya. Maraming masasabi na di maganda ang mga tao sa paligid. But I don't want to waste anymore second without her. Away from her."
This time my father was the one who speak. "So you're not asking our permission?"
"I want to give you my promise that there's no way that I let go of her. I want to give you my promise that I will take care of her, including your granddaughter every moment of thier life. Gusto ko pong ibigay sa inyo ang mga pangakong sinabi ko pero hindi ko po hihingiin ang permiso niyo."
"Ano?" di pamakapaniwalang tanong ni Papa. "At paano kung di kami papayag sa gusto mo para sa anak ko?"
"Kung ayaw niyo naman po, Chief, gagawin ko po ang lahat hanggang sa pumayag kayo. At kung ayaw niyo po ako para sa anak at apo niyo papatunayan ko po sa inyo na deserving po ako para sa kanila. Pero hindi ko po hahayaan na mawalay na naman siya sa akin. Hindi ko po mapapayagan na mangyari ulit iyon. Makasarili man ako sa paningin niyo sa gagawing kong 'yon pero di rin po ako titigil na patunayan ko sa inyo para makita niyo po na kaya ko po silang pasayahin. Ipapanalo ko po silang dalawa kahit iyon na ang pinakahuling laban ko sa mundong 'to. Gagawin ko po 'yon para sa kanilang dalawa."
Pakiramdam ko kahit ang t***k ng puso ko ng mga pamilya ko sa loob ng private room ay tumigil dahil sa biglang pagbalot ng katahimikan sa paligid.
"He cameback prepared." Napatingin ako kay Papa na siyang nagsalita. "Pero inuwi mo pa rin ang anak ko sa pamamahay niyo. Kung di ko pa nabasa ang police report ng naghandle sa nangyaring insidente 'di pa namin malalaman."
"KJ" my Nanay said with a warning in her tone.
"Ang unfair. Tayo nga noon kailangan ko pang dumaan sa butas ng karayom para payagan kang mag-overnight kasama ko. Engage na nga tayo di pa tayo hinayaan na tumira na magkasama sa iisang bubong."
"So ayaw mo sa desisyon nila?" tanong ni Nanay.
"Hindi naman sa gano'n. But you see, boss, our Kiara is my baby daughter. Bilang isang ama ang hirap. It's not that easy to let go of her. Pero matanda na siya, may sarili na siyang desisyon sa buhay na gusto niya para sa sarili niya. Matigas ang ulo niya pero iyon ay dahil alam niya ang gusto niya. Paninindigan niya lahat ang desisyon niya." kumurba ang ngiti sa labi niya na alam kong bihirang tao lang ang nakakakita.
My heart warmed at that. Growing up never I remember a time that he scolded us. I don't think there's ever a time that he raised his voice on us. He has always his own way to say something but in a nice way; in a calm tone. Chief Khian Jace Real may be a tough director general but he was softy to us, especially to my mother. He's a father who could give us the world if he can. He's a man that could probably neutrilize men coming to attack him in his choosen battlefiled but to me he's just my papa.
"I'm not against with their decision, boss. We both know that our Kiara is your replica; attitudes and principles." lumabot ang eskpresyon ni Papa na nakatitig kay Nanay. There's love in his eyes na lagi kong nakikita sa kanya kapag nakatingin siya sa aking ina.
"Sana all approved di ba?" Singit bigla ni Kuya na tumayo sa kinauupuan niya at tumabi sa akin.
"Envy brother envy it's free." Pang-aasar naman ng kakambal ko na humatak ng isang silya at umupo sa tabi ni Papa. Napapagitnaan si Nanay ng isang Chief at isang lady officer.
Bago pa humantong sa mahabang asaran ang dalawa nagsalita ulit si Papa. "Regarding about the case, I will let your Ate handled that. I told her to investigate more further, because what happened is not accidentaly. They did it purposedly. When I personally checked your unit a saw small shift of path away from the organized whole and I found something. We'll use that as an evidence to study, for us to use it to trace where it came from."
Nanigas ako sa kinauupuan ko. Para saan naman ang sadya nila? Nang maramdam ako ni Jazz agad niyang kinuha ang kamay ko saka niya pinagsiklop ang kamay naming dalawa.
"Wag mong masyadong isipin 'yon. Ako na ang bahalang umalam nang lahat para malaman ko ang pinanggalingan niyon." si Ate Kaitie ang nagsalita para bigyan niya ako ng kasiguraduhan na wala akong dapat ipangamba.
"Please let us know whatever you might find out, Ma'am, and if we need to do anything so we could help for the faster investigation." Jazz said in my behalf.
"Don't worry. We will take care of everything Mr. Balbastre, just take care my daughter and my grand daughter and we'll be good." Si Papa na di maalis ang tingin kay Jazz. Nakita ko naman kung paano pinalo ni Nanay ang braso nito.
"Are you really sure living with him Kiara?" My mother asked.
Kahit may pag-alinlangan pa sa utak ko ay natagpuan ko na lang din ang sarili kong tumatango sa kanya.
"Parang di ka naman sigurado. You know you can always go back home to our house, anak. Don't force yourself into something that you're not comfortable with it. Hesitations will not give you peace, too." Tila nabasa niya ang nasa utak ko. Of course she can, she's my mother afterall. Pinakamabait at pinakamaunawain sa lahat ng bagay pero kaya din niyang magalit nang todo kung magawan mo siya ng nga bagay na ayaw niya. Home! Our house is still my home, wherever I go I will always have a home because I know that I will always have my family. A house is just a place but a home will always be the people that will have your back no mattet what.
"Lil sis, you're not a kid anymore. You have your own money, you can buy your own house too if you want, you haave work and a permanent job. Walang maisusumbat sa'yo kung gagawin mo kung ano ang gusto mo. But if you're a teenager taken by hormones, as a big brother, I would tell you to go to your room, study, and get a life. But you're not. Kung ano man ang gawin mo sa buhay mo hindi no'n mababago kung ano ka bilang tao. So what if you're a teacher? Teacher or not, either way that's not the basis if you're a good person or not, a role model or not. The problem with the world is that it's easy for people to judge. In general. Kahit sarili hindi pinapaligtas sa panghuhusga. The safe keeping of the planet does not depend if you're educated or not, professional or not, if you have different opinions than the norm; it's all about handling consequences of your actions without compromising other people. If you're not hurting anyone, anong pakiaalam nila sa gusto mong gawin sa buhay mo?" He seriously said. He's so much like my mother in giving words of wisdom and advice.
I looked away from him only to see that Jazz's eyes are on me. I know he's thinking the same thing. Because we're two people that already given up the hope for something constant because we already embraced what we can only have. No one can ever ruin what we have.
"I'm staying with him."
Sa mga oras na ito, alam ko sa sarili ko kung ano ang talagang totoong gusto ko. Is that to learn to live by nowadays. Hindi mo alam kung hanggang kailan nasa paligid mo ang mga taong gusto mong makita at makasama. So live your life and be with the people you love as if it's your last so you won't regret anything.