"Magandang umaga po, Ma'am, Sir." Magalang na pagbati ng isang katulong sa pamilya Crisostomo.
"Magandang umaga rin sa iyo, Merced. Si Teresita dumating na ba?"
"Wala pa po, Ma'am. Gusto n'yo po ba ng almusal o kape?"
"Sige ipaghanda mo kami ng Sir mo at makapag-almusal na rin kami. With coffee ha."
"Sige po, Ma'am," tugon ng kasambahay at lumakad na upang ipaghanda ng almusal ang mga amo.
Pero hindi pa ito nakalayo sa sala kung saan nakaupo ang mag-asawa ay muling nagsalita ang ginang.
"Merced, siya nga pala sa garden mo dalhin ang almusal namin ha. Para makalanghap naman kami ng preskong hangin habang kumakain," anito.
"Masusunod po, Ma'am. Maiwan ko na po kayo rito Ma'am para maihanda ko ang almusal ninyo ni Sir," tugon ng kasambahay.
Hindi na sumagot ang Ginang bagkos ay hinarap ang asawa.
"Randy si Jay nakita mo ba?"
"Asawa ko naman, sabay tayong pumanaog ah tapos sa akin mo hinahanap ang anak natin?"
"Huuh! Kumbaga ba kung nakausap mo na siya. Alam mo namang laging inuumaga ang taong iyon sa pasugalan ah. Siya nga pala, Randy, kumusta ang pasugalan natin? Kumusta ang kita roon?"
"So far okay naman. Pero ang anak din natin ang isa sa mga nakababad doon."
"Iyan na nga ang problema natin eh. Muntik na ngang ma-raid ng mga pulis eh."
"Ano'ng sinabi mo? Muntik ma-raid? Aba'h naman kompleto naman ang lagay natin sa kanila ah."
"Hindi ko alam, Randy. Ayon sa mga manlalaro hindi nila napaghandaan ang pagdaan doon ng isang pulis kaya't hindi nila nagawang ipalinis ang lugar. Ang maganda roon napadaan lang doon ang pulis pero agad din naman daw umalis siguro nag-meryenda lang."
"Humanda kung sino man ang may kagagawan sa bagay na iyan dahil hindi ko sila patatawarin!" Ngitngit ng Ginoo kasabay nang paglakad.
Palabas na sila papuntang garden kung saan sila mag-aalmusal nang dumating ang kanilang taga-linis at taga-laba na si Aling Teresita.
"Morning, Ma'am, Sir." Pagbibigay-galang nito.
Tumango ang mag-asawa bilang sagot kaya't dumiretso na si Aling Teresita sa kanilang laundry area para maibabad ang mga labahin. Kaso nakailang hakbang pa lamang siya ay napatigil siya dahil nagsalita ang among babae, si Mrs Crisosstomo.
"Teresita, linisin mo ang kuwarto naming mag-asawa ha. Ilang---"
"Bilinan n'yo, Mama, na huwag galawin ang kayamanan ko roon. Alam n'yo na ang mga dukhang tulad nila ay mga mapagsamantala," sabad ng bagong dating at halatang walang tulog.
"Allan!"
"Sir."
Sabay na sambit ng Ginang at si Aling Teresita.
"Kailangan pa bang sabay? Totoo naman ah ang mga dukhang tulad nila eh sila ang mapagsamantala," muli ay wika ng binata.
"Diyan ka nagkakamali, senyorito. Dahil hindi lahat ng tao lalo na ang mga dukhang tulad ko ay hindi ko gawain ang magsamantala kahit sino man sa kapwa ko. Kung gawain ko iyon disin sana'y mayaman na kami dahil kung gawain ko iyon matagal na akong nagsamantala rito sa inyo lalo at kung saan-saan n'yo lang inilalagay ang mga pera n'yo. Pero hindi, dahil kahit katulong n'yo ako ay marangal akong tao. Mas nanaisin ko pang magdildil ng asin kaysa mag-ulam ng masarap pero galing naman sa paghihirap ng iba. Pasensiya na po kayo kung sumagot ako. Sige po maglilinis na po ako," masama ang loob na saad ni Aling Teresita.
Alam niyang masama ang ugali nito pero hindi niya akalaing ganoong kalala, pinaparatangan siya na magnanakaw. Kaya't hindi na rin niya naitago ang panibugho.
"Allan! Mag-sorry ka kay Teresita!" mariing wik ng Ginoo.
"No way, Papa! Bagay lang iyon sa kanya. Totoo namang dukha siya. Bakit kailangan ko pa ang humingi ng paumanhin." Kibit-balikat ng binata saka humakbang papasok sa kabahayan.
"Huwag mo akong galitin, Allan Jay! Mag-sorry ka sa kanya!" sigaw ni Mr Crisostomo.
"No way, Papa! Diyan na kayo at inaantok na ako," maangas nitong sagot at iniwan ang mga magulang na nagpupuyos.
Nang nawala na ito sa kanilang paningin ay muling nagsalita ang Ginoo.
"Palala nang palala ang anak natin, Nena. Ano nga ba ang dapat gawin sa kanya." Nakatanaw man ito sa daang tinahak ng anak ngunit nagawang ipinahayag ang saloobin sa asawa.
"Iyon na nga, Randy. Ano kaya ang maganda nating gawin? Nag-iisa na nga lang siya ay nagiging palalo na yata siya."
"Kapag ako ang mapuno sa kanya ay ipaparehab ko na talaga ang taong iyan."
"Pati ba naman ikaw, Randy? Naniniwala ka rin bang adik ang anak natin? Alam ko naman na sugarol siya oo pero hindi ko pa naman nakita na gumamit ng ipinagbabawal na gamot ah."
"Hihintayin mo pa bang malaman ng iba na adik ang anak mo bago ka maniwala? Oo, marami ng nakakahalata sa ugali mayroon siya kaya't habang iyon pa ang alam nila ay kailangan na natin siyang maiparehab albaka sakaling magtanda na sa ugali niya." Nawalan na siya nang ganang kakain kaya't tumayo na siya.
"Where are you going, asawa ko? Hindi mo pa nagalaw ang almusal mo ah." Napatayo na rin ang Ginang.
"Nawalan na ako ng ganang kakain, Nena. Kausapin mo ang anak mo kung ayaw mong ipaparehab ko siya!" pasigaw nitong tugon.
Hindi na sumagot ang Ginang dahil maski siya ay sumusuko na sa ugali ng anak. Kaya't muli niyang tinawag ang taga-luto.
"Merced, pakiligpit na lang ang mga iyan. Kainin n'yo na lang malinis naman hindi namin ginalaw. Nasa inyo na kung itatapon n'yo or kainin ninyo," aniya sa katulong na tinawag.
"Sige po, Ma'am," tugon nito at nagsimula nang magligpit.
Samantala, pagkatapos naligo ng binatang si Allan Jay ay tanging boxer short na lamang ang isinuot. Pabagsak siyang nahiga sa kanyang higaan. Sa paghiga niya ay biglang lumitaw sa kanyang imahinasyon ang dalagang si Clarissa.
"Sh!t! Dapat pala kaibiganin ko ang matandang iyon. Para may dahilan akong lalapit kay Clarissa," bulong niya saka naupo.
"Ang mukha niyang bilugan, ang mapupulang labi niya na kaysarap hagkan, ang pilik-mata niyang animo'y laging nakaluhod. Sh!t! I need to do something para mapasaakin siya," bulong niyang muli sa kawalan at bago pa niya napigilan ang sarili muli ay siyang bumangon. Kumuha siya ng damit pang-itaas at mabilisang pumanaog para makipagkaibigan kuno sa ina ng mahal niyang si Clarissa.
Sa kabilang banda, tuwang-tuwa ang dalagang si Issa dahil sa wakas ay may trabaho na siya.
"You should be aware, Miss Pascual, that the orphanage belongs to the family who founded and the salary of each labourer here depends on them. Yes, you can tell me or the other sisters but we can't give you right away because we need their approval. Any questions, Miss Pascual?" patanong na pahayag ng superior sa orphanage.
"Wala naman pong problema, mother. May batayan naman po ang bawat kumpanya or establishment para po sa sahuran and besides it's still early to think about the salary. Magsisimula pa lang po ako at isa okay naman po ang sahod according to the paper," magalang na tugon ng dalaga.
"Maigi na ang may paliwanag, Miss Pascual. Pero salamat at nauunawaan mo ang paliwanag ko. You may go to miss Perez and she will teach you as well as she will train you regarding on your work," tugon ng madre.
"Okay po, mother at salamat po ulit sa pagtanggap sa akin bilang kasama n'yo rito sa ampunan. Mauna na po kami, mother," ani Clarissa saka sumama sa dati ng tauhan doon.
"Your welcome, iha. Good luck to your job," tugon ng madre.
MAGHAPON silang naging abala ni Miss Perez . Dahil baguhan lamang siya at kailangan niyang sumailalim sa training.
"I'm sure matutuwa ang may-ari ng orphanage kapag malaman niyang madali kang natuto, Miss Pascual."
"Si Ate naman ang may-ari agad ng orphanage ang matutuwa puwede bang kayo muna rito sa orphanage ang matutuwa?"
"Iyan ang gusto nila rito, Clarissa, ang taong mapagpakumbaba. Of course matutuwa ang buong staff dito dahil sa maghapon ay alam mo na ang dapat mong gawin. Good luck and welcome dito sa THE SURVIVORS ORPHANAGE."
"Thank you ulit, Ate. Mauna na po ako lalong-lalo at sa San Vicente pa po ako. Siya nga po pala, Ate, ano'ng oras ang pasok ko bukas? Di po ba may miss pa bukas?"
"Dapat bago six am nandito ka na kung ang misa ang habol mo pero about your work, it's normal that you can come daily before seven thirty."
"Sige po, Ate. Six na lang po ako papasok para dito na rin po ako magsimba," tugon ng dalaga at eksakto namang pagdaan ng isang tricycle. Kaya't pinara na niya ito at nagpahatid sa kanilang tahanan.
SAMANTALA abala si Adrian Joseph sa paghahanda niya sa mga pinamili nila para sa mga batang nasa ampunan nang tumunog ang kanyang tawagan.
"Insan, nasaan ka na? Aba'h paghihintayin mo pa yata ako ng matagal ah." salubong sa kanya on the telephone ni Shainar Joy.
"Joy naman, puwede bang batiin mo muna ako bago ka magtalak diyan?" Pagbiro ng binata sa pinsan.
"Huwag na insan. Saka na lang kita babatiin kapag ikakasal ka na o 'di kaya ay sa kaarawan mo," anito sa kabilang linya.
Kaya naman!
"Alam kong nandiyan ka sa labas kaya't pumasok ka na lang kaysa pinagluluko mo na naman ako," nakailing niyang turan dahil alam niya ang kalokohan ng pinsan.
"Napaka-ungentleman mo naman, Adrian Joseph. Aba'h naman, salubungin mo ako at kunin mo mga dala-dala ko," sagot ng dalaga na.
Kahit hindi ito nakikita ng binata ay alam niyang humahaba na naman ang nguso nito.
"Oo na, insan. Hindi ka na naman mabiro eh." Pinatay ang cellphone bago lumabas saka nagtungo sa gate nila at doon nadatnan itong kausap ang guard nila.
Pero bago pa naman makapasok ang magpinsan ay eksakto namang pagdating ni BC na lukot ang mukha dahil sa wrong timing daw.
"Hi, Bryan Christoph, how are you?" tanong agad ni Shainar.
"Kanina okay lang pero dahil nakita na naman kitang maingay ka hindi na," masungit nitong tugon.
Kaya naman!
"Alam ko na ang tuloy niyan, Bryan Christoph. Pero kagaya nang sabi ko sa iyo ako ang pinakamagandang palaka rito sa mundong ibabaw. Pakitulungan si Kuya Teban at insan AJ sa mga dala ko. Salamat." Pilyang iniabot ni Shainar Joy sa pinsang si Adrian Joseph an susi ng sasakyan at nauna nang pumasok sa loob.
Saka lang naman pinakawalan ni Adrian Joseph ang kanina pa niya pinipigilan dahil sa hitsura ng isa pa niyang pinsan.
"Paano iyan, insan? Baka tuluyan ka nang matuyuan ng dugo riyan. Suyuin mo na lang para matigil ang bangayan ninyong dalawa. Para kayong mga aso't pusa eh." Pangangantiyaw niya kay BC.
"No way! No way! Iyan ang tandaan mo, insan! No way!" Ngitngit ng binatang si BC.
"Ikaw din insan baka bukas makalawa ay kakainin mo na ang binitawan mong salita. Siya pagtulungan na lang natin itong dala-dala ni Joy ng matapos na ang pag-iimpaki." Nakatawa niya itong tinapik-tapik sa balikat
"Bilisan mo diyan huwag ang magdaldal ang inaatupag mo. Huwag na nating ibaba ang nasa sasakyan ko sa akin na lang kaysa naman idagdag pa sa dala ng palakang iyan!" labas sa ilong na wika ni BC sa pinsan kasama si Mang Teban.
Hindi na sumagot si Adrian sa pinsan dahil alam niyang kahit ano'ng sabihin niya rito kapag naiinis ay hindi siya papakinggan. Mabait naman ito. Iyon nga lang ay tahimik. At iyon ang dahilan na mas inaasar ng pinsan niyang si Shainar Joy. Ang bunsong anak ng Papa Shane nila at si BC na panganay ng Mama sss nila.
Nagpatuloy silang lahat sa pag aayos ng mga kakailanganin nila sa kanilang pagpunta sa annual gathering sa THE SURVIVORS ORPHANAGE.
Sa kabilang banda, lumapag sa Ninoy International Airport ang sinakyan ng dalagang si Jasmine Howard.
"I'll make sure this time na magkikita na tayo. Hindi panghabang-buhay na mapagtataguan mo ako. Walang ibang magmamay-ari sa iyo kundi ako lamang. Akin at akin ka lang," bulong niya sa kawalan.
"Thank you, Ma'am. I hope you enjoy your journey with our airlines. Come back again, Ma'am," wika ng isang stewardess kay Jasmine.
"Walang anuman, Miss," tipid niyang sagot na labis nitong ikinagulat. Dahil sa buong pag-aakala nito ay isang americana ang kausap.