IKALABING-ANIM NA KABANATA " Makinig ka Clarissa buntis ako at si Allan Jay ang ama nito. Hindi ka naman siguro tanga para hindi malaman ang ibig kung sabihin. Layuan mo siya dahil kami nag dapat magpakasal hindi ang isang tulad mo! Hindi kayo bagay nauunawaan mo ba?" mariing aniya ng di niya kilalang babae na bigla na lamang humablot sa kanya bago siya tuluyang makapasok sa loob ng simbahan pero dinala siya sa may 'di kalayuan at pumasok sila sa isang kainan na pumuwesto a sa gilid kung saan hindi masyadong matao. " Kung gano'n sana kadali ang ninanais mo miss ginawa ko na. Saka kapag buntis ka bakit hindi mo sabihin sa kanya para mapanagutan ka niya?" hindi mapigilang ismid ng dalaga dahil sa inis. Magdadasal na nga lang siya to ask Him for His guidance