IKA-PITONG KABANATA " Dahan-dahan lang Lito. Huwag kang masyadong magalaw baka bumuka ang sugat mo." may pag aalalang saway ni Issa sa kapatid ng tangkain nitong bumangon. " Ate anong ginagawa mo dito 'di ba may pasok ka pa?" balik tanong ng binatilyo. " Walang problema Lito magpapaliwanag na lang ako kay mother saka may dahilan kung bakit hindi ako nakapasok ngayon at ngayon lang naman ako lumiban simula noong nagtrabaho ako doon." tugon ng dalaga. " Ano ba kasi ang nangyari anak? Mabuti na lang at hindi ka napuruhan ah. Sa susunod huwag ka ng lumabas na mag isa. Pag uwi ng mga kaibigan mo uwi ka na rin kaysa naman ganito na malalaman na lang namin na nandito ka na sa hospital." aniya ni mang Poldo. " Wala namang problema anak dahil buhay binatilyo iyan. Ang sa amin lang mag ingat k