Chapter 9

1975 Words
'OPERATION RED UNDIES OR BRIEF SHOWING.’ Ngayon na magsisimula ang kanyang misyon. Ang hanapin kung may fetish ba ng red undies or red brief ang bakla. Kapag napatunayan niyang mayroon nga, saka na siguro niya ihihinto ang kahibangan sa bading. Hindi talaga siya lubusang nakatulog kagabi dahil sa nangyari. Para pa nga iyong nagre-replay ngayon sa utak niya. Iyong oras na pinakiramdaman ni Race sa loob ng nakatalukbong ng kumot si Marvi. Akala niya ay kukulitin pa siya nito ngunot narinig na lang niya ang lagaslas ng tubig sa banyo ng kwarto. Hinayang na hinayang tuloy siya, akala pa naman niya matitikman na niya ang mga pandesal nito. Nasa banyo pa rin ito nang sumigaw siya. “Bakla, nalunod ka na ba? Gusto mo ba ng resuscitation? O baka naman, na-flushed ka na?” Napasinghap siya nang lumabas ito ng Banyo, naka-roba na ito at nakapajama pa, ang sensitive ng bakla. “G-galit ka ba sa ‘kin?” Iniisip niya talagang nagsususuka na ito sa loob ng banyo pero mukhang okay naman ito. “Sorry na bakla, pero natukso lang naman talaga ako kasi nga you had that perfect sculptured Greek God body. Paano mo na-achieve iyon, bakla?” Nag-init na naman ang pakiramdam niya lalo na nang lumuwang ang bukas ng roba nito at masilip ang ma-muscle nitong dibdib. Makailang beses siyang napalunok bago nakapagsalita. “T-totoo kayang masarap hawakan iyang abs mo?” nakapako ang tingin sa abs ng bakla na sabi niya. Pakiramdam niya matutumba siya lalo na nang lumapit ito papalapit sa kanya. “After you molesting my body, you still have a second thought? What if I tell you that your front was fake?” Umayos siya ng tayo at pinanlakihan ito ng mata. “W-what did you say? Anong fake? Tunay ang boobs ko noh. Para fair, you can touch it and confirm by yourself.” Saka malokong nginisihan ito. Patay sa kanya ang bakla, sigurado siyang bibigay din ito. Virgin pa kaya ang bading? Ngunit tila nanigas lang ang bakla na nakaharap sa kanya at hindi gumagalaw kaya siya na ang lumapit at hinila ang kamay nito saka itinapat sa dibdib niya. Napalunok ito at tila nais bawiin nito ang kamay. Lalo niyang idiniin ang dibdib sa kamay nito at hinigpitan ang hawak sa bading. Ginawa niya ang ginawa nito kanina. “Lahi namin ang malaki ang hinaharap. Si Nanay, malaki ang dibdib. Si tatay naman, malaki ang pwet. Kaya ‘yan namana ko lahat. Mukha tuloy akong bibe.” “Y-You’re sexy,” biglang nautal na sabi nito na nakatingin lang diretso sa mga mata niya. “Pero bakit parang hindi ka naman naniniwala sa dalawang pakwan na ‘to?” Kinuha niya pa ang isang kamay ng bakla at dinala naman sa kabilang dibdib niya. “At ikaw pa lang ang nakakahawak nito.” Napapasong binawi ni Marvin ang kamay ngunit hindi niya iyon pinigilan. Biglang may kuryente siyang naramdaman mula sa init ng palad nito. Idiniin pa niya iyon lalo. “A-anong ginagawa mo?” Lalo yatang uminit ang atmosphere kahit bukas naman ang Aircon sa kwarto. She suddenly cut the distance between them. Agad niyang sinunggaban ng halik ang labi ni Marvin. Dahan-dahan pa nga niyang kinalas ang suot niyang roba. May kailangan siyang patunayan.At gusto niyang siya mismo—ang katawan niya mismo ang makadiskobre niyon. Naramdaman niya ang init mula rito. Ang nakakapasong kamay nito maging ang halik nito. Napasinghap siya sa sarap, pakiramdam niya malapit na niyang maabot ang langit. How could a gay became this a good Kisser? She never kissed like this before. And when she felt the intensity, her body acknowledges it. Lumadlad ang matatayog niyang dibdib sa harapan nito na ngayon ay nawalan na ng anumang nakatapis. Ngayon ay wala ng tigil ito sa pagdama ng dalawang pakwan sa harap nito. She pulled herself closer to him, enough that there is no proximity between them. Umabante siya ng lakad na tinutumbok ang kama nito habang hindi naghihiwalay ang mga labi nila. Parehong naghahabol at nangangailangan. Kung kanina ay siya lang ang humahalik ngayon ay ito na ang tuluyang nagdadala sa kanila. Nang maramdaman niya ang gilid ng kama sa binti, hinila niya ito kaya sabay silang lumagapak sa malambot nitong kama. Nakapaimbabaw ito sa kanya, nakakuha siya ng pagkakataong makahinga. Bumaba ang halik nito sa leeg niya gumagapang patungo sa kanyang dibdib. Hanggang bumaba sa impis niyang tiyan pababa pa sa puson. Siya na sana ang magbaba ng kapirasong telang nakatakip sa kanya, nang pigilan nito ang kamay niya. Napapaungol na nga siya sa ginagawa nito nang bigla itong tumigil. “This is wrong. I’m gay.” “No. No, please let me, just this time.” Hindi niya alam kung anong masamang espirito ang sumapi sa kanya at parang lantaran at liberated na siya ngayon. Isa lang ang naiisip niya, gusto niyang ipangalandakang lalaki ito at kaya nitong makipagniig sa babae. Nakaramdam siya ng tuwa nang ibaba nito ang halik sa leeg niya at pinagpalang halikan ang dalawang pakwang kanina pa nais magpakain. Bumaba ang halik nito sa impis niyang tiyan at bumalik sa dalawa niyang dibdib at tila nagsawa roon. Muling binalikan ang labi niya at napaangat siya sa pagkakahiga nang may ginawa ito sa leeg niya. Kinagat siya nito, naramdaman niyang may parang sinipsip ito, lalo iyong nakapagpataas ng kanyang libido. Ngunit nang huminto ito at sabihing itutuloy na lang nila sa ibang araw ang foreplay dahil inaantok na ito. Inayos pa nito ang roba niya na parang ingat na ingat na hindi na siya muling mahawakan dahil tila may magsisiklab at aapoy na naman. Napapahiyang tumayo siya sa kama at lumabas ng kwarto saka dumiretso sa terrace upang magpahangin at magpalamig dahil sa naudlot na ligaya. “Damn! May araw ka rin sa ‘kin! How can you reject this kind of body? I can’t believe you, bakla.” Nang pumasok siya sa kwarto, tulog na tulog na ito, napipilitang nahiga na lamang siya sa kama. Napabangon siya dahil sa isang panaginip. Hanggang sa panaginip ay sinusundan siya at inaasar dahil sa pambibitin nito sa kanya kagabi. Kung pumayag lang sana ito eh ‘di maganda sana ang tulog nila. Pawisan pa nga ang buo niyang mukha habang nanlalamig ang mga kamay niya. Nang tumingin siya sa wall clock. Pasado alastres pa lang ng madaling araw. “Uminom ka ng tubig.” Napalingon siya sa nagsalita. Bakit hindi niya namalayang lumabas na pala ito at kumuha ng tubig? O kanina pa ito lumabas bago pa man siya magising? Kinuha niya ang basong inabot nito.“Nagising ba kita?” “Medyo, umuungol ka kasi. Masama ba ang panaginip mo?” Biglang nag-init ang mukha niya at namula sa pagkakatanong nito. Dahil hindi iyon simpleng ungol—ungol ng nasasarapan. “Pwede bang lakasan natin ang Aircon?” Kinuha nito ang remote at nilakasan iyon. Ilang minuto ay napalitan na ng lamig ang nararamdaman niya. “Oo bakla masamang panaginip. Pwede bang tabihan mo ako?” Hindi ito sumagot. Binigyan niya ito ng espasyo at humiga sa tabi niya. “Promise, hindi na kita hahalayin. Please..” she pleaded. “Pwede bang isipin kong ikaw si Ivan?” Bahagyang tango lang ang ginawa nito. Tumabi na rin ito sa kanya. Agad siyang nagsumiksik hanggang sa kusang humigpit ang yakap ng bading sa kanya. Dahil sa init na nagmumula rito na dinaig pa nito ang comforter, bahagya siyang kumalma at nawala sa isipan niya ang mga bagay na naglalaro sa utak niya—isang kahalayan. “Salamat, bakla.” Nakatulog rin siya na ganoon ang ayos nila. NANGANGALUMATANG nagising na lang siya sa mabangong aroma ng pagkain na mukhang niluto nito. “Gising ka na. Let’s eat.” Masarap at magaling itong magluto, maayos at malinis sa bahay. Those are good traits that she never noticed before, only just now. Wala yata siyang mapansin na kapintasan nito bukod sa pagiging bading. Bigla tuloy siyang na-curious dahil sa wet dreams niya kagabi. Umupo na siya sa tapat nito. Sinandukan pa siya nito saka nilagyan ng ulam ang plato niya. Sumubo na siya saka nagsalita. “Bakla, wala ka ba talagang kapintasan?” Napatingin siya rito nang humalakhak ito. “Bakit kasi ang gwapo n'yong mga bading?” nagkakamot sa ulong turan niya. Pati pagtawa nito, shet! Makalaglag pant*. “Bakla, tinatayuan din ba kayong mga bakla?” Bigla itong umubo at pumasok yata ang kinakain nito sa ilong. Agad niya itong inabutan ng tubig saka nilapitan at hinagod ang likuran nito. “Sorry, nabigla ba kita sa tanong ko? Curious lang kasi ako." Instead of hearing his answer, Marvin stood up and rushing going to the bathroom. “Anong problema ‘non? May mali ba akong nasabi?” Nang makabalik ito ay nagpaalam na itong aalis at papasok sa trabaho. Sabado naman ngayon at siya naman ang walang pasok. Nang silipin niya mula sa malaking glass window na nakaalis na ang sasakyan nito, mabilis siyang pumasok sa kwarto at tinungo ang kabinet ni Marvi para halughugin kung may makikita siyang pulang underwear. Baliktad doon, baliktad dito. Halungkat doon, halungkat dito. Ngunit nabigo siya, wala siyang natagpuan kahit brief man lang nito. Pero kung hindi bakla si Marvi dapat ay natukso na ito sa kanya. Ngunit bakit tinanggihan lang ng manok ang palay? Gusto ba nito, sasaingin muna? Muli niyang ibinalik sa dating pwesto ang lahat, inayos niya para hindi nito mahalata na ni-ransack na niya ang mga gamit ng bading. Nag-ayos na rin siya at naligo. Balak niya sanang maglinis nang mag-ring ang phone niya. Isang unregistered number ang nasa linya. Bigla siyang nagsisi kung bakit sinagot pa niya nang makilala niya ang boses nito. No other than, Ivan the great, the great cheater. Napipilitang pumayag si Race sa alok ni Ivan na mag-shot sila kasama ang kanyang boyfriend. It felt awkward when she sees her again—her ex-bestfriend, the snake sucker, that now is her mortal enemy. Kung alam lang niya na ganito ang kahihinatnan, tumanggi na lang sana siya at hindi iyong maiiwan siya kasama ang mga minamahal niya. At mahal pa rin niya, mahal niyang patayin ang isa. “It’s really nice seeing you again, Racelyn.” Tila nang-iinsultong pagbati pa ng higad sa kanya. Binibilang na nga niya sa utak niya kung ilang balahibo ba o kamandag ang mayroon ito sa katawan. You know some snakes having not just venom but demon inside living a so-called fake identity like Jomelene. Which plays around deceives her and stab her back. Gusto na niyang ituhog kay Jomelene ang tinidor na hawak niya o kaya laslasin ang bituka nito nang huminto sa pagsasalita. Kung bakit kasi wala ngayon si Bakla at nagkaroon ng emergency. E, 'di sana may sasagip sa kanya mula sa kahihiyan. “Yeah, it’s really nice to see you, b***h!” makahulugan niya itong tinitigan. Kung bakit kasi magkaharap pa sila ng upuan. Bigla niyang naisip na sipain ito mula sa ilalim. Agad itong napaaray. Gusto na talaga niyang ibaon ang takong ng sapatos sa paa nito kaya lang ay inilayo na nito ang mga paa. Nang may dumating pang apat na lalaki, nagulat siya dahil puro niya iyon mga katrabaho. Dalawa sa department nila, at dalawa sa department ni Ivan. Nagkwentuhan muna sila bago nagkayayaan ng uminom. “Let’s play the shot game!” anunsiyo ng isa sa mga ka-officemate niya. Lalong naging mailang sa kanila ang atmosphere lalo na sa anunsyo ng kasamahan nila na Shot game. Para itong Truth or consequence at ang matatalo ay iinom ng shot ng alak. Inaasahan na niyang maraming mga tanong ang mga kasamahan niya, lalo pa at siya ang palaging tinuturo ni Jomelene at kahit pa kinukuha ni Ivan ang shot. Mabilis namang pinipigilan ito ng ahas niyang ex bestfriend. Pang-apat na shot na sana niya iyon nang biglang may umagaw niyon. “I’ll take her every shot.” Napahinto ang mga ito at napatingin sa bagong dating. Napangiti si Racelyn nang makita ito. Hindi pa naman siya lasing, pero ang paraan ng pagtitig nito sa kanya ay kasing lakas ng tama ng alak, nakakalasing. The gay saves her again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD