Chapter 11

2076 Words
HINDI siya umuwi ng unit ng bakla dahil magulo pa rin ang utak niya. Napipilitang pumasok na lang siya sa opisina, para kahit paano ma-divert ang atensiyon niya. Kailangan niyang maging abala. Mabuti na lang mabait ang Boss niya kahit late siya dumating. Balak sana niyang mag-over time, nagtaka pa siya nang hindi siya pinayagan ng kanyang Boss. Huli na niya nalaman na kinausap pala ni Ivan ang Boss niya na hayaan siyang makapagpahinga. Napilitan na lang siyang umuwi kahit hindi pa siya handang makita at makausap ang bading. Napahinto siya sa paglalakad nang may kotseng huminto sa harapan niya. Bumaba ang sakay nito at pinuntahan siya. “Race, please let us talk.” “Ano bang sasabihin mo?” “Let’s have dinner first.” “Hindi ba pwedeng dito mo na lang sabihin?” naiinip na sabi niya. Napabuntong hininga ito saka napipilitang sabihin na sa kanya ang nais nitong sabihin. Hinawakan nito ang kamay niya. “I know I’m such a fool letting you go, without knowing your value. Alam kong malaki ang galit mo sa akin. Alam kong marami akong kasalanan at pagkukulang sa ‘yo.” “Pwede bang diretsahin mo na lang ako?” naiinis na sabi niya rito. “Race, I’m sorry. I’m sorry sa pag-iwan ko sa ‘yo. Sorry sa lahat.” Dahil sa kainipan ay tinalikuran niya ito, ngunit hinila siya nito paharap. “I still love you, Race.” “Sinungaling! Kung mahal mo ako, hindi mo ako ipagpapalit at sa kaibigan ko pa.” Hindi na napigilan ng mga mata niya ang umiyak. “Ang tanga ko lang, dahil hindi ko kaagad napansin na wala ka ng interes sa akin. Ang tanga ko lang at hindi ko nahalata na nanlalamig ka na pala sa ‘kin. At tanga ako kung tatanggapin pa kita. Yeah, I’m boring, fragile and easy to fool, I’m not smart enough doing any decision in my life, but I know this is the right thing to do.” “Please Race. Just give me another chance. Tao lang naman ako, nagkakamali at natutukso.” Pinahid niya ang mga luha sa mga mata at ngumisi. “Wow! Such a word! Gasgas na ‘yan, wala na bang bago?” “Mahal pa rin kita, Race. Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa ‘kin,” pagsusumamo nito. “Oo, tama ka. Mahal na mahal kita, kaya nga nagawa kong kuntsabahin si Marvi na magpanggap na lalaki para pagselosin ka, dahil mahal kita, Ivan. Kaya lang, wala na Ivan. Nagising na ako, naalog yata ang ulo ko mula sa pagkakasampal ng bago mong GF.” “Wala na kami ni Jomelene. Nakipaghiwalay na ako sa kanya. I realized everything, the day on the Parking lot when I first saw you and Marvin.” “Marami ng nangyari. Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ko, malas mo lang kasi lumalaban pa rin ako.” Hinawakan nito ang pisngi niya. “Please, don’t say that. Love me again, Racelyn. Let’s get back together huh.” Pinalis ni Race ang kamay nito. “Nakakatawa ka. Alam mo bang gusto kong kumanta ng We. Are. Never. Ever. Getting. Back. Together,” dahan-dahang sabi pa niya ngunit puno ng emphasize. Saka muling iniwan ang kausap. Hinila nito ang braso niya at hinarap muli rito. “Alam kong naguguluhan ka lang. But I won’t let you go. Mapapasa ‘kin ka ulit. Babalik kang muli.” Hinaklit niya ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa braso niya ngunit hinigpitan lang nito ang hawak sa kanya. “No! Kahit anong gawin mo, hindi na ako babalik sa ‘yo!” Napapitlag siya nang biglang yakagin siya nito at marahas na halikan. “Akin ka lang Racelyn tandaan mo ‘yan!” Nang bitiwan siya nito, nagtatatakbo na siya palayo at mabilis na nakapara ng Taxi. MULA sa bintana ng kotse, kitang-kita niyang hinalikan ni Ivan si Racelyn. Napakuyom siya sa kanyang kamao, saka siya bumaba ng kotse. Nilapitan niya ang nakangising si Ivan at buong lakas na sinuntok ito. “What’s that for?” tanong nito nang makabwelo at dahan-dahang tumayo. “That’s for kissing her.” Tumawa ito ng pagak. “Sabi ko naman sa ‘yo, babalik siya sa akin. Tapos na ang palabas nyo ‘di ba, bakit nakikisawsaw ka pa rin hanggang ngayon?” Akmang susuntukin pa sana niya ito nang muli itong umimik, napahinto ang kamao niya sa ere. “Sinabi na sa ‘kin ni Race ang lahat na nagpapanggap lang kayo para pagselosin ako. And she wins, because I felt jealous.” Ibinaba niya ang kanyang kamao. “Oh really. How about telling you that I already have her in bed kaya wala ng dahilan para—“ Napasinghap siya ng sugurin siya ni Ivan at haklitin ng dalawang kamay nito ang kwelyo ng polo shirt niya. “Anong sinabi mo?” ngumisi pa siya ng nakakaloko. “Ulitin mong sinabi mo!” “She’s f*cking sexy and she’s really good in bed. You’re really regretful. And you know what? Nakakaawa ka.” Sumabog na yata ang utak nito at hindi nakapagpigil. Nakatanggap siya ng suntok dito. Napangisi lang siya sa ginawa nito. Pinalis lang niya ang dugong lumabas sa bibig niya mula sa suntok nito. “Gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa ‘kin at hinding-hindi mo siya maaagaw sa ‘kin, bastard!” Sinugod siya nitong muli at sinuntok ng sinuntok. Hindi siya nakahupa o nanlaban man lang, tinanggap lang niya ang mga suntok nito. Kahit kaya niyang lumaban, hindi niya ginawa. Naiinis siya sa sarili niya, naiinis siyang malamang may natitira pa ring feelings si Racelyn sa lalaking ito. Naiinis siya malamang, seryoso na ito sa kanya at tila nagbago na ito at na-relized na pinagsisisihan nitong iniwan si Racelyn. Halos hindi na siya makabangon nang iwan siya ni Ivan, mukhang pinuruhan talaga siya ng mokong na iyon. Kahit hirap makadilat, pinilit niyang mag-drive upang makarating sa unit. Kailangan niyang makausap si Racelyn. Ngunit wala ito roon, nadismaya siya na hindi ito natagpuan roon. Pumasok siya sa banyo at naghilamos, hindi niya ininda ang hapdi at sakit. Namanhid na yata siya sa ginawa ni Ivan sa kanya. Kinuha niya ang gitara, ang nagsisilbi niyang stress reliever kapag nakakaramdam siya ng stress o kaya’y matinding kalungkutan. “There I was waiting for a chance, hoping that you’ll understand the things I wanna say. As my live stronger than before, I wanna see you more and more but you close the door. Why don’t you try to open up your heart, I won’t take so much of your time. Maybe it’s wrong to say please love me to, ‘cause I know you never do. Somebody else is waiting there inside for you. Maybe it’s wrong to love you more each day. ‘Cause I know you seem to stay. But I know to whom you should belong...” Napahinto siya sa pag string ng gitara nang may umikot ng door knob, mabilis na ibinaba niya ang gitara at ipinailalim sa kama. Pumasok na sa loob ng unit si Race, bubuksan na sana niya ang door knob nang may marinig siyang kumakanta habang naggigitara. Idinikit niya ang kanyang tenga sa pader at pinakinggan itong maigi. Nagtubig ang mga mata niya nang marinig ang kinakanta nito. Pinalis niya ang luha sa kanyang mata at saka dahan-dahang pinihit ang door knob. “D-Dumating ka na. Saan ka galing?” tila gulat na gulat na tanong nito sa kanya. “Sa labas, nag-isip,” matamlay na sagot niya. Kanina pa masama ang pakiramdam niya, nakaramdam siya ng kaunting ginhawa nang masayaran ng alak ang sikmura niya. Binabalak na niyang magpaalam sa kompanya nila dahil ayaw na niyang makita o makasama pa roon sa iisang kompanya si Ivan. Nagiging mahirap lang sa kanya ang lahat. At kahit pa nakikipagbalikan ang mokong, hindi na siya pumayag alam niyang iyon ang tama. Kung magkabalikan man sila, marami na ang nabago at nasaktan na siya. Ayaw niyang muli siyang masaktan sa parehong tao. Tinatak na niya sa isip, na hindi na siya muling masasaktan, hindi na ngayon. Natatakot na siyang muling magmahal at masaktan kaya... hindi na muna siya susugal. Unti-unti rin niyang nakakalimutan si Ivan, pero may bago na ngayong pumapasok sa isipan niya—si Marvin. “Nakainom ka?” masuyong tanong nito. Napatingin siya rito. Ngayon lang niya napansing may pasa ito at may galos ang mukha nito. “A little bit. What happened to your face?” “Napaaway. Sinuntok ako ng Ex mo.” “Hindi na ako nagtataka. It must be a valid reason.” Nagtungo siya ng CR at kinuha ang first aid kit nito. Umupo siya sa tapat nito at ginamot ang mga pasa at sugat nito. Hinantay niya itong umimik kung nasaktan ba ito pero wala siyang narinig. Gustuhin man niya si Marvin ay hindi rin pwede dahil bading ito. All she’ll do now is to admire the gay and dreaming him from afar. Kasalanan ni Kupido, pinaglalaruan nito ang puso niya. Maloloka na yata siya ngayon. Napahinto siya nang hawakan nito ang kanyang pulsuhang iniangat niya para lagyan ang sugat nito ng betadine. Napatitig siya sa mga mata nito na seryosong nakatingin lang din sa kanya. It wasn’t just a simple look, from her calculation; it was more an admiration that fills her soul. Ang titig nitong parang tumutunaw, nagtayuan ang balahibo niya. “That look in your eyes..” mahinang usal nito. Nabitiwan ni Racelyn ang hawak niyang bulak nang tawirin nito ang pagitan nila. Hindi siya nakatutol o nanlaban man lang. Ramdam niya sa halik nito ang pangangailangan at ang halik na hindi pa niya naramdaman kahit kay Ivan. Ang masuyong halik nito, na tila puno ng pag-iingat at pagmamahal. Napasinghap siya, dahilan para umangat ang labi niya at mabigyan ito ng access para galugarin ang loob ng kanyang bibig. Nagtama ang mga dila nila na parang naglalaro. She liked this. No. She love this, she love being like this, in the gay’s arms. She knew this can’t be but she can’t help it. Naisabit na niya ang mga kamay sa batok nito habang patuloy na nagre-respond sa halik nito. This Godamn kisser makes her go wild. “Please stop me..” Saka siya muling humalik sa labi nito. “Stop me, right now, Marvin.” Hindi rin alam ni Marvin kung paano pahihintuin ang sarili dahil maging ito ay nalulunod na rin. Race must be going crazy now, his mind blowing kisses; she might get a heart attack now. Because her chest was jack hammering and might explode soon if she stops and made him stops her. She was thankful he never stops because she loves what he’s doing right now. Kapag sinabi nitong bakla na mali ang nangyayari dahil bakla ito, baka mapikot na niya ang bakla. Kailangan na ba niyang i-comfirm sa sarili na may bago na siyang mahal? Na iba na ngayon ang tinitibok ng puso niya at dahil iyon kay Marvin. “Racey..” Hinarang niya ang daliri sa gitnang labi nito. “Shh.. I’m sure hindi mapa-process ng utak ko ang sasabihin mo, bakla. So just keep it.” “I really need to say dahil hindi ko na kakayanin.” Pareho silang nasa kama, siya ay nakahiga at ito naman ay nakadapa sa ibabaw niya. Napapikit siya, hinihiling na sana hindi siya masaktan sa sasabihin nito. Dahil panigurado, bagong sakit na naman ito at bagong heartache. “This is wrong.” Biglang nagtubig ang mga mata niya. Inaasahan na niyang iyon ang sasabihin ng bading. “I know everything is wrong.” “And it seems wrong,” she choked but manage to say. “Alam ko na ‘yan. Pero pwede bang—“ He sealed her with a kiss to make her stops. “But I can’t stop loving you, Racey.” Napalis ang inis at pagdaramdam na namumuo sa isip niya nang marinig niya ang huling sinabi ng bading. “I’m gay but I love you.” Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Niyakap niya ito at muling hinalikan. “Bakla, ba’t nakakaadik kang halikan? In-love na ba ako?” “You definitely find it soon, Hon.” Napangiti siya sa sinabi nito. Parang ang sarap sa pandinig. Hindi na niya pinalampas ang pagkakataon, hinayaan niya ito. Hinayaan din niya ang sarili na may mangyari muli sa kanila. Pero wala siyang pinagsisisihan kung nagpaubaya man siya dahil kahit mali, kahit hindi dapat pakiramdam niya tamang sumugal lang siya. It was an instinct knowing what her heart felt towards this gay. Akala niya wala ng katapusan ang kaligayahan niya nang ipadama sa kanya ng Bading na in-love na ito sa kanya. Nakaupo siya ngayon sa isang sofa. May tumawag sa kanya kaninang umaga, inakala niyang ang inaplayang trabaho iyon dahil balak na talaga niyang makalipat ng ibang trabaho. Pero hindi pala, isang babae ang gusto siyang makausap. “How’s it dealing with my brother? Did you confirm that he’s not actually gay?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD