LEXXIE ILANG beses na kinansela ko ang tawag ni Ian. May kailangan akong tawagan pero hindi ko magawa dahil panay ang pop up nang tawag niya. Istorbo sa oras ng aking trabaho. Saktong may emergency pa naman. Kailangan ko pa namang ang cellphone para matawagan ang isang kasamahan dahil may emergency. Biglang nahulog ang radyo ko habang tumatakbo para rumesponde sa aksidente. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na siya tumawag. Hindi ako makahingi ng tulong kaya ginamit ko ang telepono ko para sabihan ang isang kasamahan ko na malapit sa area kung saan naroon ako. Tumawag na rin ako sa opisina para masigurong may darating na reresponde. Hindi ko maiwasang malungkot nang makita ang motorsiklong pumailalim sa truck. Hindi ko pa makita ang buong kalagayan dahil may paramedic nang dumat