LEXXIE'S POV MALUNGKOT na napatitig ako sa daliri ko. Mag-anim araw na ako dito sa lugar na ito. Madilim ang lugar at madalang akong makakita ng liwanag. Malapit ko nang makasanayan ang madilim na silid na ito. Muli akong pumikit at inisip si Tatay. Magagawa ba talaga niya ito sa akin? Ito ba ang parusa dahil sa ginawa kong paglabag? Pero hindi naman yata makatarungan. At okay lang kay Nanay na pahirapan ako? Napahilamos ako ng aking mukha at nagmulat. Pilit kong binalikan ang mga nangyari nang gabing iyon at kung paano ko nakausap si Tatay. "'T-Tay," nauutal kong sambit nang makita siya. Kahit na madilim, kilala ko siya. Ang katawan niya at ang tayo, Tatay na tatay. Kaya nasabi ko iyon. Saktong namatay din kasi ang ilaw sa bandang iyon at hindi man lang nabalik. "Let's talk," ani