IAN’S POV HINDI ko maalis ang ngiti ko habang naglalakad pabalik ng aking sasakyan. Dinama ko pa ang labi ko at inalala ulit ang pinagsaluhan namin ni Lexxie. Damn! Wala pa ring pagbabago sa labi ni Ate Lexxie! Ang lambot at ang sarap pa ring halikan! Ugh! Nilingon ko ulit ang apartment na tinitirhan ng kaibigan bago lumiko para lapitan ang sasakyan. Napaangat ako ng kilay nang makita ang sasakyan ni Niccolò malapit sa akin. Kahit saan naman ako magpunta nakasunod siya. Sumakay ako sa magarang sasakyan ko mayamaya. Kita ko ang pagsunod ng sasakyan ni Niccolò at ng dalawa pang sasakyan sa likuran niya. Sa condo ako dumiretso. Hindi na ako babalik sa bar dahil baka nandoon pa si Lindsay. Saka ihahanda ko pa ang sarili ko para sa flight namin kasama ang magulang at ang kapatid ko papu