LEXXIE NANG katukin ako ng kasamabahay para sabihing malapit na ang dinner ay kaagad akong pumasok sa banyo. Dahan-dahan kong hinubad ang damit ko at lumubog na sa masabong tub. Kagat ang labing kinukuskos ko ang aking katawan. Kahit ang singit gano’n ang ginawa ko bago hinayaang magbabad ng sarili. Ako naman ang hihintayin ni Giovanni bago kumain ng dinner. Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pintuan ang iniluwa an kasambahay. “It’s time, my Lady.” Napakamot ako ng ulo. Dinaig pa niya ang Nanay ko. Tutulong na naman siya sa aking pagbibihis. Kahit na ilang beses ko na siyang tinulak na ako na lang ang mag-aayos sa akin, hindi siya nagpapatalo. Trabaho niya daw iyon kaya hinahayaan ko na lang. Hinintay niya munang matapos akong magbanlaw bago lumapit sa akin.Hindi naman nakatingi