“Pumunta ka lang ba dito para lang asarin ang kapatid ko o gusto mo pa rin siyang makita after ng ginawa niya sa’yo.” tanong ni Keil habang nasa labas silang ng bahay nila at natagay ng isang redhorse.
“Honestly, hindi ko alam.” sagot ni Hunter na kataas ang paa sa pasimano ng balkunahe ng bahay ng kaibigan habang nakatanaw sa malayo at madilim na kalangitan. Malamig na ang klima dahil sa malapit na ang mag pasko pero wala siyang maramdaman na lamig sa mga oras na ito.
“Mahal mo pa rin siya.”
“I hate her.”
“Hindi mo sinagot ang tanong Hunter.”
“You know what tingin ko kelangan kong mag swimming tonight. Diyan ka na kita na lang tayo bukas sa resort,” paalam ni Hunter na halatang na iwas lang sa tanong niya.
“She’s getting married Hunter, let her go. Mas marami pang babae na kaya kang mahalin gaya ng pag mamahal na gusto mo.” sigaw pa ni Keil pero hindi na tumugon ang papalayong kaibigan na nag taas lang ng kamay habang papalayo.
“Anong sabi ni Hunter.” tanong naman ng ama na nasa pinto napa buga naman ng hangin si Keil na nakasunod ng tingin sa kaibigan na sumakay na sa bulok nitong pick-up truck na bumusina pa bago umalis.
“I think mahal pa rin niya ang loka-lokang si Hailey.”
“Nag-aalala ako kapag na laman niya ang tungkol kay Honey, tiyak na magagalit siya kapag nalaman niyang may anak sila na itinago natin. Masasaktan natin siya kahit hindi naman natin sinasadya.” wika ng ama, may point naman si Hailey na impossibleng maniwala si Hunter noon na anak nito si Honey kung sasabihin nila. At hindi rin siguro maniniwala nga ito na anak nito si Honey kung sasabihin nila ngayon dahil buong pag-asa talaga nito buntis na si Hailey bago ito umalis noon lalo pat hindi tutugma ang edad ni Honey sa panahon na sila pa ni Hunter dahil premature si Honey unless na lang hihingiin ni Hunter ang birth certificate ni Honey o mag papa DNA test ito.
“Kasalanan itong lahat ng anak ninyong masyadong ambisyosa.” inis na wika ni Keil saka tumalikod na at nag paalam na pupunta ito as hotel resort at dun na mag papalipas ng gabi.
-
-
-
-
-
--
“Hey! Little girl… Do you need help?” napalingon naman ang batang babae na biglang namilog ang mata at bibig na para bang gulat na gulat na nakatingin sa kanya. Napangiti naman si Hunter alam niyang maganda siyang lalaki pero ganun ba siya kaguwapo para pati bata ma starstruck sa kanya.
“Okay ka lang ba?” tanong pa ni Hunter na pa atras naman ang bata ng lumapit siya kaya naman mas minabuti niya na siya na lang ang umatras muli para hindi matakot ang batang babae.
“Hindi ako masamang tao, I owned this place nakita lang kitang mag-isa at nahihirapan kang mag suot ng skate boots mo tutulungan lang sana kita.” alok ni Hunter.
“Sorry po, hindi po ako takot sa inyo. Medyo na gulat lang po ako, ang guwapo n’yo po pala sa personal.” tumaas naman ang kilay ni Hunter na ngumiti.
“Guwapo sa personal? I guess kilala mo ako sa picture ganun ba?” tumango ang batang babae.
“Talaga saan picture mo naman ako nakilala.” bigla parang naging hindi kumportableng sumagot ang bata.
“Kung ayaw mong sagutin okay lang naman. Gusto mo bang tulungan kitang isuot yan para makapag laro ka na rin tulad ng ibang bata.” lingon pa ni Hunter sa maraming bata na nag s-ski sa yelo habang nag s-skating. Na hihiya naman tumango ang batang babae kaya lumuhod na si Hunter na lumapit sa bata na naupo na sa isang bench. Marahil isa sa mga guest ng resort ang batang babae.
“Alam mo may kamukha ka pero hindi ko na sasabihin kung sino kasi baka bangungutin ako mamayang gabi. Hindi nanaman makatulog dahil sa kakaisip sa kanya.” biro ni Hunter habang paminsan-minsan tumitingin sa batang babae na nakatingin din sa kanya pero mabilis na iiwas ng tingin kapag natingin siya.
“There okay na.” wika pa ni Hunter na tumayo na ng maisuot na niya rito ang sapatos na pag skating. Meron kasi sa loob ng resort niya na isang skating house para sa mga batang gustong mag skating na ayaw mag swimming.
“Wala ka bang adult na kasama dito?” nag-aalalang tanong ni Hunter na napalinga sa paligid.
“Meron po ayun po siya yung may scarf sa na red.” kumunot naman ang noo ni Hunter ng makilala si llyod ang pinsan ni Hailey. May kausap itong magandang babae kaya naman pala nalimutan na nitong may kasama itong batang babae.
“Paano mo nakilala si Llyod?”
“Kaibigan mo ata siya ng Tito ko.” sagot ng bata sabay paalam na sa kanya na lumayo na, ilang beses pang muntik na masubsub Kaya inis na nilapitan niya si Llyod sabay batok rito saka pa lang nito na aalala na may kasama itong batang babae. Umalis lang siya ng makitang binabantayan na nito ang batang babae pero nalingat lang siya sandali may kausap nanaman na ibang babae si Llyod kaya napilitan na siyang lapitan ang batang babae na kitang na iinis na dahil hindi ito marunong mag skate pero halatang gusto din nitong matuto kaya hindi nasuko. Natuwa naman ang bata ng muli siyang nakita at nag offer na kung gusto nitong turuan niya ito kaya naman hindi na namalayan ni Hunter ang oras habang binabantayan ang batang babae na nag s-skate. Napilitan na lang siya na iwan ito ng tumawag si Keil at sabihin na may problema daw sa west part ng resort kaya napilitan na siyang iwan ang batang babae. Pero tiniyak niya na babantayan na ito ni Llyod at tinakot niya na wala na itong babalikan trabaho sa resort kapag nalaman niyang nasaktan ang batang babae.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Kumunot ang noo ni Hunter ng mapansin niya ang maliwanag na paligid ng bahay niya. Nawala na din ang makapal na dahon sa pathway na hindi niya pinag aabalahan na alisin dahil wala siya sa mood na maglinis dahil bihira naman siyang umuwi sa bahay na iyon. Lalo pang nag salubong ang kilay niya ng mapansin na malinis na ang harapan ng bahay niya. Hindi lang siya umuwi kagabi at ngayon lang siya umuwi ulit ang laki na agad ng pinag bago ng bahay niya.
Kaya nag tataka na pumasok na siya sa loob ng bahay niya at nagulat siya ng makita si Hailey na natutulog sa sofa. Mag-isa lang ba ito nag linis ng buong bahay gaya ng ginagawa nito noon ng mag-asawa na sila. Tiningnan niya ang buong kabahayan, bumalik sa dating puwesto ang lahat ng gamit. Maging ang bookshelves na puro libro ni Hailey noong nag aaral pa ito at ang ilan ay mga paborito nitong mga romance novels at ang ilan ay mga tungkol sa photograhy. Giniba niya iyon noon at hindi na inayos hinayaan niyang nakalalaglag ang lahat ng libro pero ngayon maayos na iyong at wala ng alikabok.
Wala ka na ring makikitang agiw sa kisame maayos na ang mga figurine na naka salansan. May ilang gamit na mukhang bago at mukhang bumili pa si Hailey wala naman 24hrs pa siyang na wawala sa bahay na iyon pero parang nagkaroon ng magic. Ibang-iba talaga ang bahay kapag may babae nakatira, napabuga na lang siya ng hangin na dumeretso sa kusina at nagulat pa siya ng makita ang bagong ref niya na double door pa talaga. Pag bukas niya roon nakita niya ang maraming can beer na favourite niya infairness iyon lang ang nagustuhan niya. Napasimangot pa siya ng mapatingin sa bago din gas stove na naroon na pang sosyal kala mo naman meron nag luluto sa bahay na iyon.
Hindi naman siya talaga doon nakatira, nauwi lang siya roon kapag gusto niyang mag-isip. Kumuha siya ng beer bago bumalik sa sala para gisingin na si Hailey at palayasin na ito. Tumayo siya sa harapan nito at pinag masdan ang dating asawa na asawa pa rin pala n’ya hanggang ngayon. Bigla parang huminto nanaman ang mundo niya habang nakatitig sa magandang mukha ni Hailey. Ang laki ng ibinago rito ng Manila at ang pagiging sikat nito. Malayong-malayo na ito sa babaeng country girl na minahal at pinakasalan niya.
But, still ito pa rin ang nag-iisang babaeng nag papatibok ng puso niya, na babaliw na yata siya bakit hindi niya ito magawang makalimutan. Maingat siyang lumuhod sa harapan nito para mas lalo pa itong matitigan. Muli siyang uminom ng beer pag baling niya ulit ng tingin kay Hailey naka dilat na ito kaya naman sa gulat naibuga niya sa mukha nito mismo ang laman ng bibig niya sa sobrang gulat niya na malakas na ikinasigaw ni Hailey na galit na galit na napabangon.
“Hunter! Ano ba buwisit ka talaga!" sigaw pa ni Hailey.