Episode 5- Invading heart

1562 Words
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo dito huh!” galit na tanong ni Hunter na muling kumuha ng beer sa ref habang kasunod si Hailey na nag pupunas ng mukha na nabasa pa ng beer na naibuga niya sa sobrang gulat niya kanina ng paglingon niya gising na pala ang dating asawa. “You need a wife Hunter, bakit hindi ka pa kumuha ng babaeng maiiwan dito sa bahay para intindihin ang lahat ng pangangailang mo_____.” “No! Hindi ko kailangan ng babaeng maiiwan sa bahay, sakit lang sila ng ulo. Nakakuha nga ako ng isang babae na akala ko hulog ng langit pero hindi pala sugo siya galing sa imp*yerno.” ani Hunter sabay sipa sa ref sa pinto ng ref pasarado. “Ito! Ito at ito… alisin mo lahat dito yan ibalik mo yung mga luma kong gamit dahil mas okay sa akin ang luma. I hate fancy things like things.” tukoy ni Hunter sa mga bagong kagamitin na nasa loob ng kusina na ikinababanas sa paningin niya. “Wala na ang mga lumang gamit mo, ipinatapon ko na sa junkshop.” “What!”galit na sigaw ni Hunter. “Luma na at sira ang mga gamit mo Hunter bakit ba tinitiis mo pa.” “Ikaw nga natiis ko dinala ba kita sa junkshop noon?" angil ni Hunter na pinandilatan pa siya. "Sa susunod wag mong pakikialaman ang mga gamit ko at wag ka ng babalik dito kahit kelan.” napabuga naman ng hangin si Hailey ng lampasan siya ni Hunter na lumabas ng kusina. “Pirmahan mo ang divorce paper at hindi mo na ako makikita kahit kelan.” sunod naman ni Hailey. Hindi naman sumagot si Hunter na dinukot ang cellphone na tumunog sa bulsa ng pantalon saka tiningnan kung sino ang nag message pero napamura na naibuga muli ni Hunter ang iniinom ng mabasa ang message sabay lingon kay Hailey na iniharap ang cellphone sa dating asawa. “Ginamit mo ang saving account ko!” sigaw pa ni Hunter na akala mo naman nasa kabilang kanto ang kausap. “Bakit kaninong gamit ba ang binili ko sa’yo naman lahat ah saka tenesting ko lang gamitin malay ko ba naman na nagana papala yung card na binigay mo sa akin as joint account.” balewala naman sagot ni Hailey na ikinamura ni Hunter na napasuntok sa hangin. “Bakit ba nagagalit ka, ni hindi nga man lang halos nabawasan ang putal ng savings mo at saka saan mo kinuha ang ganyan kalaking pera. Wala ka naman sigurong ginagawang illegal para mag kapera ka ng ganyan ka laki na imposibleng kitain mo sa loob ng 10 years.” wika pa ni Hailey. “You don’t know me at all kaya wag mong paki-alaman ang buhay ko. Umalis ka na wag mong hintayin na kaladkarin kita palabas.” turo ni Hunter sa pinto pero imbis na lumabas kinuha ni Hailey ang bag at kinuha doon ang divorce paper na may kasama ng ball na inabot kay Hunter. “Signed it at hindi mo na ako makikita kahit kelan.” pagak naman tumawa si Hunter na inis na kinuha ang pen. “Tiyakin mo lang na hindi na kita makikita kahit kelan.” wika ni Hunter na sinimulan pirmahan ang papel pero ayaw makisama ng ballpen dahil ayaw sumulat. Ikiniskis na iyon ni Hunter sa mesa at ganun na din sa pantalon niya pero ayaw talaga sumulat kaya pikon at inis na ibinato iyon palabas ng pintong naka bukas saka galit na humarap kay Hailey na nag hahanap ng pen sa loob ng bag niya. Noon naman lagi siyang may dalang extrang pen ngayon na lang bigla walang siyang makitang extra. “Gusto mo ba talaga akong pumirma o gusto mo lang mag papasin sa akin huh! Bakit hindi ka na ba napapaligaya ng lalaki mo kaya ka________.” gigil naman na inihampas ni Hailey ang bag sa dibdib ni Hunter na napaatras. Inulit naman ni Hailey ang ginawa habang pigil ang luha hindi dapat siya umiyak dahil kasalanan din naman niya kaya ganun ang tingin sa kanya ni Hunter ngayon pero ang sakit lang kapag pinauulit-ulit pa nito. “Sige pa! Saktan mo pa ako pero hindi mababago na malandi ka at ambisyosa." angil pa ni Hunter. "Kaya kahit sampalin mo pa ako wala akong paki-alam,” huminto naman si Hailey na huminga na lang ng malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili. “Mag intay ka dito ibibigay ko na ang divorce na gusto mo.” galit na wika ni Hunter ng hablutin ang divorce paper at umakyat ito sa hagdan na marahil meron itong ballpen sa kuwarto nito. Ngunit sasaglit pa lang itong nawawala narinig na niya ang malakas na sigaw ni Hunter kasunod niyon halos mahulog na ito sa pag takbo pabab at hinawakan siya sa dalawan balikat niya na parang hingal na hingal ito. “Asan ang study table kong luma.” “Inalis ko na din sira na ang paa at___ napapikit bigla si Hailey ng tumaas ang kamay ni Hunter na parang gusto siyang saktan pero na pigilan nito at lumayo na lang sa kanya na lumabas ng bahay saka nag sisigaw na parang galit na galit. Inilipat naman niya ang lahat ng laman ng drawer wala naman siyang iniwan sa lumang mesa nito bago niya itinapon. Sira naman na yun siya pa ang personal gumawa ng mesa na yun noon ng wala siyang magawa. May sentimental value ba yun kaya ganun na lang ang galit nito. Napakagat labi naman si Hailey na nakagat ang kuko minsan na niyang nakita na ganun kagalit si Hunter noon malaman nitong nag loloko siya muntik din siyang saktan pero hindi nito itinuloy instead lalabas lang itong ng bahay at mag sisigaw sa may bukal malapit lang sa bahay na yun. Umakyat naman siya sa taas at kinuha ang divorce paper na iniwan ni Hunter sa kama napatingin siya sa bagong computer table na binili niya na di hamak na mas maganda sa dating ginawa niya para kay Hunter. Pag baba niya saglit pa siyang nag hintay kay Hunter baka sakaling babalik ito nakakuha na siya ng bagong ballpen. After 30 minutes bumalik nga si Hunter pero may kasama ng pulis na ikinabigla ni Hailey. “Oh! The prodigal ex-wife is back, kumusta ka na Hailey baby.” bati pa sa kanya ng pulis na pinsan naman niya na kaibigan din ni Hunter. Humalik pa ito sa pisngi niya sabay yakap. “Take her make sure na ikukulong mo siya for invading privacy and illegal trespassing.” ani Hunter na bumalik sa kusina na muling kumuha ng beer na hindi na nito matapos-tapos inumin dahil lagi na lang nitong na ibubuga. “Naku mabigat ang paratang sa’yo ng ex-husband mo wala akong magagawa kundi damputin ka at idetain sa police station buong magdamag.” “Tumawag ka ng police para lang ipadampot ako dahil lang sa mesa mong bulok.” di makapaniwalang turan ni Hailey na nilingon si Hunter na masama lang ang tingin sa kanya. “Hindi ako nag punta dito para mang gulo Nick, ang gusto ko lang pirmahan n’ya ito at aalis agad ako ora-orada.” “Ibalik mo yung mesa ko pipirmahan ko yan.” galit na wika naman ni Hunter. “Bakit ano ba yan.” tanong ni Nick na kinuha ang papel na hawak ni Hailey. “It’s nothing Nick, dalahin mo na yang babaeng yan at ikulong.” utos pa ni Hunter. “Divorce paper? Diba inayos mo na to?” tanong naman ni Nick kay Hunter. “I do abogado niya ang nag-ayos.” “Oh! E anong problema?” tanong pa nito. “Kulang ng isang pirma kaya nandito ako para papirmahan sa kanya.” bigla naman tumawa si Nick na sabay na ikinatingin nila ni Hunter rito. “Sorry! Sorry! Natawa lang talaga ako so technically kasal pa rin kayong dalawa tama?” walang may gustong sumagot. “So paano ko idedetain ang asawa mo, Hunter kung legally kasal pa rin kayo.” “Umalis na siya at 10 years na siyang hindi na uwi dito kaya hindi na siya ang asawa ko.” wika ni Hunter. “Paano ka ba nakapasok dito?” Inilabas naman ni Hailey ang duplicate key sabay ngiti. “May duplicate key ako.” napangiti naman si Nick. “Tingin ko wala akong maitutulong sa inyong dalawa. Inabala n’yo lang ako kaya have a goodnight.” “Nick ano ba? Malinaw ang _____.” “Asawa mo pa rin siya sa mata ng Diyos at batas pasensya na Hunt, may duplicate si Misis ng bahay mo kaya makakapasok siya anytime.” paalam pa ni Nick inis naman na napamura na lang si Hunter na tumingin kay Hailey na ngumiti. Inis naman na nilapitan ni Hunter ang dating asawa at hinablot dito ang papel. “Pipirmahan ko to pag ibinalik mo na ang mesa ko.” wika pa ni Hunter na tuloy-tuloy na umalis dala ang divorce paper humabol pa si Hailey pero naka sakay na si Hunter sa pick-up nito na matulin ng umalis na hindi na siya pinakinggan. Napa sapo na lang siya ng noo na bumuga ng hangin. Umiiksi na ang oras niya kailangan na niyang maayos ang divorce paper niya bago pa madiskubre ni Shawn na peke ang ibinigay niya ritong mga dokumento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD