“F*ck!” bulalas ni Hailey ng magulat habang natataranta na isa-isang binubuklat ang mga papel ng divorce papers nila ni Hunter at hindi makapaniwala sa nakikita. 10 years! It’s been 10 years buong akala niya divorce na sila ng dating lalaking minamahal pero heto at malinaw pa sa sikat ng araw na hindi papala dahil kulang ng isang pirma ang isang papel ng divorce paper nila. At kung hindi pa siya hinihingian ni Shawn ng ilang requirement para sa kasal nila hindi pa niya malalaman na kasal pa rin pala s’ya sa dating asawa na pinipilit na niyang ibaon sa limot. Natutup ang noo habang paroon at parito sa loob ng office niya na hindi makapaniwala. Anong gagawin niya gusto ni Shawn right after new year sila mag pakasal bago mag election pero paano mangyayari yun kung kasal pa siya. Kailangan muna niyang isettle ang kasal nila ni Hunter bago siya puwedeng mag pakasal ulit.
Anong gagawin niya ibig sabihin kailangan niyang humarap kay Hunter, ang balak niya mag spend lang ng christmas at new year sa Laguna dahil request ng anak niya pero hindi naman niya akalain na may magiging purpose pala ang pag-uwi nila after 10 years niyang pag layo sa bayan kung saan niya iniwan si Hunter. Wala na siyang naging balita sa dating asawa dahil naki-usap siya sa pamilya niya na wag na siyang balitaan ng tungkol kay Hunter na iginalang naman ng buong angkan nila. Kaya pinilit niyang ibaon sa limot ang nakaraan na nag bunga pero ang bungang iyon ay hindi niya pinag sisihan Honey is never a regret nor a mistake.
Ngunit ngayon anong gagawin niya, kailangan niyang humarap rito para sa divorce paper nila na pahirapan pa noon na makuha niya ang pirma nito kung hindi pa siya nag tangkang mag pakamatay noon hindi nito pipirmahan ang divorce. Pabagsak na na upo siya sa swivel chair niya habang sapo ang noo pa rin na itinuon niya ang dalawang siko sa mesa habang naka tingin sa isang page na walang pirma ni Hunter. Hindi niya alam kung anong nangyari sa abogado na binayaran niya para lang ayusin ang divorce nila ni Hunter at bakit umabot ng 10 years na wala man lang nag sabi sa kanya na hindi na void ang divorce nila dahil sa kulang ang pirma.
Mabilis niyang itinago ang mga papel sa envelop ng marinig ang katok sa pinto kasabay ng pag silip ng assistant niya. Nakita pa nito na natataranta siyang itago sa drawer ang envelop saka tumayo na ngumiti ng sabihin nito nasa labas na daw yung isang taga magazine na mag iinterview sa kanya para sa latest magazine na ilalabas ng company nila.
*************************
“Naayos mo na ba yung mga hinihingi ko sa’yo na mga requirements?” tanong ni Shawn habang nasa isang fine dining restaurant sila at kumakain.
“Oo, bukas ibibigay ko sa’yo nalimutan ko lang dalahin at medyo busy ako kanina na wala na sa isip ko.” nakangiting pag dadahilan niya.
“Hindi ko na ba mababago ang isip mo na dito ka na lang mag christmas and new year kasama namin.” wika pa ng nobyo na inabot pa ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa. Alanganin naman na ngumiti si Hailey na hinawakan ang kamay ng nobyo.
“Alam mo naman diba na 10 years na akong hindi nakaka-uwi sa amin, kinukulit na ako nila Mama na umuwi kaya pag bigyan mo na muna. Babalik din naman ako right after new year.” malungkot naman na bumuga ito ng hangin si Shawn.
“Kung hindi lang ako busy talaga sasama ako sa’yo para makilala ko na ang pamilya mo bago sana tayo makasal. Kapag hindi ako busy susunod ako sa’yo dun okay lang ba?” tanong pa ni Shawn na ikinatango niya pero alam naman niya na hindi ito makakasunod dahil alam niya na talagang sobrang busy nito dahil nga sa darating na election.
“How about a country wedding diba sabi mo meron isang malaking resort ang magulang mo.” tumawa naman ni Hailey na umiling.
“Hindi amin yung resort, parents ko lang ang nag mamanage nun bilang manager at field engineer naman ang Papa ko.”
‘Well at least mukhang magandang mag pakasal sa isang private resort, tingin mo.” mabilis na umiling si Hailey. Mamatay na lang siya kesa mag pakasal sa bayan nila at hayaan na makita ni Hunter kung gaano siya kasamang babae. Sobra na ang ginawa niya rito noon. Alam niyang 10 years na ang lumipas pero kung siya nga hindi pa lubusan na nakakalimot si Hunter pa kaya na ang alam ay nagkaroon siya ng affair sa ibang lalaki at kaya siya umalis ng Laguna dahil sumama siya sa mayamang lalaki na naka buntis sa kanya. Yes, sinabi niya kay Hunter na buntis siya at iba ang ama kaya kitang-kita niya kung paano niya nasaktan si Hunter noon. Hindi na niya mabawi ang sinabi dahil hindi na rin naman ito maniniwala kahit sabihin pa niya na ito ang ama.
Hindi pa naman siya masokista para gawin yun kaya it’s a no, uuwi lang sila roon dahil sa request ng anak at dahil na rin sa divorce paper nila ni Hunter. Naitawag na din niya sa mga magulang niya ang tungkol sa problema niyang divorce paper nila ni Hunter at tinanong niya sa mga ito kung nakikita pa ng mga ito si Hunter sa Laguna. Oo daw nandun pa rin daw ito nakatira sa lumang bahay ng magulang nito na naging bahay na nila noong mag-asawa pa sila.
“Kailan ba ang alis mo gusto mo ihatid kita kahit sandali.” suggestion pa nito.
“Naku! Wag na ako na bahala kaya ko.”
“Tatawagan kita parati basta hindi ako busy okay, keep your line attended okay.” ngumiti naman tumango si Hailey.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Napangiwi si Hailey ng bumaba ng pick-up truck ng ama na hiniram niya para pumunta sa bahay ni Hunter. Medyo na yakap pa niya ang sarili dahil sa sobrang lamig ng hangin dahil marahil mag papasko at idagdag pa ang maraming puno sa paligid. Napatingin siya sa lumang bahay na ang daming kalat noong umalis siya maayos iyon at malinis lagi ang paligid. Ngayon after 10 years may ilang bahagi na ang sira at natutuklap na ang pintura sira na din ang mga screen ng bintana at pinto. Mas lalo pa siyang napangiwi ng makita ang bulok na pick-up truck ng asawa na palagi na lang sira noon at lagi na lang inaayos ni Hunter nasaan na kaya ang Tita nitong naging mitsa ng hiwalayan nila, buhay pa kaya ito? Nag simula siyang humakbang papalapit sa bahay ni Hunter na kahit ang daraanan makapal ang mga natutuyong dahon na laglag dahil sa mga puno na hindi man lang winawalis ni Hunter parang wala ng nakatira sa bahay. Ngunit ayon sa magulang niya naroon lang daw naman lagi si Hunter pag wala daw doon pakalat-kalat lang daw ito.
Iniwan na muna niya ang anak sa bahay ng magulang na tuwang-tuwa agad ng makita ang mga lolo at lola nito kaya pumayag agad itong maiwan sa parents niya. Habang siya naman ay hindi na nag-aksaya ng oras at agad ng pinuntahan si Hunter para matapos na agad at wala na siyang isipin. Napaawang naman ang bibig ni Hailey ng biglang lumusot ang paa niya sa isang baitang ng hagdan ng patio patungo sa maindoor ng bahay ni Hunter.
“Wow! Wow! Wow! Looks who’s in the house.’ bulalas ni Hunter na lumabas sa maindoor na marahil na rinig ang mahinang tili niya dahil sa pag lusot ng paa niya.
“Naligaw ka yata hindi rito ang kastilyo mo mahal na reyna.” ngisi pa ni Hunter na puro grasa pa ang mukha kamay at suot na damit nito. Wala pa rin pinag bago kahit 10 taon na ang lumipas. Isang lalaking wala pa rin pangarap kundi kumain lang ng 3 beses sa isang araw kumuha lang ito ng MBA noon dahil utos rito ng magulang nitong nasa Singapore pero wala naman talaga itong goal sa buhay. Ang gusto lang nito simpleng buhay na kasama siya iyong lang ang gusto nito noon.
“Puwede ba tulungan mo na lang ako dito kesa tawanan.”
“Bakit kita tutulungan sino ka naman sa inakaala mo. Katangahan mo yan kaya ikaw ang bahalang dumiskarte.” wika pa nito na tatalikod na sana ng gigil na sumigaw si Hailey ng tungkol sa kasal nila.
“Technically kasal pa rin tayo at nandito ako para papirmahan sa’yo ang divorce paper natin.” napatigil naman sa pag pasok si Hunter at unti-unting ngumisi na parang nakakaloko.
“Talaga! Akalain mo 10 years. 10 years inakala ko na hiwalay na tayo akalain mo asawa ko pa rin pala ang isang babaeng ambisyosa na tulad mo.” napalunok naman si Hailey sa sakit na naramdaman dahil sa sinabi nito na tama naman.
“Wag na tayong mag kaungkatan ng kasalanan, basta pirmahan mo na lang ito para makaalis na ako dito.” puwersahan ng hinugot ni Hailey ang paa sa hagdanan sira at nilapitan na si Hunter.
“Just signed the paper and I’ll go.” inilabas ni Hailey ang papel at iniumang ang ballpen sa asawa.
“So, totoo yung napanood ko sa balita na you're getting married sa isang multi-millionaire na soon to be mayor ng Makati.” ngisi pa nito.
“None of your business.” tamad na sagot ni Hailey.
“Techinically it is my business since asawa pa pala kita akalain mo yun. Anong nangyari sa lalaking sinamahan mo noo at dun sa batang pinag bubuntis mo noon.”
“Pumirma ka na dahil wala akong balak na makipag-tsismisan sayo.”
“Masyado ka naman nag mamadali. Bakit meron ka bang kasamang lalaki sa sasakyan mo. Sabik na sabik na ba kayong mag kantut*n sabihin mo bakante yung kuwar_______.” nahinto sa pag sasalita si Hunter ng sampalin niya ito.
“Let me remind you! Bago ko sinabi sa’yo na I’m having an affair mas nauna kang nag loko kaya wag mo isisi sa akin lahat ng mali. Ikaw ang unang nag loko kaya pirmahan mo na ito bago ko pa lahat maalala ang mga pinag gagawa mo.” galit na sigaw ni Hailey na isinaksak sa dibdib nito ang ballpen at papel pagak naman na tumawa si Hunter.
“I’m never cheated on you, at hindi ko rin ginusto na makipag divorce sayo noon kahit na didiri na ako sayo. Wag mong ibintang sa akin ang kalandian mo, napilitan lang akong pirmahan ang divorce na yan dahil mas ginusto mo pang mamatay kesa ang makasama ako. Mukha ka kasing pera kaya mag dusa ka ngayon kung noon nadaan mo ako sa kadramahan mo. Ngayon ka mag pakamatay baka tawanan pa kita.” wika pa ni Hunter sabay sarado ng pinto at ini-lock pa nito saka nag tungo sa ref at kumuha ng tubig dahil sumasakit ang dibdib niya dahil sa bilis ng t***k pero bago pa siya maka inom pumasok na babaeng kay tangal niyang gusto muling makita,
“Next time you lock someone outside make sure na wala siyang duplicate key.” wika pa ni Hailey habang hawak ang spare key ng maindoor na ikinamura ni Hunter.