Malawak ang ngiti ni Hailey habang nasa isang celebirty party at nakikipag bunguan ng siko sa mga sikat na personalidad sa showbiz. Sino mag aakala na ang isang dating simpleng babae na assistant photographer lang noon ay isang sikat na sikat na ngayon photographer ng halos lahat na ng artista sa bansa. Pinag aagawan na s’ya ngayon ng mga magazine company hanggang sa Paris at nabansagan na s’ya ng superstar photographer.
Sikat siya hindi lang sa mga magaganda at high quality na mga larawan n’ya kundi na din sa maganda n’yang mukha at sa taglay n’yang ka sexyhan na kahit nag tatago s’ya sa maluluwag na fashion style outfit hindi maitatangi na meron s’yang mala pang Ms. Univers na katawan.
No one knows na meron na s’yang anak na itinatago sino bang nakakakilala kung sino ba ang tunay na Hailey Navarro. Ang tanging alam ng lahat isa lang s’yang simpleng babae na galing sa Calamba, Laguna na nangarap na maging isang sikat na photographer dito sa Pilipinas and she finally did it. 1-year lang s’yang nag effort at ipinakita n’ya ang best n’ya at dahil mabait ang mentor n’ya binigyan agad s’ya ng break ng makitaan ang potential na meron siya.
Bata pa lang s’ya pangarap na n’yang maging photographer kaya naman noon kabataan pa niya binilihan na s’ya ng magulang niya ng camera ngunit nasira iyon dahil sa isang lalaki. Isang lalaki na naging parte ng buhay n’ya, isang lalaki na inakala n’yang makakasama na n’ya habang buhay at isang lalaking labis n’yang minahal. Isang lalaki na ibinaon na niya sa limot sa loob ng 10 years.
“Ms. Navarro can you take just this one project for me? Please?” paki-usap pa rin ng isang kaibigan na taga ibang magazine na ilang araw na siyang pinipilit na tanggapin ang offer nitong project na talaga naman hanggang dito sa party bitbit pa rin nito ang propolio na ikinukulit nito sa kanya napangiti naman si Hailey.
“I told you my schedule is already packed for this year, you already know that. If I take it, it’ll affect my other projects.” ani Hailey na pinisil pa sa braso ang kaibigan na manager.
“I’m very much aware of that but our company only wants to work with you.” giit pa rin nito. Umiling naman si Hailey na still nakangiti pa rin.
“I can’t do it, tell them I’m sorry.”
“Okay! Okay ganito na lang how about you decide on the concept and your assistant takes the photos kasing galing mo din naman s’ya when it comes to quality. What’s it called? A creativeness.” turan pa nito napa isip naman si Hailey.
“No, still no. She’s good pero ayokong malagay sa alanganin ang assistant ko because she so dear to me. Puno na talaga ang workload ko kaya pasensya na talaga.” sagot n’ya saka nag excuse and save by the bell sa wakas dumating na ang iniintay niya mula pa kanina.
“Babe.” malawak ang ngiting salubong sa kanya ni Shawn na agad siyang hinalikan sa labi sabay yakap.
“I’m sorry, I’m late.” ani Shawn na muli s’yang hinalikan sa gilid ng tenga.
“Akala ko nga hindi ka na darating uuwi na sana ako.” kunwaring nag tatampo na wika ni Hailey. Agad naman na bumati ang mga kaibigan nila sa kanila ng makita silang magkasama. Si Shawn ang bagong love of her life nakilala niya ito sa isang fashion show and they fell in love instantly dahil na kay Shawn na ang lahat ng katangian ng isang lalaki na papangarapin ng isang babae. Rich, handsome, powerful and famous. Tumatakbo itong mayor ng Makati at balak nitong palitan ang ina nitong matatapos na ang termino. Malakas ang pangalan nito kaya malaki ang chances na manalo ito sa botohan. Ang pamilya ni Shawn ang isa sa may ari ng malalaking sikat na food franchise sa Metro Manila, kaya sino ba naman siya kung mag iinarte pa s’ya at aayawan ang isang tulad ni Shawn kaya naman ng mag sabi ito na gusto siya at kung puwede siyang maging girlfriend agad-agad siyang pumayag kahit walang ligaw-ligaw.
At ngayon 8-month na silang mag boyfriend at girlfriend. But still hindi pa rin niya maamin dito ang tunay niyang nakaraan. Hindi rin niya magawang maki pag s*x rito dahil natatakot siya na madiskubre nito ang totoo. Ilang beses ng muntik na may mangyari sa kanila buti na lang nagagawa niyang pigilan ang sarili dahil hindi pa siya handang aminin dito ang tungkol kay Honey. Nag iwan kasi sa katawan niya ng marka ang pag bubuntis niya kay Honey na kaya naman na niyang ipatanggal pero ayaw niya dahil proud siya sa mga stretch mark niya dahil isa iyong patunay na isa na siyang ina. At hindi niya kailangan itago pero sa ngayon hindi pa rin niya kayang ipakita kay Shawn. Hindi pa siguro ito ang tamang panahon.
******************
“Saan ba tayo pupunta Shawn?” tanong ni Hailey habang inaalalayan siya ng nobyo habang may piring ang mga mata niya. Nag yaya na itong umalis ng party dahil meron daw itong surprise sa kanya. Malamig ang simoy ng hangin kaya tiyak niyang nasa labas sila pero kung saan parte ng Manila hindi niya alam, meron siyang naririnig na tunog ng mahinang alon kaya sure siyang nasa tabing dagat sila. Ano kayang meron, mag popropose na kaya ito my god mag oo na ba agad siya o mag papakipot.
“Oh! Teka lang wag mo akong bitawan.” wika pa ni Hailey pero binitawan na siya ni Shawn sabay utos nito na puwede na daw niyang alisin ang blind fold niya. Kasabay ng pag alis niya ng blind fold ang isang malamyos na musika galing sa isang orchestra na natugtog ngayon sa harapan nila habang naka luhod si Shawn sa harapan niya. Kasabay ng magagandang fireworks sa kalangitan ang kislapan ng mga camera sa paligid nila habang nag popropose si Shawn na hindi niya malaman kung kikiligin ba siya o maiirita sa dami ng reporter sa di kalayuan at maraming tao sa paligid na parang na nonood ng shooting. Mas maganda pa siguro kung sila lang dalawa at tahimik lang ang paligid tapos may music baka kikiligin pa siya kapag ganun. Kasunod nung ang pag lipad ng malaking tela na naka takip sa isang side ng wooden deck sa tabi ng beach. Umawang ang bibig niya ng makita ang isang magandang yate na may pangalan niya at pangalan nito.
“Will you marry me?” napatingin si Hailey kay Shawn at gusto sana niyang mag no dahil hindi niya na feel yung pa proposal nito instead na alala pa nya si Hunter ng mag propose ito sa kanya noon na hindi man kasing garbo na tulad nito pero napaiyak siya sa tuwa at sobra siyang kinilig.
“Yes,” sagot na lang niya para lang wag mapahiya si Shawn sa dami ng camerang nakatutuk sa kanila. Tuwang-tuwa naman si Shawn na tumayo at hinalikan siya sa labi na may pag buhat pa kanya sabay ikot. Na cornihan siya ng bongga para kasing hindi na makatotohanan ang lahat parang palabas na lang na lang.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
“I saw you in TV.” bungad agad ng anak niya ng maka-uwi siya sa bahay nila. Agad naman siyang nag thank you sa babysitter na inuupahan niya para mag-alaga sa anak niya habang nag tatrabaho siya.
“Have you told him about me.” napakagat labi naman si Hailey na alanganin na ngumiti na umiling.
“So, anong balak mo? Mag papakasal ka sa kanya at paninindigan na pamangkin mo lang ako.” nakasimangot na tanong ng 10 years old na batang babae.
“Syempre hindi ganun yun, mag-aasawa lang ako kapag minahal ka din nila.”
“Paano nila ako mamahalin kahit sarili kong tatay hindi ako kilala.’ wika ni Honey na tumalikod na at iniwan na siya. Nasapo naman ni Hailey ang batok n’ya saka napatingalan sa kisame.
Alam ng mga magulang niya ang tungkol kay Honey pero si Hunter wala itong alam na nag buntis siya ng mag divorce sila at iwan niya ito sa Laguna. Hindi na niya sinabi dahil ayaw na niyang magkaroon pa ng dahilan para mag dugtong pa ang buhay nila. Ngunit tingin niya alam ni Hunter na nag buntis siya pero sa paniniwala nito hindi ito ang ama kaya hindi na rin ito nag habol. Pero lumalaki na si Honey at hinahanap na nito ang ama na hindi naman niya inilihim rito ang dahilan. Ipinakita din niya ang lawaran ng ama nito kaya kahit paano kilala ni Honey sa picture ang ama. Sinabi niya ang totoo na bunga ito ng pagmamahalan nila noon ni Hunter at walang mali sa Papa nito. Sadyang hindi na lang niya kinakaya ang lahat noon, nag-aaral noon si Hunter kaya lagi siyang naiiwan na mag isa sa bahay kasama ng tita nito. Hindi sila mahirap at hindi mayaman, mataas ang pangarap niya pero dahil mahal niya si Hunter pinilit niyang kalimutan ang pangarap niya para makasama lang ito. Ngunit nangyari na ang nangyari pinili niyang saktan si Hunter para sagipin ang sarili niya at wag mag mukhang kaawa-awa.
“Gusto mo bang umuwi tayo ng laguna ngayon Christmas.” tanong niya sa anak ng sundan niya ito sa kuwarto na bigla nitong ikinalingon at biglang lumawak ang ngiti na kinabakasan ng excitement ang magandang mukha ng anak.
“Okay were going home.” masayang turan ni Hailey kaya naman tuwang-tuwa na tumakbo ang anak at mahigpit siyang niyakap ng anak.