Episode 7-Father's instinct

1442 Words
"Hello po, fancy meeting you here sir." napalingon naman si Hunter sabay yuko ng marinig ang boses ng isang batang babae na agad ikinangiti ni Hunter na mabilis na iniluhod ang isang tuhod para makatapat ang batang babae na may dalang isang slice ng pakwan na mapula na iniumang sa kanya at ibinibigay. "Sa'yo na lang hindi kasi ako nakain niyan." biglang nalungkot ang mgandang mukha ng batang babae kaya nakonsensya naman si Hunter na kinuha ang pakwan na sinimulan kainin kahit allergy siya sa pakwan. Nakita naman siya ng isang staff na nakakaalam na hindi siya puwedeng kumain ng pakwan. Nag mamadali itong tumakbo ng senyasan niya na agad naman nitong na intindihan ang ibig niyang sabihin. "Masarap po ba?" "Oo, sobra ang tamis. Gusto mo share tayo," inilapit pa ni Hunter ang pakwan sa bibig ng batang babae na ngumiting umatras na umiiling. "Sabi ng mommy ko hindi ako puwedeng kumain niyang kasi mamatay ako, titigil po ang t***k ng puso ko." wika pa ng batang babae na ikina-gulat at mangha ni Hunter. Parehas pala silang may allergy sa pakwan ng bata kaibahan lang siya kasi mild lang kaya pa ng mga gamot kasi pantal-pantal lang pero according sa batang babae, ikamamatay nito ang pagkain ng pakwan ibig sabihin may severe ang allergic reaction nito kesa sa kanya. "Taga saan ka?" tanong ni Hunter na inakay ang batang babae na maupo sa receiving area kung saan meron living room para sa mga guest ng resort na nag che-check-in sa resort niya or nag papa book. Pinka waiting area para sa lahat may mga couch at mga magazine at meron din naman malakas 75 inches na TV na puwedeng panoodan habang nag iintay. "D'yan-dyan lang po." natawa naman si Hunter sa sagot ng bata. "D'yan-dyan lang hindi ba puwedeng malaman kung saan? Alam mo kasi marami akong kakilala dito. At hindi sa pag yayabang the Vista Alegre is owned by me," proud na wika ni Hunter, noon Pool Park lang yun na luma na sikat na sikat noon kabataan pa nila pero napabayaan at nalulung sa sugal ang dating may ari kaya ng malaman niyang ibenebenta iyon noon. Agad-agad binili niya iyon gamit ang pera minana niya sa mga lolo at lola niya. Anak siya sa unang asawa ng papa na sa Singapore na nakatira kasama ng bago nitong pamilya. Naiwan siya sa pangangalaga ng lolo at lola niya magulang ng ina niyang namayapa noon 5 years old pa lang daw siya. Nang mamatay ang lolo at lola niya hindi niya alam na meron palang nakatagong yaman ang mga ito sa Tarlac. Mayaman din naman ang Papa niya pero ayaw niyang lumapit rito dahil ayaw niya na hawakan siya nito sa leeg at manduhan kaya mag-isa niyang itinaguyod ang sarili. Although binibigyan naman siya ng allowance ng ama buwan-buwan hindi na lang niya gina-galaw dahil nag maayos naman ang trabaho niya at ng maka-ipon na siya ng sapat na pera nag take siya ng MBA dahil gusto niyang umangat pa ang kaalaman niya. At nag bunga naman ang pinag hirapan niya gamit ang pera na minana niya sa lolo at lola niya napalago niya iyong ng mabuti at halos triple na ang inilaki nun sapol ng bilihin niya ang resort at mas napalaki pa niya ng husto. Binili na halos din niya ang mga karatig na barangay ng resort niya para sa expansion kaya ngayon ang resort niya ang most visited tourist spot ng laguna ang Vista Alegre. Ilang beses ng na features sa tv ang resort niya dahil sa sobrang laki at ganda. Luxurious ang datingan ng resort pero in affordable price lahat ng klase ng tao puwede pero s'yempre for safety purpose na din ng mga guest na mga taga high society. Masakit mang tanggapin ang katotohanan na hindi mo talaga puwedeng ihalo ang mayayaman at sosyal sa mag middle class family or lowest class. Kaya bukod ang entrance ng mga taga high society sa normal park at mahigpit din ang security sa parte ng rich and famous. Although meron ilang amenities ng resort ang puwede kahit sino depende na lang sa mga taga high society kung gusto ng mga itong humalo sa mga hindi kauri ng mga ito. Sa mga interview hindi siya ang humaharap kundi si Efren, ito din ang akala ng lahat na may-ari ng resort. Efren is his assistant/kapatid sa ina. Ito ang front face niya dahil ayaw niyang may maka-alam na siya ang nasa likod ng success ng Vista Alegre although marami din naman nakakaalam na siya talaga ang may ari lalo na ang mga circle of friends niya na halos puro mag kakamag-anak naman sila na nag tatrabaho sa loob ng resort. Hindi na siya kumuha ng iba, tinulungan niya ang buong angkan niya at angkan ni Hailey na kahit sumagad hanggang langit ang galit niya kay Hailey noon hindi nag bago ang pakitungo niya sa lahat ng angkan ng asawa dahil lahat naman ng mga ito naging mabuting tao sa kanya. Hindi siya yung tipo ng tao na kasalanan ng isa kasalanan ng lahat. "Ano po ang Vista Alegre?" napakamot naman ng ulo si Hunter, hindi pala nito alam. Labas masok ito sa resort niya pero hindi nito alam ang Vista Alegre. Madalas niya itong natatanaw sa loob ng resort niya kaya he assume na marahil anak ito or kamag anak ng mga staff niya na marahil nag babakasyon since christmas vacation ngayon. "Ito. Itong resort na ito kung saan ka palaging nag lalaro at nag s-skating." namilog ang bibig ng batang babae na parang nagulat. Lumapit naman si Efren na hinihingal pa na inabot sa kanya ang isang pill na agad niyang ininom bago pa siya atakihin ng allergy niya. "May sakit ka po?" biglang nag-aalala ang batang babae na napahawak sa braso niya na ikinagiti. Inabot naman niya kay Efren ang balat ng pakwan saka ito tahimik na umalis na kinindatan pa ang batang babae. "Wala akong sakit, yung gamot na ininom ko vitamin lang yun." pag sisinungaling naman ni Hunter. "Wag ka pong magkakasakit hmmm! Mag promise po kayo sa akin na magiging healthy kayo hanggang sa paglaki ko." kumunot ang noo ni Hunter ng makita ang pangingilid ng luha ng batang babae na mabilis na pinalis ang luhang umagos na yun sa pisngi ng tuluyan na bumagsak. At ewan ba niya pero parang na dudurog ang puso niya habang tinititigan ang batang babae na parang gusto siyang yakapin pero nag pipigil. "How old are you? Ang sabi mo noon mas guwapo ako sa personal. Saan mo ako unang nakita?" "Sa picture po." "Kaninong picture?" "Bunso! Halika na nandiyan na ang lola mo uuwi na daw kayo." tawag ni Ditas na papalapit na bumati pa sa kanya ang isang cabin crew na halatang umiwas ng tingin sa kanya na pinag taka ni Hunter na hindi naman gawain ng mga staff niya. "Aalis na po ako babye po." wika ng batang babae na tumayo na sa pag kakaupo napatingin pa siya sa kamay nito habang papalayo. Nag muwestra kasi ito ng parang number 3 at mula sa bilog na butas ng thumb finger at index finger nito doon ito sumilip na parang sinisipat siya. Dahilan para kumabog ng husto ang puso niya na napatayo na napasunod ng tingin sa batang babae na papalayo na habang akay-akay ni Ditas. "May problema ba kuya?' tanong ni Efren ng muli itong lumapit sa kanya. "Kilala mo ba ang batang iyon?" "Hindi pero lagi ko siyang nakikita dito sa resort minsan kasama ni Kuya Keil or minsan ni Tatay Puroy." tukoy pa nito sa ama ni Hailey. Wala naman sa loob na humakbang na siya palabas ng receiving area pasunod kila Ditas, iba ang kalabog ng puso niya habang isa-isang pinag tutugma niya sa isip niya ang mga maliliit na detalye na alam niya. Pakiramdam niya nag sisikip ang dibdib niya habang papalapit siya ng papalapit sa gawi ng mga ito. "Lola." malakas pang sigaw ng batang babae. "Naging good girl ka ba dito sa tito Keil mo?" "S'yempre naman po, si Mommy po umuwi na po ba?" "On the way na daw siya kay uwi na din tayo_______ Hunter." mahinang usal ni Veron makita si Hunter na tumatakbo palapit sa kanila hanggang sa huminto na ito at bumagsak na naka luhod sa harapan ni Honey na hindi malaman kung paano hahawakan ang apo niya. Hanggang sa hindi na napigilan ni Hunter ang mapahagulgol na lang ng iyak sa harapan ng sarili nitong anak. "Sorry! Sorry! Sorry!" sunod-sunod na usal ni Hunter habang malakas na umiiyak. "Daddy." turan naman ng bata na mabilis na yumakap sa leeg ng ama at nag-iyakan ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD