"Hindi namin intensyon na itago sa'yo ang totoo Hunter, alam namin kung paano ka sinaktan ni Hailey noon at alam namin na patuloy ka pa rin na nasasaktan kahit hindi mo man sabihin." wika ni Veron habang pinapanood nila si Honey na nag lalaro sa bubble fountain na binubuksan tuwing alas 3 ng hapon. Busy ito sa pag lalaro ng bula habang si Hunter ay panay pa rin ang agos ng luha habang nakatanaw sa anak.
Na aalala niya hindi lang yata 100 beses niyang ipinanalangin noon na sana makunan si Hailey, dala ng sobrang galit ilang beses niyang ipinag dasal sa isipan niya na sana mamatay na lang ang bata sa sinapupunan nito para makayanan pa rin niyang tanggapin si Hailey sa kabila ng lahat ng ginawa nito. Sobrang mahal niya si Hailey kaya hindi niya kaya itong mawala sa kanya, tatanggapin na lang niya na nag kasala ito na kaya naman madala sa ligo lang pero ang inakala niyang ibedensya ng pag tatalsik nito ang hindi talaga niya magawang tanggapin noon. Kaya sa bawat araw na dumadaan ipinapanalangin niya na sana mamatay na lang ang bata para madali sa kanya na kalimutan ang pang loloko nito sa kanya.
At heto ngayon ang batang ipinalangin niya na sana mamatay na lang, ang sampung taon gulang na batang babae na kahit minsan hindi niya ginustong makita. Muling napahagulgol si Hunter na napahawak sa dalawang hita niya na napayuko, mula paa hanggang ulo ang galit niya kay Hailey dahilan para madamay ang bata sa sinapupunan nito noon.
"Ginusto lang namin na protektahan si Bunso laban sa sigalot niyo ni Hailey, labas siya sa away n'yong dalawa." sunod-sunod ang tango ni Hunter. Malinaw niyang na uunawaan ang point ng mga ito kaya walang sinabi ang mga ito sa kanya kahit minsan ng tungkol kay Hailey. Naki-usap din kasi siya noon sa mga ito na wag ng babanggitin ang pangalan ni Hailey kung talangang nag aalala ang mga ito sa kanya. Hindi niya ginusto na may marinig pang tungkol kay Hailey ng umalis ito ng Laguna at sumama sa isang lalaking ipinakilala nitong nobyo sa mga pamilya nito noon.
"Paano kung hindi talaga nag loko si Hailey? Paano kung nasawa lang talaga siya sa buhay na kaya kong i provide sa kanya Nay?" hindi naman naka sagot ang matandan na ikinalingon ni Hunter.
"Hindi kita kayang sagutin sa tanong na yan Hunter, si Hailey lang makakasagot niyan sa'yo. Ang malinaw lang sa amin talaga pinili ni Hailey na iwan ka noon para matupad ang pangarap niya na ngayon ay nakuha na niya." pinunas ni Hunter ang mga luha niya.
"Tama na Hunter, kung ano man ang iniisip mo kalimutan mo na! Pinili kang iwan noon ni Hailey, pinili ka nyang saktan dahil sa pang sarili niyang kagustuhan."
"I don't think so Nay, tingin ko may kinalaman din ang lahat ng isinusumbong niya sa akin noon tungkol kay Tita Rea pero mas pinaniwalaan ko noon si Tita, hindi ko pinakinggan ang lahat ng explanation ni Hailey baka talagang ako ang may problema Nay." napabuga ng hangin si Veron.
"Hunter."
"Aayusin ko ang pamilya ko Nay,"
"Hijo, ikakasal na si Hailey at one of this day pupunta daw dito ang nobyo niya. Wag mo ng gawin muling sariwa ang sugat sa puso mo."
"May anak kami Nay,"
"10 taon na ang lumipas, hindi mo ba nakikita _____."
"Kasal pa rin kami ni Hailey, Nay." giit ni Hunter.
"Hunter naman."
"Gagawin ko ito para sa anak namin, ayoko na may kilalanin siyang ibang ama. Ako lang ang tatay niya." napabuga naman ng hangin si Veron ng makitang desidido si Hunter sa gusto nitong mangyari.
"May hihingiin lang po sana akong pabor Nay." ani Hunter na nag tutuyo ng luha nito sa pisngi gamit ang sariling mga palad.
"Wag n'yong sabihin kay Hailey na alam ko na ang tungkol sa anak namin. Please po!"
"Otoy naman."
"Sige na nay, kailangan ko munang ayusin ang relasyon namin ni Hailey." napipilitan naman na tumango na lang ang matanda, lumapit naman si Hunter sa anak niya at kinausap ito ng masinsinan na kailangan hindi muna malaman ng ina nito na magkakilala na sila. Na ngako siya sa anak na aayusin niya ang pamilya nila at iyon din ang pakiusap ni Honey na pigilan daw niya ang ina nito na makasal sa Mayor daw na boyfriend ng ina na ngako naman siya na gagawin niya ang lahat para pigilan ang kasal ng dating asawa sa ibang lalaki.
-
-
-
-
-
-
-
-
"Mama, Mama." tawag ni Hailey habang papasok ng bahay, pagod na pagod siya sa biyahe. Hindi kasi siya nag dala ng kotse niya dahil hindi niya kabisado ang daan at may bundok na dadaanan na tatakot siyang mag biyahe ng malayo kaya umarkila na lang siya ng sasakyan niya pero kahit naka upo lang naman siya na pagod parin siya ng husto. Bumalandra na siya ng higa sa sofa nila ng padapa dahil sa pagod sobrang traffic pa kanina sa dinaanan niya kaya yung akala niya 5pm na uwi niya, inabot pa siya ng 8:30pm wala pa siyang matinong kainin. Tapos nasayang lang ang punta niya ng Tayabas dahil hindi daw dun umuwi ang babaeng pakay niya sa Polilio Island daw, juicko hindi naman para sundan pa niya roon ang mesang iminamaktol ni Hunter. Kung gusto nito igagawa nalang ulit niya ito ng bago pirmahan lang ito ang divorce paper nila.
"Ano pagod na pagod ka? Pag hahain na ba kita ng hapunan." bungad ng ina na lumabas galing sa kusina.
"Anong ulam natin?"
"Tokwa at baboy na tinoyoan ang nirequest ng kuya mo na ulam."
"Si Honey po kumain na?"
"Oo naman kasabay namin kanina tulog na ng silipin ko ngayon-ngayon lang." napabuga ng hangin si Hailey parang gusto na lang niyang matulog at wag ng kumain pero gutom na talaga siya. Lumangitngit naman ang pinto ng screen door nila ng may pumasok.
"Hoy! Nakakadiri ka dun ka sa kuwarto mo buti sana kung makinis puwet mo kita naman ang kurukutong." wika ni Keil na dinampot ang throw pillow na ibinato sa kapatid na nakadapa sa sofa.
"Hoy! Mas makinis pa ang puwet ko sa mukha mo." naka pikit na sagot ni Hailey na walang pakundangan na itinaas ang suot ng laylayan ng short kasama ang suot na itim na cycling para ipangalandakan sa kapatid na makinis ang puwet niya.
"Hala! Ay wala ka talagang kahiya-hiya. Hoy! Umayos ka baka tigasan ang kasama ko sa'yo." bulalas ni Keil na ikinadilat ni Hailey na lumingon. Shock na shock naman na biglang napa bangon si Hailey ng makita si Hunter na naka ngisi na naupo sa single sofa na itinaas pa ang paa sa center table. May pag kindat pa itong na lalaman na literal na tumingin sa hita niya na halatang minamanyak talaga siya.
"Mukhang pagod na pagod ka Garutay." umasim naman ang mukha ni Hailey na napalingon kay Hunter.
"Oo, nanlalaki ako happy?"
"Sana isinama mo dito ang lalaki mo para naman makilatis kung sino ang ipapalit mo sa akin. Mag-iinom kami ni Keil,"
"Hindi pa ba sunog ang mga baga at atay n'yo sa alak at yosi."
"Hindi ka naman ang mamatay kaya wag kang paki-alamera." sagot ng kuya niya na may bitbit ng alfonso na sikat na sikat sa mga tomador sa kanila.
"Baka na lilimutan mo na may bat______." naputol ang sasabihin sana ni Hailey ng mapatingin kay Hunter.
"Lumayo kayo dito dun kayo sa kubo mag-inom at mag yosi." ani Hailey sabay tayo na para magtungo na sa kusina.
"Nakita mo ba ang mesa ko?" tanong pa ni Hunter.
"Ibabalik ko sa'yo ang mesa mo mag intay ka lang."
"My offer is still up pumunta ka lang sa bahay kung mag babago ang isip mo." wika pa ni Hunter na tinitigan pa siya na parang hinuhubadan. Kung hindi pa ito binatukan ni Keil hindi pa ito titigil sa pang aasar sa kanya,
"Kita tayo bukas landiin mo ako kung kaya mo malay mo ma papirma mo ako." kindat pa ni Hunter sabay talikod na sumunod sa kaibigan. Pakiramdam naman ni Hailey lalo na siyang napagod dahil sa sinabi ni Hunter na tingin talaga sa kanya napakalandi niyang babae.
"Deserve mo yan... tiisin mo!" bulong pa niya sa sarili na napailing na lang na tumuloy na sa loob ng kusina.