Takbo lang ng takbo si Clara. Malas pa dahil walang dumadaang taxi na pwede niyang sakyan pauwi. Nasaktong gabi rin ang pasok niya kaya naman madilim ang tinatahak niyang daan.
Natigilan siya ng may kotseng nakasunod na pala sakaniya. Kabadong-kabado siya sa mga oras na ito. Paano kung ito nga ang lalaking humahanap sakaniya? Anong gagawin niya upang muling makaligtas? Tuluyan na nga ba siyang makukuha?
Malakas na bumusina ang kotse ng pasimple siyang lumakad, baka kasi masyado lang siyang halata. Ito ang hirap kay Clara! Hindi siya nag i-ingat ng mabuti.
Napasalampak siya paupo sa kalsa sa sobrang panginginig ng kaniyang mga tuhod.
"Tingin mo ba ganun ako katanga para hindi ka mahanap?" Nakangising tanong ng estrangherong lalaki. Ito rin ang lalaking dumukot sakaniya at gumahasa!
Ganitong-ganito ang maskara na suot ng lalaki. Dejavu ba ito? Mauulit na naman ba ang pag durusang sinapit ni Clara? Iisa lang ba ang lalaking dunukot at gumahasa sakaniya dun sa lalaking bumili sakaniya?
"Hindi Sarah ang pangalan mo." Madiin siyang hinawakan nito sa panga. "Finally I found you, Clara." Malamig na saad nito bago pinahid ang luha niya. "Ngayon ako naman ang maniningil sa kabayaran mo."
"Maawa k-ka.. W-wag p-po! May pamilya pa akong binubuhay!" Nag lulumuhod na pakiusap ni Clara. Pinag kiskis niya ang kaniyang dalawang kamay habang patuloy ang pag-agos ng kaniyang luha.
"Dalawang taon mo akong tinatakasan, pero ngayon? Sakin kana. Isang milyon ka Clara, sold kana matagal na."
"Sino kaba t-talaga?!" Humahagulhol na tanong ni Clara.
"Ipasok sa kotse." Galit na utos nang misteryosong lalaki sa mga kasamahan niyang tauhan.
"Ayoko! Pakawalan nyo ako! Parang awa nyo na p-po!" Sumisigaw si Clara ng malakas habang nag pupumiglas. Ngunit malalakas ang mga lalaking may hawak sakaniya.
Napilit siyang isakay ng mga ito. Habang ang lalaking may pakulo nang lahat ay nakatitig lamang sakaniya. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa nakatakip na maskara.
Dahil sa malabis na pagod sa pag-iyak ay nawalan na siya ng malay. Dala narin nang pagod at puyat dahil sa alalahanin niya sa araw-araw.
Nagising si Clara na nakatali sa kama. Hubo't hubad narin siya kaya naman muling gumapang ang takot sakaniyang buong katawan.
Walang puso!
Ito ang isinisigaw ng kaniyang isipan. Napakademonyo ng lalaking iyon para pag laruan at parusahan siya ng ganito.
"Gising kana pala."
Hindi makapaniwala si Clara. Tama pala ang nararamdaman niyang kaba sa lalaking nasa restaurant. Ito nga ang lalaking humahabol sakanila! Ngunit ang lalaking ama ng kambal niya ay ang hindi pa niya sigurado kung i-isa lang ba sila.
"Kaya kong bayaran 'yung isang milyon. Mag sisikapa ako, parang awa mo na pakawalan mo lang ako! Bigyan mo ako ng isang buwan!" Muling pakiusap niya. "Pangako, ibabalik ko."
"Hindi mo parin ba maintindihan?"
"Ang ano?" Takot na takot na tanong ni Clara.
"Ako parin 'yung gumahasa saiyo bago ka mag disi-otso. Ako parin ang misteryosong lalaki na 'yon. Kaya nga bakit mo ako tinakasan? Bakit hindi tinupad ni Oscar ang pangako niya? Kung tutuusin ang napakaswerte ng magiging buhay mo sakin."
"Anong swerte rito?!" Galit na tanong ni Clara.
"Pero sinagad mo ang pasensya ko kakahanap saiyo kaya mag dusa ka." Umiba ang awra nito. "At oras na malaman kong may itinatago ka pa sakin. Hindi ako mag dadalawang isip na patayin ka." Banta nito na mas ikinatakot ni Clara.
"S-sino ka? At bakit mo ginagawa ito sakin?" Lakas loob na tanong niya.
"Do you really want to know me?"
Napatango si Clara.
"Garrett," tipid na sagot nito. "Ito lang muna sa ngayon, at kung gusto mo pa akong kilalanin. Be a good girl, and I will tell you the truth."
Hindi na kumibo si Clara. Wala siyang alam niya na naging kaaway n'ya. Maayos naman ang pamumuhay niya kahit na mabisyo ang kaniyang tiyo Oscar. Hindi rin naman siya nakatungtong ng kolehiyo at maging high school ay hindi niya na tapos.
At ngayong nakuha na siya ng binata ay makakalaya pa kaya siya? Paano naman ang nag aalala para sakaniya? Ang dalawang matanda at ang kambal niya. Tiyak na iiyak ang mga ito kapag hindi siya nakauwi.
Ngunit kung ang pag tatago sa kambal ang mas makakabuti ay gagawin ito ni Clara. Hindi man siya makauwi na, basta safe ang mga anak niya ay magiging masaya narin siya.
"Nag bunga ba?"
Natigilan siya sa pag-iisip.
"Ang a-alin?" Patay malisyang tanong niya.
"May naging anak ba tayo?"
"Wala." Matigas na sagot ni Clara bago nag iwas ng tingin. "At hinding-hindi ko rin matatanggap kung meron man! Ipapalaglag ko kahit na masakit sa kalooban ko dahil kinasusuklaman kita Garrett!"