Prologue,

682 Words
"Mag impake kana!" Bulyaw ng tiyo niyang si Oscar. Nanginginig ito sa takot at hindi malaman ang gagawin. "B-Bakit po tiyo?" Kinakabahang tanong niya habang pinagmamasdan ang tiyo niyang hinahablot ang kaniyang mga damit upang ilagay lahat sa maleta. "Hindi kana birhen at nag bunga pa! Tatanga-tanga ka kasi eh!" Inambahan siya ni Oscar ngunit natigilan din. "Ako ang malilintikan Clara! T*ngina! Nag ingat ka naman sana at hindi mumula-mulala." Napayuko ako. "Tiyo bubuhayin ko po 'yung bata. Ayoko pong sumama sakanila," umiiyak na pakiusap ni Clara. Nag lumuhod na siya sakaniyang tiyo dahil sa pagmamakaawa. "Pakiusap po hayaan nyo na akong mag tago." "Dalian mo." Hinila siya ni Oscar dala ang maleta. Binigyan siya nito ng dalawang libo ng maihatid sa sakayan ng bus. "Mag pakalayo-layo ka. Huwag kang mag papahuli, tandaan mo iyan Clara. Mahirap silang kalaban, papatayin niya tayo kapag nalaman niyang niloko ko s'ya." "Tiyo paano ka?" Umiiyak na tanong niya. "Sumama kana po sakin." "Umalis kana, sige na." Pinilit siyang ipasok ni Oscar sa bus. "Huwag kang aamin! Sabihin mo ay hindi mo ako kilala! Mag tago ka Clara, ito na lamang ang maitutulong ko sainyo ng batang 'yan." Napahagulhol na lamang si Clara. Sa huling sandali ay nayakap niya ang tiyo niyang si Oscar. Sa huli ay nangibabaw parin ang maging magka dugo nila. Hinayaan parin siya nito, at sapat na iyon para mapatawad niya ang kaniyang tiyo. Dalawang taon ang lumipas.. Nairaos ni Clara ang lahat ng hirap. Namalagi sila ng kambal niyang anak sa manila, sa mabait na matandang mag asawang. Walang mga anak ito kaya naman hindi na siya itinuring na iba ni Rigor at Gloria. Sa dalawang taon na lumipas ay naging malapit narin sa mag asawa ang kaniyang mga anak. Sa pagiging palaboy ay dito siya dinala ng tadhana. Sa lungsod kung saan mahihirapan siyang mahanap dahil sa laki ng manila. Maingat na maingat si Clara sa lahat ng taong makakausap niya. Hindi rin siya naging pala kaybigan upang maiwasan ang panganib na nakasunod parin sakanila. Lumaking malusog na bata si Chloe at Sage. Dala ng mga ito ang apelyido niya at kahit na bunga ito ng bangungot niya ay minahal niya ang kambal niyang anak. Ito na ang buhay niya ngayon. Nabubuhay sa takot. Ngunit nandiyan naman ang anak niya na handa siyang pasiyahin. Antala pa sa paglalakad ang dalawa at ang una nilang na sambit na salita ay ang "mama". Napakasarap sa tenga ni Clara sa tuwing tatawagin siyang Mama ng mga anak niya. "Pasok na po ako." Paalam ni Clara bago nag Mano sa dalawang matanda. Hinagkan niya sa pisnge ang kambal at lumabas na nang bahay. Kasalukuyan siyang pumapasok bilang waitress sa isang expensive na restaurant. Mahigpit ang proseso bago siya nakapasok kaya naman doble ingat si Clara na mag kamali upang hindi mawalan ng trabaho. "Table two!" "Clara table two daw saiyo na muna." Utos ng manager nila na si Samuel bago ibinigay ang menu sakaniya. Napabuga ng hangin si Clara. Lumapit siya sa table ng mag couple, at ngumiti. Ngunit nag laho ang ngiti niya ng mapako ang tingin sa binatang nakatitig rin pala sakaniya. "Do I know you?" Malamig na tanong nito. Tila ba gumapang ang kilabot sa buong pagka tao ni Clara. "H-hindi po, baka palagi nyo lang po ako nakikita. Madalas po kasi akong duty," kabadong sagot ni Clara. "What's the problem?" Tanong ng kasama nito bago napahawak sa kamay ng lalaki. "Do you know her?" May inis sa boses nang babae. "Parang," tipid na sagot nito bago bumaling sakaniya. "Aalamin ko mamaya." Wika pa nito kaya naman kamuntik ng mabitiwan ni Clara ang hawak niyang menu. "Tell us your name," mataray na utos ng babae sakaniya. "Sarah p-po." "Baka stalker lang. Alam mo naman panahon ngayon, madaming manloloko." "Hindi po ako manloloko, at hindi po ako ang taong namumukaan ninyo. Here's your order ma'am and sir, enjoy your meal." Agad na tumalikod si Clara. Mabilis isang lumakad palabas ng restaurant, at wala na siyang pake kung mawalan siya ng trabaho, pero hindi niya isusugal ang buhay nila ng mga anak n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD