Chapter 03
Kassandra POV
"H'WAG!" Napabalikwas ako ng bangon. Puno nang pawis ang buong katawan ko. Niyakap ang mga tuhod at ipinatong ang ulo sa mga iyon.
Napalunok ako. Pakiramdam ko'y nanakit ang lalamunan ko sa pagpigil ng emosyon.
It's been ten years.
Sampung taon na ang nakalipas. Akala ko limot ko na pero hindi pa pala.
Gano'n kahabang panahon na ang lumipas.
Pero bakit tila sa alaala ko'y kahapon lang iyon nangyari. Kahapon na hanggang ngayon ay sariwa parin. Ayaw akong hiwalayan ng masamang bangungot na iyon. Paulit–ulit ang mga eksena sa panaginip ko. Nakaposas ako at wala akong laban.
Sa nakalipas na sampung taon ay pinamanhid ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagiging abala. If only to live for a moment. Nabubuhay na lang ako ngayon para sa mga taong umaasa sa akin.
Hindi na para sa sarili ko. Kundi para sa kanila. Hindi ko na napigilan ang sarili napahikbi na ako. Sa dami–dami nang tao sa mundo, bakit ako pa? Napakamaalaga ko sa aking sarili pero isang gabi lang nadungisan ang p********e ko at naglaho lahat ng mga pangarap ko.
Pinalipas ko ang ilang saglit, noong makaramdam na ako ng konting kaginhawaan bumaba ako sa maliit na higaan. At nagdesisyong lumabas mula sa maliit na silid na tinutulugan ko. Napatingin ako sa orasan sa dingding, it was three in the morning. Hindi pa ako nakakadalawang oras sa pagtulog.
Bumaba ako sa makitid naming hagdanan. Humakbang ako patungo sa gilid ng hagdanan. Binuksan ko ang nakatabing na kurtina na ginawang pangharang sa dalawang taong natutulog sa maliit na papag.
Nakita kong magkayakap sina Nanay at ang anak kong si Beatha. Hindi alam nang anak ko na nakauwi na ako. Tulog na tulog na siya noong dumating kami ni Vicky kanina, hindi ko na siya inalis sa higaan ni Nanay. Para hindi ko madistorbo ang masarap niyang pagtulog.
Dahan–dahan akong naupo sa may gilid ng kawayang papag na hinihigaan nila at marahan kong hinaplos ang pisngi ni Bea. Napakagandang bata parang may lahing foriegner.
Kapag gising ito ang mga mata niya kasing kulay ng karagatan. At minsan naiisip ko siguro ang humalay sa akin ay amerikano kaya ganito ang naging hitsura ng anak ko.
Gumalaw si Bea at mabilis kong inalis ang kamay ko baka magising ko pa siya. Bago pa ako maiyak tumayo na ako at umalis.
Nagikot ang mga mata ko sa kabuoan nang bahay, kapag nakapag japan na ako mapapa–ayos ko na rin ang aming munting tahanan. Mabibigyan ko ng maayos na buhay si Bea.
Magpag–aaral ko siya sa magandang paaralan. Humakbang ako ng ilang dipa, sinilip ko ang Lola sa hinihigaan niya. Isa pa sa iniisip ko ang maintenance ni Lola Soleng sa hypertension niya at bukod doon mahina din ang puso niya. Inayos ko ang kumot ni Lola at hinagkan sa noo ang matanda.
Lumakad ako at nagtungo sa kusina at binuksan ko ang karton na may naglalaman ng konting grocery na pinamili namin ni Vicky. Nanghinayang ako sa ibang hair clip na binili ko naiwan dahil sa aksidente kanina.
Napangiti ako ng makaramdam ng kakaibang damdamin, damdamin na bago sa aking pakiramdam. "Kaydan?" Umiling ako. Matangkad, gwapo , matipuno at dark complexion pero may kakaibang mga mata.
Strange color, para sa isang Pilipino na kayumanggi ang kulay ng balat. Mga mata na parang lumiliwanag sa dilim. Kagaya ng mga mata ni Bea. Blue. Glacier blue.
Napapangiti ako at tila kinikilig habang isa–isa kong nilabas ang mga pinamili sa loob ng karton. Subalit napawi ang ngiti sa mga labi ko ng bumungad sa harapan ko si Vicky.
Ngunit hindi ko maintindihan ang sarili, kung bakit nga ba ako kinikilig? Puro pang insulto ang mga sinabi niya noon sa akin. Nang may magsalita sa likuran ko.
"Bakit gising kana?" Tanong ni Vicky at naupo sa kawayang upuan sa harapan ng mesa.
"Hindi ako makatulog," walang ganang sagot ko habang inaayos ang mga canned goods sa tray.
"Hindi ka makatulog o binabangungot kana naman," aniya at sabay hila sa isang balot ng slice bread sa ibabaw ng mesa.
Tumango ako sa kanya at matipid na ngumiti. "Hindi ko na alam ang gagawin ko lagi akong ginugulo ng nakaraan, Vicky!" Nalulungkot na wika ko sa kaibigan.
"Kung may maitutulong lang sana ako," sagot nito sabay buntong–hininga. "Sabi ko naman sayo, magpa–psychiatrist ka na baka matulungan ka, kung paano makalimot," suhestiyon nito.
Nagkibit ako ng mga balikat. "Ewan ko, Vicky. Wala akong sapat na ipon para magbayad ng doktor."
Lumapit siya sa akin at hinagod ang likod ko. "Nagutom ako sa mahabang biyahe natin kanina. Ang hirap kapag tama lang ang pera kailangang magtipid sa daan. Sama ka sa akin sa catering sa kabilang bayan at pagkatapos ipapasok kita sa mansiyon ng mga Madrigal. Nagpapahanap si Ate Bebang ng bagong kasambahay mga isang buwan lang daw tinitiyak naman niyang hindi magtatagal ang anak ng amo niya. Uuwi daw 'yung anak na pasaway. May pagkametikuloso sabi ni Ate Bebang. Gusto nang anak ng amo niya mayroon siyang personal maid ayaw daw niya paiba–ibang tao ang pumapasok sa silid niya."
Umismid ako. "Ayoko, tutulong na lang akong magturo sa daycare center kaysa maging amo ang ganyang tao. Habang hinihintay ko ang job application ko sa japan." Mariin na tanggi ko. Naghihimagsik ang dibdib ko sa hindi ko malaman na kadahilanan.
Tumayo si Vicky at lumapit sa akin at kinatok ang ulo ko. "Pansamantala lang while waiting ka sa tawag. Uuwi lang kasi at iyon ang request dahil ikakasal ang bunsong kapatid na babae kay Governor. Kilala mo si Pauline Madrigal, diba? Yong malditang si Pauline."
Hindi ko makuhang magsalita. Sino ba ang hindi nakakilala kay Pauline? Siya lang naman ang lagi kong kakompetensiya noong highschool. Sinubukang niya kaming bayaran noon ni Tatay sa harapan mismo ng aming adviser na 'wag kong tanggapin ang titulo na Valedictorian. Hindi matanggap ni Pauline na salutatorian lang siya. Sa galit na naramdaman noon ni Tatay sa kanya ay binato sa harapan niya mismo ang pera na tumama sa mukha mismo ni Pauline. Kaya galit na galit sa akin si Pauline at kulang na lang isumpa kaming dalawa ni Tatay.
Noong araw nang graduation namin, hindi sumipot si Pauline.
Alam ko rin na may tatlo siyang kapatid na lalaki at kasama doon ang kambal pero ang pagkaka–alam ko nasa maynila nag–aaral ang mga ito, kaya malimit na umuwi dito sa San Sebastian. Bukod doon nasa Maynila ang Pharmaceutical Company nila at nandoon sa Ayala Alabang ang mansiyon nila.
Ang bahay nila dito ay parang bahay–bakasyunan lang, isa itong ancestral house ng pamilya Madrigal. Sa nabasa ko noon sa artikulo na ang ina ni Pauline ay pure american pero dito na sa maynila nakabase simula noong ikasal kay Franco Madrigal.
Isa si Pauline sa mga natuwa sa nangyari sa akin noon. Pinagtawanan nila ako, kasama ang mga kaibigan niya nang makita nila na buntis ako.
Napasandal ako sa hamba ng pinto sa may kusina. May mukhang nagpipilit na gumuhit sa balintataw ko. Hindi lang malinaw sa isip ko ang lalaking nakita ko noon sa Pavilion Hotel kung saan dinaos ang bonggang eigthteen birthday ni Pauline at ang sabi nila Kuya ni Pauline ang sumasayaw sa kanya, parang hawig niya lang si Kaydan.
At kilala ko ang din ang mapa–pa–ngasawa ni Pauline---si Jacob. Nakikita ko lagi noon ang lalaki, dahil sa kanila nagtatrabaho si Tatay bilang driver noon at tindera naman si Nanay sa palengke.
I shook. Kung sa kanila ako magtatrabaho, 'wag na. "Hindi ako interesado sa trabaho, Vicky," muli kong tanggi.
Umismid ito. "Ewan ko sayo, paano ka magkakaboyfriend niyan? Kung dito ka lang lagi sa bahay niyo nagkukulong. Naku, Kassandra , namumutla kana sa puti." Pabiro nito at humahalakhak ng tawa.
Napatingin tuloy ako sa balat ko. Sa balat kong dati naman talagang maputi na. Tumaas ang dalawang kilay ko. "Sa tingin mo, may lalaking magseseryoso sa akin?" teasing him.
"Ikaw paba? Kung ako may mukha at tindig na tulad sa iyo, nakasampu na siguro ako ng papang," natatawang wika nito. "Ang ganda–ganda mo, girl. Manhid na ang lalaking hindi magkakagusto sa isang tulad mo."
Napabuntong–hininga ako sa sinabi niya.
Basta na lang nangilid ang mga luha sa bawat sulok ng mga mata ko. "Aanhin ko naman ang gandang meron ako, kung bulok naman ang buong pagkatao ko. Sa tingin mo, may lalaking handang seseryusuhin ako sa kabila ng nakaraan ko at may lalaking handang tanggapin ang anak ko?" Nanlulumong tanong ko sa kanya. Pabagsak ako napaupo sa kawayang upuan. Naisubsob ang dalawang kamay sa mukha at hindi ko mapigilan ang mapaiyak.
Isa sa mga kinakatakot ko, kung bakit hindi ako tumatanggap ng mga manliligaw dahil sa nangyari sa akin. Natatakot akong paglaruan lang nila ang damdamin ko at sa bandang huli iiwan din nila ako.
"Tahan na," pang–aalo ni Vicky sa akin. "Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo. Saka muna isipin ang lalaki. Isipin mo muna kung ano ang makakabuti sa sarili mo at kay Beatha. Naawa ako minsan sa anak mo nagtatanong, wala naman akong maisagot."
Mahigpit niya akong niyakap pero ang mga luha ko ay walang tigil sa pag–tulo. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Vicky. Ngumingiti ako pero ang kalooban ko durog na durog, nahihirapan parin ako at natatakot, gabi–gabi akong hindi makatulog..." sabi ko sa pagitan ng pag–iyak ko.
"Libangin mo ang sarili mo, okay? Dito lang ako. Handa akong daluhan ka lagi, Kass. What are friends are for kung iiwan kita sa ganitong sitwasyon. Alam mo naman handa akong lumaban para sayo. Kung hindi ka parin magkakaboyfriend, handa na ako para maging boyfriend mo. Magpapa–kalalaki na ako para sa'yo."
Sa kabila nang sakit na naramdaman ko, humagikgik ako sa sinabi ni Vicky at marahan ko siyang tinapik sa balikat. Kahit papano naiibsan ang pinapasan kong problema sa balikat ko.