Chapter 04–Reception

2425 Words
Chapter 04 Kassandra POV NAGNINGNING ang mga mata ko habang nakatitig sa kubuoan ng reception. Walang tulak kabigin sa sobrang ganda. Obvious na pinaghandaan at pinagkagastusan. Well, no doubt for that dahil mayaman ang doktor na kinakasal. At ang naririnig ko ngayon sa mga tao rito, napakasuwerte nga naman ng mapapangasawa nito, parang si Cinderella. Hindi maiwasan halos lahat ng mga kakabaihan na andito ngayon ay nangangarap na magkaroon ng ganitong kabonggang kasal at reception. Makatagpo nang isang katulad ni Doctor Zane Dela Costa. "This is the most beautiful reception i have ever seen, Vicky," namamanghang sabi ko sa bakla, kasalukuyan kaming nag–papahinga sa lilim ng isang puno pagkatapos naming ayusin lahat ng mga mesa. "Kanina pagdating natin hindi ko maiwasan ang mamangha, Vicky. I wish someday, ako din!" May konting lungkot sa tinig ko. Nangunot ang noo ni Vicky marahil sa huling sinabi ko. "Kung maka wish kana man akala mo may boyfriend ka. Manliligaw nga, ayaw mong tumanggap." Napatingin ako sa kanya. Then smiled shyly. "I got carried away, maybe sobrang nagandahan lang ako sa pagka design ng reception para tayong dinala sa mundo ng encantadia." "Mararanasan mo din ito kapag natagpuan mo ang lalaking para sayo." Kaswal akong nagkibit ng mga balikat. "I'm wishing but i'm not hoping..." muli akong nagkibit ng mga balikat at isinandal ang likuran ko sa puno. "Ano ba kasi ang problema at hindi mo payagan si Tristan na ligawan ka. Mabait at pogi din ang pulis na iyon. Bente–sais kana, Kassandra. Hindi ka bumabata. Papakunat kana." Aniya, sabay abot sa akin ng isang bottled water. Ang tinutukoy niya ay si Tristan ang pulis na laging nagpaparinig sa akin sa pwesto. Mahilig tumambay ang binata sa harapan ng aming munting tindahan, bukod sa tindahan ito ng mga borloloy. Mayroon din akong konting negosyo ng mga bulaklak. Subalit hindi ko pinapansin ang binata dahil nga natatakot ako at kilalang may pagkababaero ang naturang pulis. Natatakot akong sumugal. Natatakot akong isugal ang puso ko at buong pagkatao ko. Dinaan ko sa tawa ang sinabi ni Vicky. "Ewan ko sayo, bakit kailangan mong isingit ang mga ganyan." Sagot ko at binuksan ang bottled mineral at dinala sa bibig ko para inumin ang tubig. "Paano hindi ko isisingit, eh , parang nalilibang ka sa mga ginagawa mong trabaho. Kung puro pagkaperahan ang iniasikaso mo, baka magising kana lang na makunat at kulubot na ang balat," nakangising turan nito. Humalakhak ako nang tawa sa sinabi ni Vicky. "Anong sinasabi mo, Vicky? Puro pagkaperahan ang inaatupag ko? Sa lahat yata na puro pagkaperahan ang inaatupag, ako ang walang pera dahil lahat ng mga kinikita ko napupunta sa pamilya ko. Tapos uunahin ko pa ang lalaki na baka kalaunan maging sakit lang sa ulo at puso." Lumalim ang kunot sa noo ni Vicky. "Singilin muna na rin ang may mga utang sa tindahan mo. Nasusuba ka minsan ng mga kostumer mo pero hinahayaan mo lang. Nakita mo ang ginawa sa iyo ng Tiyahin mong balasubas. Hayun pinakasal ang anak dahil nabuntis na at sobrang kupal ng face sayo pa nag–order ng mga bulaklak at pinili pa ang mamahalin, hindi ka parin binabayaran kahit kalahati. Ikaw, din kasi ang may kasalanan sabi ko sayo kumuha kana lang ng mga bulaklak na kantutay, santan at utot–utot ang ginamit mo sa kasal ng anak niya, solve na sana saka iyon lang ang nababagay sa bruha na iyon. Ang sama talaga ng mga ugali ng kamag–anak mo, Kassandra," pailing–iling na sabi nito. "Naku! Hayaan muna regalo ko na rin sa kanila. Alam mo naman ang Tiyahin kong iyon makapagyabang lang sa mga kaibigan niya saka nangako na sa akin si T'song Dante na siya ang magbabayad sa kinuha nila sa akin." Sumimangot si Vicky. "Naku, mag–ingat ka sa Tiyuhin mo! Iba ang mga tingin niya sayo buti sana kung totoong tiyuhin mo si Dante. Nasa bilyaran siya noong mga nagdaang araw, Kassandra , ang aga–aga lasing." Ang bilyarang sinasabi ni Vicky ay kadikit ng karinderyang pag–aari ng kanyang ina at sawaling dingding lang ang pagitan. "What's new?" Bale–walang sabi ko. Araw–araw namang lasing iyon. "Puwes, listen to me. Tinulungan ko si Nanay sa karinderya nang marinig kong pinagmamayabang niya sa lahat na maaangkin ka niya pagdating ng araw. Wala naman daw mawawala sayo dahil may anak kana! Papayag ka rin daw sa gusto niya!" "N–nagbibiro ka ba, Vicky?" Tanong ko, napatuwid ako ng upo kasabay ng pagbundol ng kaba sa dibdib ko. "Bakit naman ako magbibiro?" Wika nito. "I reminded you, para magdoble ingat ka. Ano ba ang pumasok sa isip ng tiyahin mo at pinakasalan niya iyon? Mukhang hindi makakapagkatiwalaan at bali–balitang may kasong rape iyon sa kabilang bayan." Hindi ko makuhang magsalita sa sinabi ni Vicky at pinanlalamigan ako nang buong katawan. Natatakot ako sa sinasabi niya, nakakatakot baka maulit ang nangyari sa akin noon. May iilang kapitbahay na ang nagsasabi sa akin niyan na kakaiba ang mga tingin na pinupukol sa akin ni Dante. Bagaman hindi ko iyon sineryoso, dahil magkaiba naman kami ng bahay. May pagkakataon na mag–isa lang ako minsan sa bahay dahil abala din ako sa paggawa na kung ano–ano na p'wedeng pag–kaperahan. Si Lola ay laging sumasama kay Nanay at ang anak ko nasa skwela. Nasa tatlong–pong metro ang layo ng bahay nila Tiyang sa bahay namin. At sa mga nakalipas na mga araw ay hindi miminsang nahuhuli ko siyang umaaligid sa bahay. At minsan namang lumabas ako sa banyo galing sa pagliligo'y nakatayo ito sa mismong harap ng pinto na puno ng pagnanasang tinititigan ako mula ulo hanggang paa. Nasa likuran ng bahay ang banyo namin na lalakarin mo pa siguro ng mga sampung dipa bago marating ang pintuan namin sa kusina. Lalapit na sana ito sa akin noon buti na lang at biglang dumating si Nanay. Dahil sa mga sinabi ni Vicky ay magdo–doble ingat na talaga ako. Araw–arawin ko na ang pagpunta sa tindahan namin sa bayan at kung p'wede doon na rin kami tumira. Kaysa mapahamak ako, minsan na akong napahamak ayoko nang maulit iyon. Sinisikmura ako sa nerbiyos at nanginginig ang mga kamay ko sa takot. Kasabay ng paglapat ng likod ko sa sandalan ay ang pagkakagulo ng mga tao. Marahil dumating na ang bagong kasal. Hindi na rin sumama si Vicky sa simbahan tulad ng sa usapan mas pinili niya ang manatili dito. Hinawakan ni Vicky ang kamay ko at hinila patungo sa pagdadausan mismo ng reception. Ang assingment ko mamaya ay nakatuka akong maging roaming waitress. Sanay na rin ako sa ganitong trabaho dahil naging waitress din ako dati sa isang club noon. MAKALIPAS ang ilang sandali nagsimula ang seremonyas na ginagawa ng bagong kasal sa mga reception like throwing of boquet at kung ano–ano pa. Mula dito sa kinatatayuan ko, nakikita ko ang bagong kasal. It was very elegant garden reception. Marami silang mga bisita kahit sino p'wedeng pumunta. Humahanga ako sa kabaitan nilang mag–asawa dahil wala silang pinipili na mga taong p'wede dumalo sa kasal nila. Doctor Zane Dela Costa was drop–dead handsome at ang lakas ng kanyang personalidad. Ang asawa niya ay hindi kataasan at hindi rin naman ekstraordinaryo ang ganda. But she was beautiful in her elegant simplicity. The wedding gown she wore ay halatang mamahalin. Ang singsing na suot nito'y kumikinang sa tuwing tatamaan ng liwanag. Kumikinang ang malaking diyamante. Kahit ang earrings set na suot nito was so simple pero halatang milyon ang halaga. Perks for being married to a millionare. How lucky she was. Kahit sino sigurong babae ay papangarapin at gustong suotin ang sapatos na suot niya. Literal siyang si Cinderella. Kitang–kita nang dalawang mata ko, kung gaano ito kamahal ni Zane. Kanina pa itong nakahawak lang sa kamay ni Zairah at panaka–naka'y panay ang halik ni Zane sa likod ng mga palad nito. At may napapansin akong dalawang batang lapit nang lapit sa kanila. Hindi maipinta ang kasiyahan sa mukha ng mga tao sa kanilang paligid, napuno ng pagmamahal. I inhaled deeply. Hindi ko alam kung tama bang pangalanan na inggit ang naramdaman ko ngayon. Napailing ako. Hindi ko dapat makaramdam ng ganoon. Pero hindi ko maiwasan. Naka–ilang libot na ako ng alak at nanakit na rin ang mga paa ko dahil sa suot kong heels. Kaya naisipan kong ipahinga muna ang mga paa ko. May nakita akong bakanteng mesa sa di kalayuan, balak kong maupo muna kahit saglit lang. My eyes searched for Vicky, para magpaalam kung p'wedeng maupo muna kahit saglit lang. Subalit ibang mga mata ang nahagip ng paningin ko. At dahil ilang dipa lamang ang layo ng kinatatayuan ko. Kitang–kita ko ang mga matang kulay asul na nakatitig sa akin. Nakita ko ang malisyang ngiting binigay nito sa akin. Sa hindi malamang kadahilanan ay nag–init ang mukha ko sa pagkapahiya. Pagkapahiya na alam ko na kung bakit? Ayoko sa mga tingin niya na tila inuuyam ako. Aside of that, ano ang ginagawa niya dito? Bakit pati dito ay nakikita ko pa rin siya? Hindi ko alam kung bakit parang apektado ako sa presensiya niya. At pakiramdam ko kanina pa siguro siya nakatingin sa akin. Ang gwapo niya. Pero hindi pang boy–next–door–handsome. He could never be that. Basta may kakaiba sa kanya na ngingibabaw. Sa gitna ng karamihan, no one could fail to notice him. Gwapo naman talaga siya kahit noong una ko siyang makita. He had a hard face and expressive eyes pero masama kung makatingin. At napansin kong may katabi itong magandang babae. Nakangiti ng malandi. Ang kamay nito'y nakapalupot sa baywang nito habang umiinom ng champagne. Then, nakita ko rin kung paano inabot ng babae ang lalaki upang hagkan ito sa mga labi at pagkatapos ay humalakhak. I sighed and broke eye contact. What's wrong with me? Bakit tila may hapding dulot ang tanawing nakita? Yumuko ako at akmang hahakbang nang makarinig ako na may tumawag sa pamilyar na pangalan. "Doctor Kaydan Angelo Madrigal. Long time no see! I'm so happy to see you..." ani ng isang tinig lalaki na mababakas ang saya. Buhat sa narinig ay napa–angat ako ng paningin. I was stilled and distraught to believe. Doctor? Kaydan Angelo Madrigal? There was a possibilty na siya rin ang kapatid ni Pauline Madrigal? At anak nang bilyonaryong si Franco at Penelope Madrigal. Womanizer. And filthy rich. May kakambal ito at yes natatandaan ko na siya noong eigthteen birthday ni Pauline, hindi lang ako sigurado kung siya ba ang kasayaw ni Pauline noon. Nagkibit ako ng mga balikat, wala rin naman akong masyadong alam sa pamilya nila. Minsan nakakarinig ako balita about his family pero hindi ko pinag–aaksayahan ng mga panahon. Ang pinagtataka ko lang hindi ko ito nakikita sa mga lifestyle magazine. Hindi katulad nang ama niya at ina pati ang nakakatandang kapatid nito. Na laging makikita ang mukha sa mga magazine. Napabuga ako nang hangin. Bakit ko nga ba guguluhin ang isip ko sa kanya at sa pamilya niya? Pakialam ko sa kanila. Humakbang ako papalayo maghahanap ako nang ibang mauupuan. Na walang matang nakatingin sa akin. Narating ko ang medyo malayo na bahagi, may nakita akong upuan sa ilalim ng puno. Naupo ako sa mahabang upuan at agad na hinubad ang suot ko na heels. Hinilot–hilot ang sakong ko, hindi kasi ako sanay magsuot ng heels. Pero wala akong nagawa dahil ito ang pinasuot sa akin ni Vicky. "Hi," the husky voice said. "What's a nice girl like you doing in a place like this?" Napahinto ako sa paghilot sa sakong ko. Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Napalunok ako at nanuyo ang lalamunan nang makita ang lalaking ilang dipa ang layo sa akin. He walked towards me. Napalunok ulit ako. Tama si Vicky bente sais na ako pero ngayon, bakit ganito ang naramdaman ko sa lalaking ito? I had a fear in my heart that i might found someone na sasaktan lang ako at hindi matanggap ang nakaraan ko. "Kassandra," sabi nito. Hindi siya nagtatanong kundi sigurado siya sa pagtawag sa pangalan ko. Saglit akong napatitig sa kanya at mabilis akong nagbawi ng paningin. "P–paano mo n–nalaman ang pangalan ko..." i stammered at napayuko ako. Nahihiya akong salubungin ang mga nito. But in my peripheral vision nakikita ko siya. Bigla akong natakot na hindi ko mawari. He laughed, kitang–kita ang mapuputi na ngipin. When the laughter subside, dinala niya sa bibig ang baso ng alak at dere–deretsong inubos ang marami pang laman niyon. Naupo ito sa tabi ko at bahagya akong umabante. Masyadong malapit ang katawan namin sa isa't–isa kaya lumayo ako bahagya. Inilahad nito ang kamay sa akin. "I'm Kaydan Angelo Madrigal. Hindi ko pormal naipakilala ang sarili ko sayo one year ago. So, how are you, Kassandra?" Pormal na tanong nito sa akin. Subalit nanatili lang akong nakatitig sa mga kamay niya at hindi ko malaman kung tatanggapin ko ba ito o hindi. Walang salita na, he lifted my chin bahagya ko pang naiatras ang mukha ko sa gulat sa ginawa nito. "Hey! I'm not going to hurt you. I'm just want to talk to you." Nakatitig sa akin ang kanyang asul na mga mata. The next thing i knew his lips brushed in the gentlest kiss i had never experienced. Nanayong lahat ang mumunting balahibo ko sa sensasyong dulot ng halik nito. Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi ako makakilos. Natakot ako sa sarili kong damdamin, naitulak ko siya at agad akong tumayo. "I–I'm sorry, marami pa akong gagawin." Ashamed of my own passion, umatras ako at pinulot ang sandal na suot ko at umalis sa harapan ni Kaydan. "Hey, wait!" Sigaw nito. "Come back here! Let's talk!" he commanded. Tumakbo ako palayo sa lugar na iyon. Nang makasalubong ko sa daan si Zairah, isang matamis na ngiti ang binigay nito sa akin. Sabay kaming napalingon nang muling tawagin ni Kaydan ang pangalan ko. But i choose to ran instead na pakinggan ito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at saan pupunta. Napahinto ako sa pagtakbo, napahawak sa labi ko until now naramdaman ko pa rin ang labi niya sa labi ko. Ang kanyang imahe ang umuukopa sa isip ko. His scent–his kiss was embedded in my heart and mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD