Matapos namin kumain hiniram ko nalang ang spare toothbrush niya. At syempre niyaya ko ulit siyang maligo kahit natatawa siyang nagsabi na kakaligo lang niya.
Napilit ko siya noon at doon na naulit ang isang nakakabaliw na pagniniig naming dalawa. Sinulit ko talaga ang bawat sandaling kasama ko siya. Sobrang saya ko ng gabing yon. Hindi lang isang beses kaming nagtalik. No part of her body that had left untouch. Alam kong sobrang saya din ni Camille noon. Napamura pa ako sa sobrang sarap niyang magblowjob. Pareho kaming habol hininga ng matapos ang pagniniig namin. Palagay ko, mga alas singko na ng madaling araw ng matapos kami. Pero hubad parin kaming magkayakap na natulog. Pakiramdam ko nga mag asawa kami na nagha-honeymoon lang.
11:00am na ng magising kami pareho. Hindi ko rin narinig ang alarm ko maging siya kaya natawa nalang kami habang nagmamadaling bumangon. Sabay narin kaming maligo at isang quickie pa bago kami tuluyang nagbihis ng damit. Mabuti nalang at walang traffic kaya nakarating kami ng 30 minutes bago ang shift.
Nauna narin siyang pumasok ng elevator at pumasok sa production floor.
Buong araw na maganda ang mood ko at nahalata iyon ng mga kasama ko. Siguro kasi dati parang lagi akong naiinis at aminado naman ako. Lalo na nang hindi ako nakatanggap ng reply mula kay Camille. Hindi ko akalain na sa isang iglap nagbago lahat ng desisyon ko sa buhay dahil sa isang babae.
Makalipas ang isang linggo, nagdesisyon kami ni Camille na magsama na. Walang mintis din ang pagtatalik namin ng walang protection. Hindi ko alam kung baog ba ako o magaling lang talaga si Camille para hindi siya mabuntis. Pero kapag pinag usapan namin ang tungkol sa family niya laging limited lang ang sinasabi.
Oo, makasalanan na kung makasalanan pero ito na nadito na kami. Akala ko na hindi mangyayari sakin ang mga nababasa kong post sa mga call center group tungkol sa pangangaliwa. Pero mapaglaro talaga ang mundo.
Off namin pareho kaya nasa condo lang kami. Ako na nagpresentang magluto ng uulamin for our lunch kasi nakapagsaing naman siya. Saka alam kong napagod ko siya kanina.
Maya-maya nakita ko siyang may kausap sa phone at tumungo ng veranda.
"Sino yun?" Tanong ko ng makabalik siya.
"Si Charles. Pinapauwi ako."
Nainis ako bigla nang marinig ko ang pangalan ng asawa niya. "Bakit daw? Saka off natin may plano tayong magdate mamaya diba?"
"Pwede bang icancel muna natin? Importante lang kasi kaya need ko umuwi."
"Gaano ka importante?? Namimiss mo ba ang yakap at halik niya?" Nabigla ako sa sinabi kong iyon maging siya.
"Saan nanaman ba nanggagaling yan Nash?"
"Sorry. Nakakaselos lang kasi! Mas inuuna mo siya kaysa sa nauna nating plano."
"Asawa ko siya Nash. May responsibilidad ako sa kanya. At saka kailangan ako don para sa mga documents na need kong pirmahan."
"Tungkol saan ba kasi yon? Bakit ayaw mong sabihin sa akin?"
"Saka na Nash. Kapag okay na ang lahat."
"Anong oras ka babalik?"
"Hindi ko alam baka bukas na."
"Ano??"
"Nash naman!"
"Fine! Bukas ka na umuwi!" Mabilis ko siyang tinalikuran at tumungo sa kusina na pinapagtuloy ang pagluluto. Muntik pa ngang masunog iyon.
Naramdaman ko nalang na yumakap siya sa likuran ko.
"Nahihirapan ako Nash. Sa sitwasyon natin pareho. Napamahal kana sa akin. Alam kong mali pero habang tumatagal lalo lang kita minamahal kaya natatakot ako na sa ginagawa kong ito eh gawin din to sakin pagdating ng panahon. Bata ka pa marami kapang makilalang kaedad mo at higit na mas bagay sayo iyong walang sabit. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kitang palayain dahil iyon ang tama. I mean dapat na nga siguro na iyon ang matagal ko ng ginawa-"
Mabilis pa sa alas kwatro na pinatay ko ang gas stove at humarap sa kanya. "No! Sinong nagsabing papayag ako??"
"Pareho lang tayong mahihirapan. Isa nalang ito sa pag-aawayan pa natin sa mga darating na araw. At may asawa ako..ikaw wala. Marami ka pang mahanap na mas higit sa akin kaedad mo rin. Pag-uusapan ka nila oras na malaman nila ang tungkol sa atin."
"Mahal kita Camille. Ilang beses ko rin bang sabihin sayo na wala akong pakialam sa edad mo! Mahal kita. Mahal na mahal! Alam ko ang pinasok ko. At hindi rin ako papayag na maghiwalay tayo. Sinabi ko na sayo noon pa man na walang expiration date ang relasyon natin.
"TL ka , ahente lang ako. Kapag nalaman nila ang tungkol sa atin malaking kawalan sayo iyon. At ano nalang sabihin sayo ng pamilya mo? Na pumatol ka sa may asawa?? Bakit sa may asawa pa??"
"Then file an annulment. I can help you with the fees." Sa sobrang disperado kong maging akin siya un na agad ang sinabi ko dahil iyon naman talaga ang plano ko nang sa ganoon mapapakasalan ko na siya.
Pero hindi siya sumagot. Nanlumong umupo siya sa mahabang sofa na binili namin nong nakaraang araw. Sumunod ako sa kanya at lumuhod sa harapan niya.
"Marami ka pang hindi alam tungkol sa'kin. Kaya maghiwalay na lang tayo habang maaga pa."
"No! To hell with that! Magreresign ako. Maghahanap ako ng ibang company kung yan ang makakabuti satin dalawa. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Makasalanan na kung makasalanan pero sayo tumibok ang puso ko. Mapipigilan ko ba yon?? Please... Akin ka na lang love. File an annulment so we can get married."
"Wait, what?"
Lumaki ang mga mata ni Camille sa narinig at mas lalo siyang nabigla ng ilabas ko ang singsing sa harap niya.
"Will you marry me??"
Yung singsing na nasa bulsa ko lang ay nilabas ko na sa harap niya. Plano ko sana na mamaya ko ibibigay sa date namin kasi 1st year anniversary namin ngayon simula non inamin ko ang naramdaman ko sa kanya.
"Love..." sambit ni Camille na parang maiiyak na. Ako maiiyak na rin dahil gusto kong tanggapin niya pero kita kong nagdadalawang isip siya.
"Will you marry me?" Inulit ko pa yun sa kanya.
Doon ko nakitang tuluyan na siyang umiyak at tumango. Naiyak narin ako non dahil sobrang saya ko. Hindi ordinaryong sitwasyon ang pinasukan ko. Alam ko yun pero tinamaan talaga ako kay Camille ate Nai.
"I love you so much love."
"Mahal din kita." Mahigpit na yakap ang binigay sakin ni Camille noon.
Ni minsan hindi ko siya nakitang may suot na singsing kaya isinuot ko ang singsing na hawak ko sa daliri niya.
Natuloy ang pagpunta niya ng bahay nila at ang huling message niya sakin ay sinabing kararating lang niya doon.
Nagcheck nalang ako ng team groupchat at nangungulit upang mawala sa isip ko kahit saglit si Camille. Dahil sa totoo lang siya at siya lang ang laman ng utak ko.
I decided na mag inom after ng ilang oras. Hapon narin naman non kaya bumaba ako sa 7th floor dahil merong bar lounge don. Medyo nahihilo na ako nong umakyat ako ng unit namin. Tipsy kumbaga. Nagdecide narin kasi ako na share kami sa bayad sa unit kahit hindi naman niya ako inoobliga.
Mga lagpas 11pm na ng makabalik ako kaya expected kong hindi uuwi sa Camille at mas lalong sumama ang loob ko noon kasi nagseselos ako sa isipin na kasama niya ang asawa niya.