"Madali lang naman ang gagawin mo Roni eh, sasabihin mo lang. 'Itigil ang kasal! Asawa ko ang lalaking 'yan!' Instant fifty thousand na yun! Edi solb ang problema mo sa graduation fee, makakabayad ka pa sa hospital."
Actually nate-tempt na nga siya sa offer na 'yon sa kanya ng kaibigan. Kapag kase pumayag siya, solve na ang problema niya sa pagbayad ng graduation fee at medical expenses ng Nanay niya, may matitira pa kahit papaano sa kanya.
"Eh sino ba kaseng nag utos nun? Baka mamaya sugurin ako ng bride pag ginawa ko yun!" Kahit naman gipit na gipit siya, hindi naman niya gugustuhing makasakit ng tao.
"Relax, yung bride mismo ang kliyente ko."
"Parang mas lalo ko na tuloy ayaw gawin 'to. Bakit naman ganoon? Bakit hindi niya na lang sabihin sa groom na ayaw niya nang magpakasal? Kaysa naman ganitong gagawa pa ako ng eksena." Nakanguso niyang sabi. Although nate-tempt siyang tanggapin ang alok na 'yon, ayaw naman din niya na may maagrabyadong tao.
"Ayaw mo ba? Sa ibang tao ko na lang iaalok. Ikaw kase ang una kong naisip dahil alam kong kailangang-kailangan mo e."
Nang dahil sa gipit na gipit si Roni pumayag siya sa idea ng con artist niyang kaibigan na si Thea na magpanggap na buntis para pigilan ang kasal ng hindi niya kilalang tao. Isang taong sisingilin siya pero hindi pera ang ibabayad kundi katawan niya.