My Ex, My Boss, My Husband 3
SPG WARNING: MATURE CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK.
Sa mismong araw ng kasal ni Alexander sa nobyang si Dayan, hindi lang ang kasintahan ang naglakad sa altar papunta sa kanya. Kasabay ng pagtatanong ng pari kung mayroong tumututol sa kasalang iyon, sumigaw ang isang babaeng noong araw na iyon niya lang nakita at sinabing tutol siya sa kasalang iyon sapagkat buntis siya at si Xander ang ama.
Hindi natuloy ang kasal at hindi na rin niya nakita babaeng sumira sa buhay niya.
Gipit na gipit si Veronica. Bilang isang fourth-year working students na graduating na rin, hindi niya kayang pagsabay-sabayin ang dalawang trabaho at OJT para lang mabayaran ang mga patong-patong na bills ng nanay niyang ilang araw nang nasa ospital at school expenses na kailangan niyang ma-settle para lang maka-graduate siya. Kaya naman noong inalok siya ng kaibigang si Eden ng isang 'gig' na kayang bayaran lahat ng utang niya, sinunggaban niya kaagad iyon. Ngunit hindi niya inaasahang pagsira ng isang relasyon ang kapalit ng perang sagot sa lahat ng problema niya.
She saw the pained look on the handsome guy's face when his bride left him standing at the aisle at hindi iyon nawala sa isipan niya.
Makalipas ang tatlong taong pagtatago at pagtatrabaho sa probinsya para alagaan ang ina at huwag makasalubong ang lalaking nasira ang buhay dahil sa kaniya, na-assign si Veronica sa Metro. Isa na siyang ganap na reporter at ang unang kasong hinawakan niya ay may kinalaman pa sa lalaking pinagtataguan niya.
Xander and Veronica had an unfinished business. Ano kayang mangyayari sa kanilang dalawa?