Episode 2

1611 Words
"Ate, hindi na naman maipinta ang mukha mo? Napikon ka na naman ba ni Kuya Zak?" untag ni Judy ang sumunod sa akin habang inaayusan ng buhok ang anim na taon na bunsong anak bago siya pumasok sa trabaho. Isa siyang nurse sa isang pampublikong osipital sa malapit. Halos magpamisa nga ako noong nalamn kong nakapasa siya sa pagiging nurse sa kabila ng siya ay nagdadalang-tao na sa kanyang panganay na anak. Ayaw niya na nga sanang mag-aral dahil nahihiya na sa akin ngunit pinilit ko pa rin na ituloy niya ang kanyang kurso kahit na may asawa at anak na siya. Harinawa naman na naisadsad niya at naipasa. Ang asawa niya ay sinuportohan ko rin na makatapos kahit vocational course ng sa ganun ay tulong silang mag-asawa sa pagtaguyod ng kanilang pamilya. Pilit nga nila akong inaabutan noong unang sumasahod na sila sa kani-kanilang propesyon ngunit tinanggihan ko. Wala akong hinihinging kapalit sa anuman na tulong na ginawa ko para sa kanila. Hiling ko lang ay maging mabuti silang mga magulang sa mga anak nila. Gayundin naman sa iba ko pang mga kapatid. Kung si Judy na babae ay pinagpursige kong mag-aral at makatapos ay ang mga kapatid ko pa kayang mga lalaki na magdadala ng kanilang bubuuin na pamilya balang-araw ang hindi? Ang sumunod kay Judy ay tapos ng criminology. Ang pang-lima ay isang civil engineer. Ang pang-anim kong kapatid ay isang guro at ang huli ay kakasampa lang sa barko bilang seaman. Kung ang ibang tao ay hinahangaan ako sa pagiging mabuti ko raw na kapatid, ngunit ang totoo ay hinahangaan ko rin ang lahat ng mga kapatid ko na sa kabila ng lahat ng hirap kami sa pinansyal ay nakuha nilang magkaroon ng diploma. Kami lang ng panganay kong kapatid ang walang bachelor degree. Tinanong ko naman si kuya kung hindi ba siya naiinggit na napag-aral ko ang mga kapatid namin at siya ay hindi. Ang sagot ni kuya, kailanman ay hindi siya maiiinggiy bagkus siya pa ang nahihiya sa akin. Siya raw kasi ang dapat na gumawa ng lahat ng nagawa ko para sa pamilya namin dahil siya ang panganay at lalaki pa man. Ngunit sa akin ay wala yon. Noong namatay si Tatay at namulat ako sa katotohanan na wala pala kaming ibang aasahan lalo na sa mga kamag-anak sa side ng tatay ko na walang ginawa kung hindi ang apihin, laitin at insultuhin ang nanay ko ay natuto akong tumayo sa mga sarili kong paa Nasaksihan at narinig ko kung paano alipustahin si nanay na wala raw alam sa buhay kong hindi ang manganak lamang. Pinagtatawanan pa nila si nanay na tiyak raw na mababaliw na kung paano kami bubuhayin na magkakapatid. Labing-anim na taon gulang pa lang ko ng atakihin si tatay sa puso at hindi na naitakbo pa sa pinakamalapit na ospital. Nagmamay-ari kami ng sampung jeep na bumibiyahe araw-araw. May bakery rin na pinapatakbo noon ang aking mga magulang. Ngunit unti-unti ngang nawala ng namatay si tatay. Wala nga namang alam na kahit anong trabaho so nanay dahil hindi man siya nakatapos kahit elementarya lang at galing din siya sa malayong probinsya na lumuwas dito sa kamaynilaan para makipagsapalaran. Nagkakilala ang mga magulang ko ng dahil sa pagpapakilala ng kanilang mga kaibigan. Ayos naman ang takbo ng buhay namin. Ang totoo ay sunod nga kami sa luho lalo na ako dahil ako ang panganay na babae. Maka ama ako. Noong bata ako aaminin kong mas mahal ko si tatay kaysa kay nanay na walang ginawa kung hindi ang sermunan at pagalitan ako sa tuwing hindi ako pumapasok sa eskwelahan. Pero noong nawala si Tatay at mawala ang lahat ng aming kabuhayan ay para ba akong nagising sa isang magandang panaginip na hindi pala lahat ng bagay ay basta mo na lang makukuha. Saksi ako kung paano gamutin ni nanay ng kung anu-anong ointment ang kanyang kamay na nagsugat-sugat na dahil sa pakikipaglabada sa kanyang mga kakilala. Ayoko ng mag-aral at nais ko na siyang tulungan na maghanapbuhay pero iniyakan niya ako. Nagmakaawa si nanay na tapusin ko man lang kahit high school para raw kahit paano ay makatapos ako. Huwag raw akong tumulad sa kanya na tamang pagsulat at pagbasa at pagbilang lang ang alam. Na siya namang ginawa at sinunod ko. Matapos nga ng pagtatapos ko sa fourth year high school ay lakas loob na akong naghanap ng trabaho para makatulong sa pamilya ko. Lagi kong pangaral sa mga kapatid ko na mag-aral mabuti gaya ng nais ni nanay sa amin. Alam ko na kaya pursigido si nanay na makatapos kami ng pag-aaral ay para hindi magaya sa kapalaran sa kanya. Pero sa isip ko ay hindi kakayanin ni nanay ng mag-isa lalo pa at maaga nga na nag-asawa si Kuya. Lahat ng trabaho na pwede ako ay pinasok ko. Pineke ko maging ang edad ko dahil hindi naman halata sa height ko na menor de edad pa ako noong mga panahong iyon. Hanggang sa sumapit ang labing walong taong gulang na ako. Hawak lamang ang determinasyon na makatulong sa pamilya ko ay nakarating ako ng bansang hongkong at doon nga naging domestic helper. Lahat ng sahod ko ay pinapadala ko sa pamilya ko dahil ayoko na makikipaglabada pa si nanay sa ibang tao. Ayoko na lalaitin siya ng mga kamag-anak ng tatay ko na walang makakatapos sa amin ng mga kapatid ko. At sa kabila ng ilang taon kong pamamalagi sa ibayong dagat. Sa pagtitiis at pagtitipid, nakatapos naman lahat ng mga pinag-aral ko. Napagawa kong up and down ang dati naming maliit na bahay. Kaya wala ng masasabi pa ang ibang tao tungkol sa aking nanay. Oo at kinulang siya sa edukasyon ngunit hindi siya nabigo sa pagpapalaki sa amin bilang mabuting mga tao. Bakit? Dahil hanggang ngayon ay walang kahit na sino sa amin ang pumapatol sa mga mahaderang kamag-anak ni tatay. Tama ng naipakita namin na sa kabila ng lahat na heto kami ng pamilya ko, nagtagumpay sa hamon ng buhay sa kabila ng wala naman silang naitulong kahit isang kusing kay nanay. "Wala naman ginawa ang Zakarias na yan kung hindi imbyernahin ang araw-araw na buhay ko. Pati ang pagiging matandang dalaga ko ay pinapakialaman pa. Kung magsalita ba ay akala mo ba ay hindi siya matandang binata! Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon kaya ilang taon na rin at nasa kwarenta na siya. Kung malait ay akala mo ba ay perpekto." Ang naiinis kong pahayag habang binibilang na lahat ng aking naging benta. Nagbungisngisan ang kapatid, mga pamangkin si nanay sa narinig sa akin. Sanay na sila na naririnig kaming nagbabangayan ni Zakarias kaya wala ma lang din sa kanila at tinatawanan na lang kami ng bwisit kong kapitbahay. "Ante, baka naman crush ka ni Ankol Zak? Hindi niya lang masabi-sabi dahil nga nasa malayo pa lang siya ay nakasimangot ka na." Tukso ng pamangkin kong babae na anak ng panganay kong kapatid. Umismid ako sa narinig kasabay ng pagtaas ng mga kilay ko Si Zakarias? Crush ako? Napalalabong mangyari gaya rin ng malabo pa sa tubig kanal na magiging crush ko siya. "Hay naku, Lavinia, hindi na uso ang ganyang kwento na gaya ng iniisip mo sa amin ng Ankol mo. Hindi kami magkakagusto sa isa't-isa. Naririnig niyo naman kung paano ako laitin ng taong grasa na yon." Daldal ko pa. "At sinong taong grasa, ako? Sige nga tingnam mo ako ngayon kong taong grasa ako?" At mula sa pinto ng ay tuloy-tuloy na pumasok ang lalaking nagpapadilim lalo ng gabi. "Ano naman ang ginagawa mo rito? Wala kaming ulam!" asik ko agad. Hindi na rin ako nagtataka na narito siya sa bahay dahil welcome na welcome siya dito sa amin. Madalas nga ay kasalo namin siya sa almusal, tanghalin at maging sa hapunan. "Napaka sungit na talaga kapag pa menopausal na ang isang babae lalo na nga naman kung isang matandang dalaga gaya mo Manang Jona." Pang-aasar niya pa sabay diretso na sa aming kusina at kumuha ng mga plato at inilagay ang mga kung anong pagkain na dala niya. "Ang kapal ng mukha. May ulam naman pala ay nakuha pang mangapit-bahay para dito makigamit ng mga kasangkapan," bulong ko pa. Ngunit sa araw-araw ay nasanay na rin ako na narito talaga siya sa bahay sa oras na gustuhin niya dahil nga barkada niya rin lahat ng mga kapatid kong lalaki at kasundo niya lahat ng miyembro ng pamilya ko maliban sa akin. Tuloy lamang ako sa pagkwenta ng kinita ko ngayong araw at hinayaan na lamang si Zakarias kasama ng pamilya ko na magkagulo sa anuman na dalang ulam ng nakikipamilya sa amin. "Nay, ipagtabi niyo na po si Manang Joy at sigurado akong natatakam na yan sa naamoy na ulam," sabay tawa pa ni Zakarias. "Naku, baka hindi rin kainin ni Jona yan at diet siya ngayon," tugon naman ni Nanay. "Dapat huwag na siyang mag diet at hindi niya namam bagay ang payat. Lalo lang siyang mapagkakamalan na Manang." Masarap talagang busalan ang bibig ng tapt bahay ko. Makalait na naman sa akin ay akala mo ba ay hindi ko naririnig. Pati pagda-diet ay pinapakialaman. Niligpit ko na ang mga perang papel at barya na binibilang ko at saka na nagdesisyon na umakyat na sa itaas ng bahay. "Nak, kumain ka na muna. Ang dami dalang ulam ni Zakarias." Alok ni Nanay ngunit umiling lang ako lalo pa at nakatingin sa akin ang demonyo habang panay pa ang pagnguya. "Mamaya na lang po ako kakain, Ma. Kapag maganda na ang atmospera dito sa kusina. Pakisabi rin diyan sa isa na yan na maghugas ng pinggan na ginamit niya," sabi ko pa bago tuluyan ng umakyat sa itaas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD