"Manang, pagbilan nga ng bibingka mo. Iyong bibingka mong espesyal. Iyong maraming toppings sa ibabaw. At masarap."
Nahinto ang seryoso kong pagpaypay sa konting ningas ng uling na gagamitin ko na sa pagluluto ng bibingka at puto-bungbong na niluluto ko.
Ito na ang isa sa mga pinagkukunan ko ng kabuhayan para buhayin ang ko matapos din ang mahabang panahon na pagpapa-alilang kanin ko sa tawid dagat kasama ang ibang lahi.
Wala pa sana talaga akong balak umuwi kung hindi lang nagkasakit si nanay at kinabahan ako na baka mawala siya na wala ako sa tabi niya.
Gusto ko na mapaglingkuran siya gaya ng pinaglingkuran niya ako at inalagaan noong bata pa ako at kailangan pa ng kanyang patnubay.
Kaya naman nagdesisyon na akong tuluyan ng manatili sa bansang lupang sinilangan at at tahanan ng aking lahi at huwag ng bumalik pa ibang bansa na ilang taon din akong kinupkop.
Ako na lang kasi ang bukod tanging walang asawa at anak.
Samakatuwid, ako lang ang wala pang pamilya sa aming pitong magkakapatid.
Ang panganay namin ay lalaki at mga dalaga at binata na ang mga anak. At ako na sumunod ay napaglipasan na ng panahon ng lahat nga ng sumunod sa akin ay may kanya-kanya ng pamilya.
Inaamin ko na medyo na-disappoint ako ng isa-isang mag-asawa ang mga kapatid kong pilit kong tinataguyod para makatapos ng pag-aaral.
Iyon lang naman kasi ang goal ko sa buhay.
Ang tulungan sila na maabot ang kani-kanilang mga pangarap para magkaroon ng maayos na hanapbuhay. At ng hindi na nila kailangan pa na tumawid ng dagat at magpa-alila sa ibang lahi kapalit ng kahit anong halaga.
Mahirap kasi.
Mahirap ang isang dakilang maging ofw.
Ang mga ofw ang buhay na patunay na mahirap maging bayani.
Mahirap iwan ang buong pamilya mo ng ilang taon.
Ang hirap labanan ng lungkot lalo at ikaw lang mag-isa.
Ilang okasyon ba ang dumaan sa buhay ko na ako lang mag-isa ang nagdiwang?
Oo at masaya naman talaga ang makita mo ang pamilya mo na nabibili ang kanilang mga nais. Hindi nagugutom at kumakain ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw.
Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ang pag-asam na sana.
Sana kasama nila akong namanasyal.
Sana kasama nila akong kumakain sa labas sa paborito nilang fast foods.
Sana kasama nila akong nagsasaya.
Maraming sana akong pinalipas makatiis lang sa ibayong dagat.
Kaya nga pilit pa rin akong nagsusumikap para wala sa amin ang magugutom.
Walang sinuman sa mga pamangkin ko ang hindi mag-aaral.
Dahil hanggat buhay ako at kaya kong magtrabaho ay kakayanin ko para suportahan silang lahat.
Mahal na mahal ko ang pamilya ko.
Mahal na mahal ko sila kahit kapalit pa ay ang sarili ko.
Ang sarili ko na kailanman ay hindi naranasan na gumastos ng malaking halaga kahit pa sabihin akin namang pinaghirapan.
Ang sarili ko na hanggang ngayon sa edad kong ito ay nanatili pa rin na single.
Mag-isa.
Walang partner.
Sa edad ko na lampas na sa kalendaryo ay tanggap ko naman ng wala na akong pag-asa pa na magkaroon pa ng lalaking magkakagusto sa akin. Na liligawan ako at susuyuin.
At isa pa, hindi ko naman prayoridad pa ang magkaroon ng asawa.
Paano ko pa iisipin na mag-asawa gayong usong-uso na sa panahon ngayon ang hiwalayan.
Ang pakikiapid ng lalaki sa ibang babae kahit siya ay legal ng kasal.
Ang aanakan lang ang isang babae tapos ay iiwanan na lang at hindi na magpaparamdam ang lalaking nakabuntis. Hanggang ang babae na lamang ang siyang magdurusa para palakihin ang batang hindi lang naman siya ang mag-isang gumawa.
Kaya paano pa ako magkakaroon ng gana na maghanap pa ng asawa kong ganito ka toxic ang mundo.
Gaya na nga lang ng numero unong toxic sa buhay ko na siyang buena mano ko na naman sa paninda ko.
Hindi ko alam kung anong drama o trip niya sa buhay na alam niya naman na ayaw na ayaw namin sa isa't-isa ay dito pa rin siya pilit bumibili sa mga paninda ko.
"Masarap ang bibingka ko kaya hindi mo na kailangan na sabihin pa at mamili ng masarap." Nakasimangot kong tugon at saka na ipinagpatuloy ang pagpaypay sa uling upang tuluyan itong magningas.
Isang nakakalokong tawa ang narinig ko mula kay Zakarias.
Ano na naman kaya ang pinagtatawanan ng loko-lokong to?
"Anong nakakatawa?" tinaasan ko pa siya ng kilay.
"Wala naman. Natatawa lang ako sa pagbigkas mo tungkol sa masarap mong bibingka," wika niya sa tono na may iba pa siyang ibig sabihin sa salitang bibingka.
Bakit naman kasi sinabi ko pa na masarap ang bibingka ko sa halip na masarap ang bibingka.
"Alam mo ikaw, napaka malisyoso mo, ano? Pati pagkain pinag-iisipan mo ng kahalayan ng utak mo." Madiin kong sambit.
"Manang Jona, anong pinagsasabi mong kahalayan ng utak ko? May sinabi ba ako na mahalay sa pandinig mo?" hamon pa niya sa akin.
"Wala ka ngang binanggit na anumang direkto na salita na mahalay pero nakakatiyak ako na iba ang iniisip mo sa pagbaggit ko ng masarap ang bibingka ko kaya ka nga natawa, hindi ba?" paratang ko pa.
Napakabastos talaga ng lalaking ito. Maging ang pagkain ay hindi na ginalang.
Lalong tumawa ng nakakaloko si Zakarias ng marinig ang iginigiit ko.
"Manang Jona, palibhasa ay matandang dalaga ka na kaya ganyan ka mag-isip. Hindi kaya ikaw lang talaga ang nag-iisip ng mahalay dahil nga napaglipasan ka na ng panahon?" tanong niya pa sa akin habang nakangisi.
"Manang Jona, wala ka na ngang asawa ay nakasungit mo pa. Akala mo naman ay kagandahan ka at kaganda ng katawan." Dagdag niya pang pang-iinsulto sa akin habang pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan.
Halos magkatapat lang ang bahay namin ng pamilya namin ng bastos na lalaking nasa harap ko.
Magkatapat din ang lugar kung saan ako nagtitinda pati amg talyer na pagmamay-ari niya.
Magkakilala na kami mula pa lang ng pareho kaming mga musmos dahil dito rin talaga nakatira ang aming mga magulang. Ngunit mas matanda sa akin si Zakarias ng tatlong taon.
"Hoy! Manong Zakarias! Ang kapal naman ng mukha mo na insultuhin ako dahil hindi ako maganda, kagandahan ang katawan at higit sa lahat ay dahil sa wala akong asawa. Hiyang-hiya naman ako sayo kung makasabi ka ng wala akong asawa gayong ikaw ba ay merong asawa?" nanggigil kong sambit.
Ang aga talaga akong imbyernahin ng lalaking ito at dito pa mismo sa kabuhayan ko.
"Teka nga lang? Kaya ba hindi ka nag-aasawa ay hinihintay mo akong ligawan kita? Ganun ba, Manang Jona?"
Pigil na pigil ang mga kamay ko na huwag kong dakutin ang mga nagbabagang uling at saka isaboy sa pagmumukha ng makapal na lalaking nasa harap ko.
"At bakit naman kita hihintayin na ligawan ako? Sa tingin mo ba ay aabot ako sa edad kong ito na marami naman akong naging mga manliligaw ay mas pinili ko na mag-isa? Choice ko kung anuman ako ngayon kaya naman Manong Zakarias ay huwag lang masyadong ambisyoso!" asik ko pa.
Tumawa na naman siya ng masakit aa tainga sa totoo lang.
"Ako ambisyosos? Mag-aambisyon lang ako e bakit ikaw pa? Manang ka na nga hindi ba? Ilang taon ka na nga ba? Thirty? Thirty-one?" panghuhula pa ng bastos na lalaki sa edad ko.
"Hindi! Thirty four ka na hindi ba? Grabe, sobrang lampas na pala talaga sa kalendaryo ng edad mo. Kaya tama lang ang desisyon mo huwag ng mag-asawa dahil wala naman ng magkakagusto sayo. Bukod sa ang sungit mo ay matanda ka na. Gurang na. Tigang na."
Kinuha ko ang pambugaw ko ng langawa at saka hinampas-hampas sa paligid ng mga paninda ko pero sinasadya kong patamaan ang lalaking abot-langit akong insultuhin.
"Manang Jona, hindi ako langaw para bugawin mo. Napaka-gwapo ko namang langaw." Angil pa ni Zakarias habang lumayo ng bahagya para hindi ko na maabot pa.
"Pwede bang lumayas ka sa harap ko? Bumili sa iba at hindi ko kailangan ng pera mo dito sa tindahan ko!" pagtaboy ko na sa itinuturing kong malas sa araw na ito at sa buong buhay ko.
"Manang Jona, bakit ganyan ka sa customer mo? Ako na nga ang boluntaryo na tumapat dito sa tindahan mo para hindi na magkadahaba ang leeg mo kakasilip sa akin diyan sa loob ng talyer ay ganyan ka pa? Baka gusto mong ipaalala ko sayo iyong sinabi mo sa akin noong fifteen years old ka pa lang?"
Lalo akong nilukuban ng kung anong inis sa bwisit na lalaking kaharap ko.
Kung pwede lang na tagain ko siya hanggang magkapira-piraso ang katawan niya ay gagawin ko at gagawin kong uling ng may maganda siyang pakinabang sa akin.
"Kapag hindi ka pa lumayas sa harap ko ay hindi na talaga ako magdadalawang-isip na itapon sayo itong nagbabagang uling!" banta ko pa.
"Ipapaalala ko lang sayo ang sinabi mo sa akin noong fifteen years old ka pa lang ay lalo ka namang nagalit. Ang saya kaya sa pakiramdam kapag throwback. Iyong mga alaala natin sa nakaraan na kay sarap balikan." Patuloy pa ni Zakarias.
"At may mga alaala na kay sarap na rin ibaon sa limot kaya umalis ka na. Ipahahatid ko na lang ang bibingka na order mo," saad ko pa.
"Paano kung gusto ko ay bibingka mo?" sabay karipas ng takbo ni Zakarias sa loob ng kanyang talyer ng makita niya ng nanlisik ang mga mata ko.