CHAPTER 1: The Beginning

1200 Words
Araw ng linggo at day off ni Alhena kaya nagpahinga na lamang siya sa kanyang condo. Gusto kasi niyang sulitin ang kanyang day off para may lakas na naman ulit siya bukas sa trabaho. Habang nagpapahinga siya ay bigla namang may kumatok sa kanyang pintuan. Kaya agad siyang tumayo mula sa kanyang sofa para buksan ang pinto. Laking gulat niya nang makita niya ang kanyang kababata na si Cindy, namumutla ito at napakalaki ng eyebags sa magkabilang mata nito at buntis pa ito. "Alhena," pagod na anas ni Cindy. "A-Anong nangyari sayo?" She asked worriedly. "Alhena, tulungan mo ako." Agad naman niyang niluwagan ang pintuan para makapasok ang kaibigan niya. Inalalayan niya rin itong makaupo sa kanyang sofa, kumuha agad siya ng tubig sa kanyang kusina para mapainom si Cindy. "Cindy ano bang nangyari sayo ha? Saan ka ba galing?" sunod-sunod niyang tanong sa kaibigan sabay bigay ng tubig at agad naman itong ininom ni Cindy. "Tumakas ako, Alhena. Ilalayo sa'kin ni Sammuel ang anak ko.” Kitang-kita naman agad ang pagtataka sa pagmumukha ni Alhena. Napuno tuloy siya ng pagtataka dahil sa sinagot sa kanya ng kaibigan niya, kaya tinanong niya agad rito kung sino ba ang tinutukoy nitong Sammuel. "Ano? Sino ba yang Sammuel na 'yan?" Kitang-kita sa kanya ang pagtataka. "Siya ang ama ng dinadala ko,” naluluha nitong tugon. “Kukunin niya sa'kin ang anak ko sa oras na nanganak na ako. Dadalhin daw nila ang anak ko sa Canada, at ayokong mangyari 'yun, Alhena. Ayokong mawalay sa anak ko kaya tumakas ako sa puder nila," dagdag pa nito habang umiiyak. “E, bakit ba kasi nila kukunin ang anak mo sayo? E, ikaw naman ang ina ng bata?" She curiously asked. "Mayaman sila Alhena at ayaw nila sa'kin para kay Sammuel. Pwede bang dito na lang muna ako sa‘yo? Pangako ‘pag nanganak na ako magtatrabaho agad ako para hindi naman nakakahiya sa ‘yo," pakiusap pa ng kaibigan niya. Hindi naman siya nagdalawang isip na pumayag sa pakiusap ng kaibigan. Isa pa ay naawa siya rito at kahit papa'no ay kaya naman niyang buhayin ang kaibigan. Dahil may kalakihan naman ang sweldo niya. "Walang problema sa'kin yan Cindy, welcome na welcome ka rito sa condo ko at pwede kang tumira rito hangga't gusto mo ha? Huwag kang mag-alala tutulungan kita sa pagpapalaki sa anak mo at hinding-hindi natin hahayaang makuha siya ng kanyang ama," pampalubag loob niyang sagot. "Maraming salamat. Hindi ako nagkamaling sa ‘yo ako lumapit napakabait mo talaga," naiiyak naman nitong pahiwatig sa kanya. Agad naman niyang niyakap ang kaibigan, namiss tuloy niya ang kanilang kabataan nila. Sobrang close kasi nila no'ng mga bata pa sila, halos magkapatid na ang turingan nila sa isa't-isa. Kapwa nag iisang anak kasi sila ng kanilang mga magulang at kapwa rin sundalo ang kanilang ama, at parehas na rin silang ulila naghiwalay lang sila no'ng kinuha siya ng kanyang Lola at naiwan ang kaibigan sa kanilang probinsya sa Ilo-Ilo at simula noon ay hindi na sila muling nagkita. KINAGABIHAN, siya ang nagluto ng kanilang hapunan, masarap kasi siyang magluto namana niya kasi ito sa kanyang ina. Pagkatapos niyang magluto ay agad niya na itong nilapag sa dining table para makakain na sila. "Cindy kumain ka ng marami ha? Para mas lumaki pa yang baby mo," nakangiting ani niya, at agad namang umupo kaibigan nito sa upuan. "Naku, pasensiya ka na hindi kasi kita matulungan pagdating sa pagluluto, wala kasi talaga akong alam pagdating sa ganitong bagay e," nahihiya naman nitong sagot. "Naku, okay lang huwag mo ng isipin yan sige na kain na tayo,” sagot naman agad niya, at inaya na lamang niya itong kumain. Minuto ang lumipas ay tapos na rin sila. Siya na rin ang naghugas, ng kanilang pinag kainan, at naglinis ng kanilang dining area. Malaki na kasi ang tiyan ng kaibigan niya, kaya alam niyang hirap na ito sa gawaing bahay. Minuto ang lumipas ay tapos na rin siya sa kanyang ginagawa at tinungo niya na ang kanyang sala at, na datnan niyang nakaupo ang kaibigan sa sofa. "Oh, Cindy bakit nandito ka pa? Hindi ka pa ba matutulog?" sunod-sunod niyang tanong. "Mamaya na Alhena, busog pa kasi kami ni baby e," sagot nito habang hinaplos-haplos ang tiyan nito. Kaya umupo na lang din muna siya sa tabi nito. "Cindy ilang buwan na ba yang tiyan mo?” tanong niya. "Kabuwanan ko na ngayon Alhena, anytime pwede na talaga akong manganak kaya nga nagmadali, akong tumakas mula sa pamilya ni Sammuel,” malungkot na nitong sagot. “Ganun ba? Sige huwag kang mag-alala ha? Bukas na bukas din ibibili natin si baby ng mga gamit niya," nakangiting ani naman niya sa kaibigan. Natuwa naman si Cindy sa sinagot sa sinabi niya, at sobrang ipinagpasalamat talaga nito na sa kanya ito lumapit. Nalaman kasi nito na sa isang condo siya tumutuloy, dahil minsan siya nitong nakita na pumasok sa condo. Kaya no'ng magka problema ito ay hindi ito nagdalawang isip na siya ang punatahan. Pagkatapos nilang mag-usap ay nagpasya na rin silang mag pahinga. Kaya agad na silang pumasok sa kani-kanilang mga silid, saktong dalawa rin ang kwarto sa condo niya, kaya ang kaibigan niya na ang gumamit ng bakanteng kwarto. Kinabukasan sabay silang nagising at, sabay rin silang lumabas sa kani-kanilang mga kwarto. "Good morning Alhena," nakangiting bati agad nito sa kanya. "Morning Cin, nagugutom ka na ba? Sandali maghahanda lang ako ng almusal natin," sagot naman niya. "Wala ka bang pasok ngayon?" tanong nito sa kanya. "Ah, hindi muna ako papasok sa kompanya, wala rin naman kasi ako masyadong gagawin do'n e," nakangiting sagot niya. Agad na nilang tinahak ang dining area para makapagluto na ng almusal. Siya, ulit ang nagluto at, ang kaibigan naman nito ang nag-ayos ng mesa at ipinagtimpla rin siya nito ng kape. Nakaugalian na kasi niya, ang magkape araw-araw. Minuto ang lumipas ay tapos na rin siya pagluluto, kaya agad na rin silang kumain. "Alam mo na ba ang gender ng baby mo?” ngumunguya niyang tanong. "Oo, lalaki ang anak ko," nakangiting sagot naman nito sa kanya. "Wow! Talaga? For sure magiging kamukha mo talaga 'yan so, may naisip ka na bang name para sa baby boy mo?" masayang tugon naman niya. "Gavin," nakangiting tugon naman nito. Minuto ang lumipas ay tapos na silang kumain. Nagtulungan na sila sa paglilinis ng dining at pati ng kusina, pagkatapos ay nagpasya na rin silang mag-ayos. Dahil pupunta sila ngayon sa mall para bumili ng gamit para sa bata. Pagdating nila sa mall ay dumeritso na agad sila, sa infant section. At namili na agad sila ng mga gamit pati mga damit pambata. Nagtagal sila ng halos isang oras sa mall. Masyado kasi silang na willi parehas sa pagpili ng mga gamit at nag grocery na rin sila. Sa mall na rin sila nag lunch, at pagkatapos ay agad na silang umuwi. Aligaga agad ang kaibigan niya na inayos ang kwarto nito, para mailagay na ang mga gamit ng kanyang magiging anak, pati ang crib na binili nila ay ito na rin ang nag assemble. Kitang-kita sa mga mata nito ang saya at excitement. Maging siya ay natuwa rin sa reaksyon ng kanyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD