CHAPTER 2: Day of birth

1257 Words
Dalawang linggo nang nakatira si Cindy sa kanyang condo. Sa umaga ay mag-isa lang ito sa condo niya. Dahil may trabaho ito at kahit papa'no ay natuto na rin itong magluto, kaya madalas ito na ang nagluluto para sa kanila. Nahihiya rin naman kasi ito sa kanya at, tanging pagtulong lang muna sa bahay ang magagawa nito. Alas tres na nang hapon at busing-busy siya na tinitignan ang schedule ng kanyang boss. Dahil may mga meetings ito ngayong araw, maya-maya pa ay tumawag sa kanya, ang kaibigan at agad naman niya itong sinagot. [Hello Cin?] [Hello? Alhena manganganak na ako ngayon] Napasinghap siya sa sinagot nito, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Dahil may next meeting pa ang boss niya at marami pa siyang kailangang gawing reports. "ANO! Oh, sige ganito Cindy tatawag ako ng ambulansya para sundo-in ka diyan sa condo ko ha? Tapos susunod na rin ako okay?” Tarantang-taranta na siya, dahil hindi niya na alam ang gagawin niya. “Basta breathe in, breathe out ka lang muna diyan," dagdag niya pang saad sa kabilang linya. Dahil hindi niya inasahang ngayong araw manganganak ang kanyang kaibigan. Alam niyang kailangan siya ngayon ng boss niya pero mas higit, siyang kailangan ng kaibigan niya. Kaya kahit, malagay siya sa alanganin ay naglakas loob pa rin siyang nagpaalam sa boss niya. No'ng una ay uminit nga ang ulo ng boss nito pero, nagpumilit siya at nagmamakaawa, kaya wala na ring nagawa ang kanyang boss. Agad na siyang tumawag ng ambulansya para kunin ang kaibigan niya sa kanyang condo.Pagkatapos ay mabilis rin niyang tinungo ang hospital kung saan dadalhin ang kaibigan. Minuto ang lumipas ay nasa hospital na siya, halos magkasabay lang din ang dating nila roon. Agad ng dinala ang kaibigan niya sa delivery room. Napuno naman siya ng takot at kaba, habang nanganganak ang kanyang kaibigan. Hindi kasi niya alam kung ano na ang nangyayari roon sa loob. Ilang minuto ang lumipas ay tuluyan, nang nagsilang ng healthy baby boy ang kanyang kaibigan. Agad na rin silang nilipat sa private room para do'n na sila makapagpahinga. Buhat-buhat na ng kanyang kaibigan ang munting anghel nito, habang nakaupo ito sa kama. "Hey stop crying, baka ma stress ka agad niyan," ani niya naman niya sabay haplos sa buhok nito. "Sobrang saya ko lang kasi ngayon, Alhena ang gwapo-gwapo ng anak ko o," naluluha nitong anas. "Oo nga, kaso parang di nagmana sayo ang mukha ni Baby Gavin," may halong panghihinayang niyang sagot. “Tama ka, minana lahat ni Gavin ang buong pagmumukha ng kanyang ama, siya ang laging magpapa-alala sa'kin na minsan ko iyong minahal pero kahit kailanma'y, hinding-hindi ko siya hahayaang makita niya si Sammuel. Hinding-hindi," mahabang lintaya pa nito sa kanya, at diniinan pa nito ang huling sinabi. Agad namang tumulo ang mga luha nito dahil sa sakit na nararamdaman nito. Ngunit maagap din nitong pinahiran ang sarilli nitong mga luha. KINAUMAGAHAN, pinuntahan sila ng OB-GYNE ng kanyang kaibigan. At may masamang balita itong dala. "Kamusta ang pakiramdam mo, Mrs?" tanong ng doctor sa kaibigan nito. "Okay, naman ho doc," nakangiting tugon ng kaibigan. "I'll be frank with you Mrs. I discovered that you have heart failure, hindi mo ba ito alam?" deretsong tanong ng doctor nito sa kaibigan. Agad naman silang nagkatinginan dahil sa sinabi ng doktor. Kapwa nila hindi iyon inasahan. "Huwag ho kayong mag-alala doc, once ma resitahan niyo na po ng gamot si Cindy bibilhin na lang po namin," magalang na tugon naman ni Alhena sa doktor ni Cindy. "I'll be honest with you guys, Cindy mas kailangan mong ma operahan hindi na magiging sapat ang mga gamot." Mas kinabahan si Cindy sa sinabi ng doktor at maging si Alhena ay ganun din. Natatakot si Cindy para sa kapakanan ng anak. Dahil masyado pa itong bata kung sakali mang mawala siya kahit anumang oras. Walang rin naman kasi itong sapat na pera para sa operasyon nito, at nahihiya naman ito kung pati iyon ay iaasa pa niya sa kaibigan. Pagkatapos sabihin ng doctor ang katakot-takot na balita ay nagpasya na itong lumabas. Paglabas ng doktor ay agad naman silang nabalot ng katahimikan, at nakita na lamang ni Alhena ang pagtulo ng isang butil ng luha ni Cindy, habang pinagmamasdan nito si Gavin. "Tahan na Cin, everything will be alright, huh?" She comforted her friend, at tinabihan niya ito sa kama. Cindy wiped her tears. "Alhena kung sakali mang mawala na ako, gusto ko mangako ka sa'kin na hinding-hindi mo pababayaan, ang anak ko,” malungkot nitong saad. Hindi naman inasahan ni Alhena ang sinabi sa kanya ng kaibigan. Dahil 'pag nagkataon nga na mawala nga si Cindy, ay hindi rin niya alam ang gagawin. Para sa bata kaya, hangga't kaya niya ay tutulungan niya ito. Kung kailangan niyang pag ipunan ang operasyon nito ay gagawin niya huwag lang ito mamatay. KINABUKASAN, nakauwi na sila sa condo at pagdating nila ay nagsipahinga na muna sila sa kani-kanilang mga kwarto. At kinagabihan ay nag pa deliver na lamang sila ng hapunan dahil kapwa pa sila pagod. Pagdating ng pagkain ay agad na rin silang kumain, kapwa tahimik lang silang kumakain hanggang sa matapos sila. Ramdam nila ang lungkot at pangamba ng isa't-isa, hanggang sa nagpasya na si Cindy na balikan nito ang anak sa mismong kwarto ng mga ito. Kasalukuyan nang pinapatulog ni Cindy ang anak nito. Nang biglang kumatok naman siya sa pintuan ng kwarto nito. "Pasok," sagot naman nito agad sa kumakatok, at agad namang bumukas ang pintuan at si Alhena ang iniluwa roon. "Tulog na ba ang poging bata?" nakangiting tanong agad ni Alhena sa kanya at lumapit pa ito sa kanila ni Gavin. "Oo, tulog na siya," sagot naman niya, habang pinagmamasdan ang tulog nitong anak. "Cin, huwag kang mag-alala ha? Ma o-operahan ka tutulungan kita," saad ni Alhena na tuluyang nagpatulo agad ng kanyang mga luha. "Napakaswerte ko't ikaw ang naging kaibigan ko, Alhena," buong puso naman nitong pasasalamat. "Pero hindi mo na kailangang gawin iyon dahil tanggap ko na...na mamamatay akong masaya, dahil naisilang ko si Gavin.” At hindi naman inasahan ni Alhena ang tugon ng kanyang kaibigan. Ayaw niyang mawala ito dahil may anak na ito, at higit sa lahat ay hindi niya alam ang maaari niyang gawin kung sakali mang iwan sa kanya ni Cindy si Gavin. "Cin, mas higit kang kailangan ng anak mo kaya tatagan mo ang loob mo, gagaling ka tutulongan kita.” Pero isang iling lang ang sinagot nito sa kanya. Pagkatapos ay nilagay muna nito ang anak sa crib at tinungo ang drawer nito. Nakita niyang may kinuha itong isang bagay mula ro'n. "Alhena tandaan mo ang mukhang ito, siya si Sammuel Lagdameo siya ang ama ni Gavin.” Inabot nito sa kanya ang isang litrato. Isang lalaking matipuno, gwapo at pormal ang kasuotan ng lalaki ang nasa litrato. “Kilala ko ang pamilya nila Alhena, lahat kaya nilang gawin makuha lang si Gavin, kaya parang awa mo na inangatan mo't alagaan ang anak ko,” dagdag at pakiusap pa nito sa kanya. Hindi niya alam ang kanyang mararamdaman ngayon. Naghahalo na ang takot, kaba at pag aalinlangan. Hindi niya alam kung pa'no alagaan ang bata at kung paano ito palalakihin ng tama. Kung sakaling mang mawala nga ang kaibigan nito. Dahil isa lamang siyang dalaga at wala pang alam pagdating sa pagiging ina. She sighs. “I well, Cindy.” Kahit punong-puno siya ng pag-aalinlangan, ay sinang-ayon pa rin niya ito. Goodluck Alhena. Agad naman siyang niyakap ng kanyang kaibigan at sinkulian rin naman niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD