11

1049 Words
Chapter 11 3rd Person's POV Lumabas si Jackson sa room niya. Wala pa din sina Paige sa living room kaya pumasok si Jackson sa room ni Paris. Tulog pa din ang babae kaya sinara ni Jackson ang pinto at naglakad palapit sa kama. Tanging puting manipis na black night dress lang ang suot ng babae kitang-kita ngayon ni Jackson ang mahaba at maputing hita ng babae. Bakat na bakat din sa night dress ng asawa ang perpektong kurba ng katawan ng babae at ang dibdib nito. Umiling-iling si Jackson at pilit na ginising ang sarili. Kailangan niya gisingin si Paris. Siguradong sasakit ang ulo nito kapag nagising. Tumungo muna si Jackson sa bathroom ng babae at hinanda ang paliguan ng asawa. Sinigurado ni Jackson na warm iyon. Ginusot ni Jackson ang ilong. Naadik siya sa amoy ng bathroom dahil sa natural scent nu Paris. Lumabas ang lalaki sa bathroom at lumapit muli sa kama. Umupo ang lalaki sa gilid ng kama. "Hindi kaya suntukin ako ni Paris kapag ginising ko siya?" ani ni Jackson. Umiling-iling ang babae at hinawakan ang balikat ni Paris. "Paris," ani ni Jackson. Ginising niya ang babae. Minulat ng babae ang mga mata at nag-unat. Napaubo si Jackson kaya napatingin si Paris. Bumangon ang babae at natawa. "Muntik na kita hindi makilal—" Napatigil si Paris at napahawak sa ulo. Biglang pumintig ang ulo niya kaya agad ba tumayo si Jackson at nagsalin ng tubig galing sa study table. Hinanda niya iyon before siya mag-prepare ng breakfast. "Pasensya na. Ginising kita— alam ko sasakit ulo mo kapag sumobra ka pa sa tulog. Past-10 na," ani ni Jackson at nag-abot ng gamot. "Don't worry. Pwede iyan kahit wala pang laman ang tiyan mo," ani ni Jackson. Agad na kinuha iyon ni Paris. Pinainom siya ng tubig ni Jackson. "Nilagyan ko na ng warm water ang bathtub. Maligo ka na habang mainit pa— may mga pagkain pa din sa lamesa," ani ni Jackson at tumayo. "Pupunta na kayo ng school?" tanong ni Paris. Yumuko si Jackson at hinapit ang bewang ng babae. "Yes— uuwi din kami after namin makabili ng mga school supplies," ani ni Jackson at hinalikan si Paris. Agad na binaba ni Paris ang baso at pinulupot ang dalawang kamay sa batok ng lalaki. Sinagot ang halik ni Jackson. Bumaba ang halik ni Jackson sa leeg ng babae at binigyan ng munting halik ang babae sa leeg. "Mag-shower ka na baka naghihintay na sa akin sa labas sina Paige," ani ni Jackson at lumayo. Hinalikan niya sa noo si Paris at walang lingon na tinungo ang pinto. Natawa si Paris matapos makitang namumula ang tenga ni Jackson paglabas ng kwarto. Binaba ni Paris ang mga paa sa kama. Napangiwi ang babae matapos biglang sumakit ang balakang niya. "The heck as if ito ang first time ko," ani ni Paris. Nanginginig ang mga hita niya. — Namangha si Jackson matapos sila makarating sa university na papasukan nila ni Paige. Pagbaba nila agad siya naging agaw pansin hindi dahil sa gwapo siya. Kung hindi dahil sa dalawang babaeng napaggigitnaan siya. Napasapo sa noo si Jackson— ayaw niya ng atensyon. "Husband! Ayon ang faculty tara na," ani ni Paige at hinawakan si Jackson. Hinawakan ni Dahlia ang kabilang kamay ni Jackson at sinabing kung gusto mauna ni Paige ito na lang mag-isa. "Hey— huwag kayo magtalo dito. Ang daming tao," saway ni Jackson sa dalawa. Hinawakan ni Jackson ang kamay ng dalawa kaya natahimik na ang mga ito. Nagmukha na siyang playboy sa lagay na iyon. Napansin na lang ni Jackson na halos lahat ng lalaki na nadadaanan nila ay masama ang tingin sa kaniya matapos mapako ang tingin kina Dahlia. Jackson Ortega's POV Siguro kailangan ko ng sanayin ang sarili ko at mag-focus na lang sa pag-aaral at kina Dahlia. Kung pagtutuunan ko pa ng pansin ang ilang bagay lalo na kung paano tumingin sa akin ang mga estudyante din na lalaking nandoon ay mababaliw ako. "Tinatawag ako sa loob. Hintayin mo kami dito," ani ni Paige. Hinalikan niya ako sa labi. Sumunod si Dahlia at sinabing sandali lang din siya. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila iyon o wala lang talaga silang pakialam. Maraming babae at lalaki sa pila ang nakatingin ngayon sa akin. Bakit hindi nga naman? Dalawang diyosa ba naman ang humalik sa palaka diba? I mean sa akin. Paano pa kaya kung makita pa ng mga ito si Paris baka itali na lang ako ng mga ito sa poste at sunugin ng buhay. Sumandal ako sa poste at nag-cross arm. Hindi naman ako pangit pero hindi siguro iyong level ko ang kababaliwan ng dalawang babae na katulad ng magkakapatid na Rivas. Nagkibita balikat ako. Whose care diba? Asawa ko na sila. Napangisi na lang ako sa idea na atensyon ko lang nag gusto nila. "Ayoko! Gusto ko ng lumipat ng school!" Napatayo ako ng maayos matapos makita ko si Paige na palabas ng faculty. Naiiyak itong lumapit sa akin at yumakap. Tiningnan ko si Dahlia na gusot ang mukha habang may hawak na dalawang envelop. Niyakap ko pabalik si Paige at tinanong si Dahlia kung anong nangyari. "Nasa last section ka at first section si Paige. Pinagpipilitan ni Paige na gusto ka niya maging classmate," sagot ni Dahlia. Nagtaka ako. "Nandito pa lang tayo para magpa-enroll paanong may schedule na ako at section," tanong ko. Ngumiwi si Dahlia at sinabing ini-enroll na nila ako online after nila mahanap ang dati kong school. Hindi na ako nagtanong dahil halata naman pina-background check nila ako at walang hindi nagagawa ang pera. "Gusto ko lumipat ng school. Gusto ko classmate tayo," ani ni Paige at tumingin sa akin na gusot ang mukha. Natawa ako. "Mababa ang grade ko. Kahit saan tayo pumasok na school first section ka at last section ako," ani ko. Nagmaktol si Paige at sinabing hindi. "Papapuntahin ko si ate Paris dito. Hindi ako papaya—" Hinalikan ko ito sa labi para pakalmahin ito at patigilin. "Ihahatid at susunduin kita sa classroom mo okay? Sure naman ako na may pagkakataon na magkaklase tayo kahit ilan sa mga subject natin." Sumimangot si Paige at kalaunan ay pumayag na din ito. Inasikaso ni Dahlia ang mga requirements namin ni Paige at kinuha ang schedule namin na dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD