14

1086 Words
Chapter 14 3rd Person's POV Hinipan iyon ni Jackson kaya napangiti si Dahlia. Unti-unti ng uminit ang kamay ni Dahlia. Hinubad na ni Jackson ang coat ng babae at sinabing aayusin niya iyong mga pinamili ni Dahlia. "Magbihis ka na muna," ani ni Jackson. Hinalikan ang babae sa labi— ngunit hindi doon kuntento si Dahlia kaya hinawakan niya ang pisngi ni Jackson at hinalikan ito ng mas malalim. "Sabay tayo kumain," ani ni Dahlia. Ngumiti si Jackson at sinabing sige. Tumalikod na ang babae at lakad takbo na tinungo ang sariling room. Nilabas ni Jackson ang mga biniling pagkain ni Dahlia sa labas at nilagay sa lamesa. Mainit-init pa iyon. Maya-maya lumabas na si Dahlia sa room niya. "Once a week lang magbukas iyong shop na pinagbilhan ko ng mga iyan. Pumila pa ako para makabili 'nan. Gusto ko matikman mo," ani ni Dahlia at kinuha iyong tinapay. Iniuwang iyon sa bibig ni Jackson. Kumagat doon ang lalaki at hinaplos ang buhok ni Dahlia. "Kahit na. Dapat nagsabi ka pa din sa akin para naman nasamahan kita," ani ni Jackson. Tumawa si Dahlia at sinabing sorry na. Kumagat si Dahlia sa tinapay na kinagatan ni Jackson. "Luto lang ako ng breakfast. Maaga pa pasok niyo mamaya ni Paris," ani ni Jackson. Lumapit sa fridge ang lalaki at nilabas ang mga lulutuin niya. Kinuha niya din ang phone niya para i-check ang mga ingredients ng mga pagkain na balak niyang lutuin sa umaga na iyon. Naghiwa ng mga gulay at nag-saing. Kasalukuyan ng naggigisa si Jackson at habang nagluluto siya sinusubuan siya ni Dahlia ng tinapay na walang pag-aalinlangan na kinakain. Dinampot ni Dahlia ang phone ni Jackson ngunit hindi ito pinansin ng binata. Number lang nila magkakapatid ang nandoon— may mga text sa inbox ngunit galing iyon sa hospital at about iyon sa status ng mama ni Jackson sa hospital. "Husband! Goodmorning!" Natigil si Jackson nang biglang yumakap si Paige sa likod niya. Natawa ang lalaki at binati din si Paige. Binitawan ng lalaki ang hawak na kutsara at binigyan ng halik si Paige. Agad naman sumagot si Paige at pinulupot ang braso sa batok ni Jackson. Nang ma-satisfied si Paige. Lumayo na ang babae at kumuha ng tinapay sa lamesa. Para muli itong batang pumulupot sa bewang ng lalaki at sinilip ang ginagawa ni Jackson. "Ang bango ah mukhang masarap." "Malamang ako nagluto," taas noo na sambit ni Jackson. Tumawa si Paige at sinabing mukha lang. "Lagi kayang sobra sa asin ang niluluto mo," basag ni Paige. Ngumiwi si Jackson at sinabing nag-aaral pa lang siya magluto. "Matuto ka naman makisakay minsan," ani ni Jackson at pinisil ang pisngi ng babae. Binaba ni Dahlia ang phone ni Jackson. "Hubby, prepare na ako para pumasok," ani ni Dahlia. Kinabig ni Dahlia ang likod ng ulo ni Jackson at hinalikan ito sa labi. Agad na sumagot si Jackson at hinawakan ang bewang ni Dahlia. — Sa room ni Dahlia paglabas niya ng bathroom nakita niya si Paige na nakaupo sa gilid ng kama. "Anong ginagawa mo dito b***h?" pokerface na sambit ni Dahlia. Umirap ang babae at tinawag na witch si Dahlia. "Nakatanggap lang naman ako ng wierd text na nagbigay ka ng utos sa grupo ko without informing me first," ani ni Paige. Hindi naman bigdeal iyon kay Paige pero sana iniimporma muna siya ng kapatid. Lumapit si Dahlia sa closet niya. Sinabi nitong pagdating sa paghahanap ng mga tao walang pag-asa ang mga tauhan niya kaya inutusan niya ang grupo ni Paige. May binuong grupo ang mga Rivas sa underground na tinatawag na Desireo. Isa ito sa pinakamaimpluwensya at may pinakamaraming miyembro sa underground. Nahati ang mga ito sa tatlo. Pinamunuan ito ng tatlong magkakapatid na Rivas. "Ano pa bang inaasaham sa grupo mo na walang alam gawin ang mga miyembro kung hindi pumatay," ani ni Paige. Napairap si Dahlia matapos buksan ang closet. "Atleast ang grupo ko may silbi— kaysa sa grupo mo mga dekorasyon lang," banat ni Dahlia. Dumilim ang mukha ni Paige. "Kaya pala hinanap mo pa ang grupo ko para lang utusan dahil mga wala din silbi ang grupo mo." Nagsukatan ng tingin ang dalawa hanggang sa bumukas ang pinto ng room ni Dahlia. Napatigil ang dalawa matapos pumasok si Paris na tanging suot lang ay manipis na nighties. "Dahlia, anong klaseng kalat na naman itong ginawa mo? Kung gagawa ka ng krimen huwag kang mag-iiwan ng ebidensya sa crime scene." Tumawa si Paige matapos marinig iyon. Tinanong ni Paris kung paano na naman na-offend si Dahlia ng mga babaeng kasalukuyan ngayon nasa headline. "Balak ng mga babaeng iyan ipakaladkad si hubby sa mismong shop ko and worst nilait nila si Jackson. Napanood ko ang CCTV," ani ni Dahlia. Kinuha ni Dahlia ang phone niya na nakapatong sa lamesa at binato iyon kay Paris na agad naman nasalo ng babae. "Bakit ang tagal ni Paris maligo?" tanong ni Jackson habang nakaupo sa sofa. Hindi pa din lumalabas sina Dahlia kaya binuksan ni Jackson ang t.v Balak nito ilipat ang channel nang maagaw ng balita sa t.v ang atensyon ni Jackson. Nakita niya sa screen ang mga litrato ni Jessie. "Kung sino 'man ang gumawa nito sa anak ko! Masunog sana ang mga kaluluwa niyo sa impiyerno mga hayop!" Iyak ng iyak ang nagpakilalang ina ni Jessie sa likod nito ay ang ina ni Rica at Jane. Ayon sa balita walang awa daw pinabugbog ang tatlong babae and worst ni-rape ang mga ito. "Ang bilis naman ng karma nila," ani ni Jackson na natatawa. Kilala kasing bully ang tatlo sa university nila at talagang sobrang tataas ng tingin sa sarili. Ngayon naalala niya iyon may naging issue sa university nila na may isang estudyante ang nag-suicide dahil sa pamamahiya nina Jessie. Sumandal si Jackson sa sofa at maya-maya pinatay niya na ang t.v matapos makita sina Paris na patungo sa living room. Napatigil si Jackson matapos makitang hindi maganda ang mood ni Paris. Tumayo si Jackson at sinundan ang tatlo sa kusina. "Paris, anong problema?" tanong ni Jackson. Binuksan ni Paris ang fridge at sinabing wala. Sinabi ni Paige na bumagsak na ang company ni Paros. "Will you shut up!" iritable na sambit ni Paris. Naggigitgit siya sa mga oras na iyon. Kumagat si Dahlia sa tinapay— sa isip ni Dahlia dapat sumunod siya sa instinct niya na patayin na ang mga babae. Wala sa mood si Paris dahil dapat pinatay ni Dahlia ang mga babaeng iyon at hindi na hinayaan pang mabuhay. Naiinis siya sa kapatid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD