06

1115 Words
Chapter 06 3rd Person's POV Hindi alam ni Jackson kung anong sitwasyon na iyon basta sa mga oras na iyon parang lumipad ang kaluluwa niya kung saan nang mai-open ni Paige ang nangyari sa kanila kagabi. "Madaya! Dapat ako first ni Jackson," ani ni Dahlia. Masama ang mukha ni Dahlia dahil doon at tiningnan niya si Jackson. "Pa-practice lang dapat iyon eh. Huwag ka ng magalit," ani ni Jackson na hindi alam kung paano susuyuin si Dahlia. Napa-pokerface si Paris. "Pwede ba kumain muna tayo. Ikaw Paige— uminom ka ng pills mo nag-aaral ka pa," bilin ni Paris. Napatingin si Jackson. Hindi talaga alam ni Jackson kung anong sitwasyon meron sila. Hindi ba masyadong wierd ang sitwasyon na iyon para sa kanilang apat. "Ayos lang ba talaga sa inyo iyong ganito? I mean— hi-hindi ako nagrereklamo pero hindi ba masyadong unfair. Nagsha-share kayo sa iisang lalaki? Normal ba ito?" tanong ni Jackson. Napatigil ang tatlo at lumingon kay Jackson. "Para sa amin normal lang iyong ganito— ayaw mo ba?" ani ni Dahlia at nilapit ang bibig sa tenga ni Jackson. "Isipin mo na lang kung ilang libong lalaki ang naghahabol sa aming tatlo at umaasang matikman kami. Hindi mo ba alam kung gaano ka kaswerte kasi napunta kami sa iyo?" ani ni Dahlia at hinawakan ang hita ni Jackson. Natawa si Dahlia at umayos ng upo. Sinabi ni Dahlia na ayos lang iyon. "Huwag mo kaming alalahanin dahil kung may dapat kang alalahanin sarili mo iyon," ani ni Dahlia at humalumbaba. Tiningnan niya si Jackson. Ngumiti ito ng may kahulugan. Nagtaraasan ang balahibo ni Jackson dahil doon. After nila kumain ng breakfast nagpaalam na si Paige na babalik sa room niya. Inaantok siya at talagang masakit ang balakang niya. Medyo nag-worried doon si Jackson kaya dinalhan niya ito ng pain reliever sa room nito. Paglabas niya ng room ni Paige nakita niya si Paris na nagpe-prepare na para pumasok sa opisina. Lumapit si Jackson nang makitang kinuha na ni Paris ang gamit niya. Napatingin si Paris— lumapit si Jackson. "Ingat ka sa pagpasok," ani ni Jackson at ngumiti. Hinalikan niya sa noo si Paris bago sa labi. Nagbago ang expression ni Paris at agad na hinawakan ang likod ng ulo ni Jackson. Mas pinalalim niya ang halik kay Jackson hanggang sa kapusin si Jackson ng hininga. "Kapag aalis kayo iyong binilin ko na—" "Kokontakin kita agad. Yes boss!" putol ni Jackson at sumaludo pa. Natawa si Paris at naglakad na palabas ng unit. Tumungo si Jackson sa veranda. Nakikita kasi doon ang parking lot— humawak si Jackson sa railing at maya-maya nakita niya si Paris. Simpleng office attire lang ang suot ng babae ngunit talagang nangingibabaw ang ganda nito. Kahit yata basahan lang suot nito kapag si Paris ang nagdala mukha pa din itong rarampa sa Gala. Nang makita niyang sumakay ito sa pulang kotse at umandar na iyon palabas sa parking lot. Pumasok na sa loob si Jackson at sinara ang glass door. Nilinis niya na ang buong unit. Nagpunas ng mga furniture— naghugas ng plato, nag-vacuum at nag-laundry. Tinuruan naman siya nina Dahlia kaya kampante na si Jackson na magagawa niya na ng maayos ang work niya doon. "Jack," tawag ni Dahlia. Napaayos ng tayo si Jackson mula sa pagkakasandal sa sink at naglakad palabas ng laundry room. "Dahlia?" sagot ni Jackson. Nakita niya na nakatayo si Dahlia sa gitna ng living room. Mukhang hinahanap siya nito sa kusina. "May ginagawa ka pa? Grocery tayo. Wala na tayong stock. Pwede ba?" tanong ni Dahlia. Tumawa si Jackson at sinabing bakit hindi. "Tapusin ko lang nilalabhan kong damit. Kaunti na lang iyon," ani ni Jackson at tumungo muli sa laundry room. Tiningnan niya ang timer. Pumasok si Dahlia sa laundry room— nilabhan pala ni Jackson ang mga damit nila. "Hindi mo na kailangan labhan mga damit namin," ani ni Dahlia. Nilingon siya ni Jackson. "May work si Paris, next week magkakaroon na ng pasok at babalik ka na din sa work mo. Ako lang maaring maglaba nito. Cross my heart. Wala na akong sisiraain na damit," ani ni Jackson. Tumawa si Dahlia matapos maalala last week. Nasira nito ang damit niya. Hindi naman siya nagalit doon dahil kaya niyang bumili kahit ilan 'non. Si Jackson lang talaga mahilig mag-big feal ng mga bagay-bagay and she not found it annoying in some reason. "Hey Jack— can you kiss me?" tanong ni Dahlia na para lang itong nag-utos na bigyan siya ng tubig. "Bakit naman hindi?" ani ni Jackson. Lumapit siya sa babae. Hinapit ang bewang nito at hinalikan siya sa labi. Napangiti si Dahlia dahil wala doon ang rahas either excitement. Masyado iyon passionate and Dahlia found it sweet. Pinalalim ni Dahlia ang halik niya sa lalaki hanggang sa tumunog na ang laundry machine. Napalingon si Jackson. Napasimangot si Dahlia doon at parang gusto niya biglang wasakin ang laundry machine. "Mamaya ulit okay?" Hinalikan ni Jackson ng mabilis ang babae at tumalikod. Napairap si Dahlia at nag-cross arm. Nagbago na bigla ang isip niya. Humawak si Dahlia sa labi niya. "Dahlia, tapos na ako. Shower lang akobat magbibihis. Sandali lang ako," ani ni Jackson. Lumapit siya muli sa babae at hinalikan siya nito sa noo. Hinapit ang babae at humalik muli sa labi nito. "Huwag mong pagdiskitahan ang Laundry machine. Pareho tayong pagagalitan ni Paris kapag sinira mo iyan," biro ni Jackson. Tumatawa itong tumakbo matapos siya sigawan ni Dahlia. "Ano siya manghuhula. Paano niya nalaman na balak ko kanina sirain iyong Laundry machine." — Naka-disguise na si Dahlia ngunit nakakaagaw pa din ito ng pansin sa grocery store lalo na ng mga lalaki. Napa-pokerface si Jackson at hinayaan na lang ang mga ito. Tulak ni Jackson ang cart nang mapansin niya ang cup noodles na lagi niyang kinakain before niya makilala ang mga Rivas— umagahan niya iyon hanggang gabihan dahil bukod sa mura ito masarap din ito para sa kaniya. "Gusto mo ba 'nan?" tanong ni Dahlia. Napatingin si Jackson at nakita niya si Dahlia nasa gilid ng cart. May binaba itong mga meat. "Pwede ba?" tanong ni Jackson. Nahihiya siya. Napataas ng kilay si Dahlia at nagulat si Jackson matapos bilhin lahat iyon ni Dahlia. "Masyadong marami iyan. Kaunti—" "Magagalit sina Paris kapag hindi ko binili gusto mo. Ayos lang na kuhanin mo lahat jg gusto mo at ilagay dito sa cart ako bahala magbayad," ani ni Dahlia. Tinaas ang black card niya at kumindat. Nailing si Jackson at tumawa. Sinabing ayos na iyon sa kaniya. Habang tulak ni Jackson ang cart kumuha pala si Dahlia ng isa sa cup noodles at chineck iyon. "Hindi pwedeng araw-araw ka kakain nito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD