26

1082 Words
Chapter 26 3rd Person's POV Nagpaalam kay Jackson sina Paris. Ini-explain din nito ang about sa sekretong organisasyon na nasa ilalim ng pangangalaga ng mga Rivas. Matagal bago nag-sink in iyon kay Jackson. Sinong hindi magugulat kung malaman mong ang tatlong asawa mo ay pinuno ng grupong tinatawag na Disereo. Ngayon alam na ni Jackson kung bakit kung pumatay ang mga ito ay balewala lang. "Nah, hindi ako mahilig sa mga party at isa pa baka atakihin ako sa puso kapag nakita ko kayonv nagbarilan or what," ani ni Jackson. Tumawa sina Paige at sinabing safe ang hide out nila. "Isasama ka ba naman namin doon kung delikado," ani ni Dahlia habang nakaupo sa kaliwang bahagi ng armrest ng pangisahan na sofa na kinauupuan ni Jackson. "Ayaw ka namin iwan mag-isa dito," ani ni Paige na nakaupo sa kanan na bahagi ng armrest. Hinalikan ni Jackson ang balikat ni Paige. "Ayos nga lang ako at isa pa may bibilhin din ako na regalo para sa inyong tatlo. Hindi ko mabibili iyon kung lagi ko kayong kasama," ani ni Jackson. Napatigil sina Paris. "Anong regalo? Para saan?" tanong ni Paris. Tumawa si Jackson at sinabi ba dapat may dahilan. "Huwag kayong mag-alala babalik din ako agad dito sa unit," ani ni Jackson. Habang nasa biyahe sina Paris patungo sa hide out. Hindi maalis sa isip ng tatlo ang regalo na sinasabi ni Jackson— excited sila in some reason. "Paris, pinasundan mo naman si Jackson diba?" tanong ni Dahlia sa kapatid na nakaupo sa passenger seat. "Hindi nawawalan si Jackson ng kasunod. May mga bantay akong ini-assigned," ani ni Paris. Hindi sa wala silang tiwala kay Jackson— ayaw lang nila mapahamak ang binata lalo na dahil sa trabaho nila. Pinarada ni Dahlia ang sasakyan sa harap ng isang resthouse. Maraming nagkalat na tauhan sa labas ng resthouse na agad mga yumuko matapos bumaba ang tatlong magkakapatid na Rivas. "Mas gumanda ang mga Rivas nice," ani ng isa isa sa tatong nakaupo sa sofa na nasa loob ng resthouse habang may hawak na kopita. Nakita nila ang tatlong babae na ngayon ay papasok sa resthouse. Agad na tumayo ang tatlo. "Akala ko talaga hindi kayo pupunta," ani ni Terron at nagbiro na muntikan na siya magtampo. "Pwede na iyon Terron," ani ni Paige na natatawa at lumapit sa lalaki. Nakipagbeso ito at iyon din ang ginawa ni Dahlia. Kumuha si Paris ng bote ng wine at nagsalin sa kopita. Ganoon din ang ginawa nina Dahlia at tinaas. "Para sa pagbabalik ni Terron Buenavista," ani ni Paige. Napatingin sa kanila ang tatlong lalaki dahila halata naman na may nagbago sa magkakapatid na Rivas. Umupo ang mga ito sa kaharap nilang sofa. Ngunit ngumiti pa din si Terron at tinaas ang kopita. Iniinom ang laman 'non na alak. Umupo na din sina Terron at tinanong sina Paige kung kamusta ang mga ito. "Ayos lang naman busy sa kami sa kaniya-kaniyang career," ani ni Paris at nag-cross legs. Binaba ang kopita at tiningnan si Terron na ngayon ay nakatitig sa kaniya. "Masyado mong ginalingan. Nagawa mong iangat ang mga Rivas na ikaw lang," biro ni Terron. Sumabat si Friolle Tao at natatawang sinabi na nasapawan ang mga Buenavista. Siniko ito ng katabi. "Masyado lang talagang workaholic si ate," natatawang sagot ni Paige. "Alam mo ba Dahlia na kalat ang billboard mo world wide. Lahat yata ng award gusto mo makuha ngayong year," ani ni Yosef Tobias. Ngumisi si Dahlia. "Ganoon ang nagagawa kapag maganda ka," biro ni Dahlia. Nakilala nina Paris sina Terron noong highschool. Kaibigan ng daddy nina Paris ang parents ni Terron. Nag-invest ang mga ito sa company ng mga Rivas at nagtiwala kay Paris. Naibalik iyon ni Paris ng triple sa mga Buenavista at dahil doon naging mas matibay ang samahan nila. Binuhay din nila ang dating grupo ng parents nila para sa protektsyon dahil namamayagpag sa taas ang mga Rivas at Buenavista. Naging magkasangga ang mga Rivas at ang grupo ni Terron sa mga lumipas na taon. Humaba nag usapan hanggang sa napunta ang mga ito sa business at noong past nila. Na-open ang about sa ginawang panre-reject ni Terron kay Paris. "Matagal na iyon at kasal na ako," ani ni Paris at pinakita ang wedding ring niya nagulat sina Yosef. Tinanong kung kailan pa. Sinabi ni Paris ang lahat kina Terron lalo na iyong sinabi ni Paris na nagpakasal silang tatlo sa iisang lalaki. "What! Nasisiraan na ba kayo ng ulo?" ani ni Yosef na may hindi makapaniwalang expression. Nagkatinginan ang mga Rivas at ngumisi. "Nakakalimutan niyo na ba na kapag may may isa sa amin na nagkainteres, bagay, hayop o kahit tao— hindi pwedeng hindi kami pare-pareho," ani ni Paris na may ngisi sa labi. "Iisa ang husband namin and guess what. Kuntento kami bukod sa magkakasama kami sa iisang bahay may pinagkakasunduan din kaming magkakapatid," ani ni Dahlia at tumawa. Alanganin na sinabi ni Yosef na congrats. Ngumiti si Paige at sinabing salamat. Matagal niya ng gusto si Paige— ngunit ni minsan hindi siya nito pinansin laging ang atensyon nito ay kay Terron. Si Friolle naman ay balak niya ng pormahan si Dahlia. Mas gumanda si Dahlia at siguradong mas maghi-hit ang popularity niya kung lalabas na dini-date niya si Dahlia. Pilit na inayos ng tatlo ang expression nila kahit ang totoo ay nakaramdam sila ng disspointment. Kung alam lang nila na sa paglipas ng nga taon ay magkakabaliktad ang sitwasyon nila. Kinuha na nila lahat ng pagkakataon para mapalapit sa tatlo. Sinabi ni Friolle na dapat uminom pa sila. Marami silang ise-celebrate sa araw na iyon. Makalipas ang ilang oras. Nag-ring ang phone ni Paris. Agad iyon kinuha ng dalaga. Sinagot niya iyon matapos makita sa screen ang name ng asawa. "Paris, nakauwi na ako," bungad ni Jackson. Pinakita ang unit nila. Sumilip sina Dahlia at Paige. "Husband!" kumaway si Paige. Tumawa si Jackson at kumaway din. "Namumula mukha mo Paige. Umiinom ba kayo?" tanong ni Jackson. Naibaba ni Dahlia ang kopita sa table. "Mataas tolerance namin sa alak," sagot ni Dahlia at sumilip. "Huwag kayo gaanong uminom at magpakalasing. Hindi ko kayo masusundo please lang," ani ni Jackson at pumasok sa kusina. Tumawa si Paris at sinasabing tuturuan niya si Jackson mag-drive. "Tiyaka na kapag nabilhan niyo na ako ng sasakyan na second hand. Natatakot ako magasgasan mga sasakyan mo sa parking lot," sagot ni Jackson. Mukhang nakalimutan na ng tatlong babae na nasa harap nila sina Terron. "Dito ba kayo magdi-dinner? Magluluto na ako."

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD