Kabanata 22
Kith’s POV
“Ako naman ang magpapakilala.” Naagaw ko ang kanilang pansin. Ilang saglit lang ay mataman na silang nakatingin sa akin. Nakikinita ko sa kanilang mga mata ang kagustuhang malaman ang mga pangyayari sa buhay ko, bago pa man ako napunta sa kung saang lupalop man ito ng mundo.
“Katulad niyo, hindi rin madali ang buhay ko sa paaralan ng El Federico. Iyong pakiramdam na palagi kang out of place, iyong pakiramdam na kahit na anong gawin mong pananahimik ay ginugulo ka pa rin. Kahit na anong gawin mo---hindi ka pa rin nilulubayan ng mga kaklaseng mapanghusga at mapang-api.” Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng aking damit.
Tumatatak kasi sa isipan ko ang sakit na dulot ng iilang tao sa akin nang nandoon ako sa mundo ng maraming mapanakit na tao.
…
“Kith, nandiyan sa labas ang sundo mo.” Tawag sa akin ng isa sa aking mga kaklase.
“Sundo? Sino?” naitaas ko ang aking kilay, may sarili naman akong sasakyan, kaya wala akong naiisip na sundo. Saka kaya nga ako binigyan ng sasakyan nila mommy and daddy just to make sure na mas mapapadali ang transportation ko from our house to school. At isa pa, ang mga driver ng parents ko ay may kanya-kanyang mga sasakyan din, kaya gamit na gamit nila ang mga personal drivers.
Noong sixteen ako binilhan ng parents ko ng sasakyan, which is ikinagulat ko talaga. Dahil hindi ko expected.
“Yes, kaya go na, at kanina pa siya naghihintay sa iyo.” Naiiling na lang ako. Sino naman kaya iyon?
Nasa akin lahat ang pares ng mata ng mga estudyanteng nadadaanan ko. May ibang todo snob pa. Hindi ko naman alam kung ano ang kasalanan ko. Saka I am not planning though na puntahan ang kung sino mang sinasabi nilang sundo ko. Because I have my own car.
I am holding now my car key, naglalakad na nga ako papunta sa parking area. Panay rin ang bulungan nila, which is hindi naman na bago. Kasi nga palagi naman nilang ginagawa iyan in their daily lives.
They judge, even though wala kang ginagawa.
My mind is at peace when I walk towards the parking area, when suddenly, someone bumped me. And then say sorry.
Okay na sana ang paghingi nito ng sorry pero---.
“Sorry po, Ma’am. Hindi ko po sinasadya.” Nagmamadali naman itong umalis.
Sa puntong iyon, I don’t know kung ano ang maramdaman ko, maiinis ba o matatawa. Well, hindi na bago sa akin iyon, just like what I’ve said earlier. Sanay na ako sa mga ganoon.
They find me as older as them, where in fact, pareho lang naman kaming estudyante. And I am only a seventeen years old student.
“Are you okay? I saw you earlier with that student who stupidly bumped you.” When I heard his voice, there is something inside my stomach that constantly felt shivers through my spine. I don’t know how I act. Bakit ba kasi siya nandito?
“Tara, ihahatid na kita sa inyo. Where’s your car key?” wala sa sarili kong inabot sa kanya ang susi ng aking sasakyan. Hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko sa puntong ito. Ang nasa isip ko lang ay ang mga nagsisilabasang mga fireworks sa aking paningin sa tuwing tinititigan ko siya.
He’s my long time crush, ang nag-iisang kaibigan na mayroon ako simula pa noong pagkabata. Yeah, he’s my childhood friend and a family friend.
“Siya nga pala, bakit ka nga pala nandoon kanina sa parking lot?”
“Huh? Ahh, siyempre, sinusundo ka.”
“Sundo?” nag-iwas ako ng tingin. Kasi naman, baka makita niya ang pamumula ng aking pisngi. Ayaw kong malaman niyang kinikilig ako.
“No need naman kasi, dahil may sasakyan ako. I can drive.” He smiled. And after that, he holds my hand.
“Sos ano ka ba, para ka namang iba sa akin. Saka actually may favor sana ako, eh.” mas hinigpitan pa niya lalo ang aking kamay. Kaya mas lalo akong nawala sa aking sarili, nanlambot na lang ang katawan ko dahil sa kanyang pagkahawak.
“Anything.” Ano pa nga ba ang sasabihin ko? Wala, eh. Pagdating sa kanya. Mahina ako.
“Hmm…talaga? Hmm…ganito kasi iyon. I have an outing with my friends, kilala mo na naman sila.” Tango lang ako nang tango.
“Gusto ko sanang manghiram sa iyo ng car, kahit ngayong gabi lang. Promise, ibabalik ko kaagad sa umaga. Saka tonight lang naman--.”
“Can I join?” napanganga naman siya sa sinabi ko. Gusto ko lang talagang sumama. Basta siya ang kasama ko, hindi ko na naiisip ang mga taong laging nangmamaliit sa akin. I will try to join them na kasama ang childhood friend ko. Natitiyak ko namang hindi niya ako pababayaan doon.
“Hmm…are you sure?” pinasadahan niya ng tingin ang kabuoan ko, Hindu ko na lang pinansin pa iyon. Nagpunas siya ng kanyang baba saka napakagat labi.
“Okay, sige. Just make sure na nakapagbihis ka na after kitang maihatid sa bahay ninyo. Saka pagdating ko, make sure na ready ka na. Okay?”
“Yeah!” malapad na ngiti ang pinakita ko sa kanya. Nahihibang talaga ako pagdating sa lalaking ito.
“Nandito na tayo,” in-unlock naman kaagad nito ang pinto ng sasakyan, kaya pinihit ko kaagad ito para makalabas na ng tuluyan.
“See you later.” Tumango lang siya at pinaharurot na niya ang aking sasakyan.
Kumaway-kaway pa ako hanggang sa hindi ko na kita ang sasakyan na minamaneho niya.
“Oo nga pala, dapat dalian ko ang pagbibihis.” Mabilisan kong tinahak ang loob ng bahay. Pinagtitinginan pa ako ng mga kasambahay namin. Saktong wala naman sila mommy at mommy dahil abala sa kanilang mga trabaho sa kompanya.
I will call her na lang siguro mamaya na aalis ako ng bahay kasama si Adonis.
Mom, I’ll be out tonight. Kasama ko naman si Adonis, kaya don’t worry.
Thank you, mom. Pakisabi na lang din kay dad.
Bye.
Nag-ayos na ako ng sarili. Sana magustuhan ni Adonis ang suot ko ngayon.
“Miss Mindy, nasa labas na po si Sir Adonis.”
“Thank you, Manang. I got to go.”
Muntikan na akong mapatid sa suot kong saya. Hanggang binti kasi ang taas nito, plus naka-boots din ako.
“Adonis!” tawag ko sa kaibigan. Napalingon naman siya kaagad sa gawi ko nang kaagad ring napalis ang ngiti sa kanyang mga labi.
Ewan, pero mukhang may mali yata sa reaksiyon niyang iyon. Kaagad na akong naglakad palapit dito. Nang hindi pa nga kami nakaalis.
“Sigurado ka bang iyan ang susuotin mo?”
“Huh? May mali ba sa suot ko, Adonis?”
Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Beach ang pupuntahan natin, hindi church gathering.” Sabay pakawala niya ng halakhak na tawa. Naestatuwa ako sa ipinapakita niyang reaksiyon ngayon. Parang sa isang iglap lang nag-iba ang Adonis na kilala ko.
“What’s wrong with my attire?”
“What’s wrong?” ‘di makapaniwala niyang buga ng hangin saka ibinalik ang mga mata sa akin. “Ponytail with yellow rubberbands, plus turtle necked brown longsleeves, may nakapaibabaw pang croptop white shirts. At iyan, iyang suot mong long faded denim skirts, at-at naka-boots pa! What the---if I were you, hindi na lang ako sasama, I am sure pagtatawanan ka lang ng mga kaklase natin.” Walang habas pa niyang pag-isa-isa sa mga suot ko.
“Kaya ka laging binu-bully, dahil na rin sa suot mo. Mayaman ka naman, Kith. Kaya pwede mong ibagay ang sarili mo sa trend. Bakit ba lagi mong iniiwan ang sarili mo sa sinaunang tao. You look like an old maiden. I am sorry to say that, but I am being honest to you, because I am your fr---.”
“Should I say thank you for that?”
“Of course. Hmm. Huwag ka na lang sumama tonight, maybe next time. Saka ibabalik ko ang car mo na ito, promise. Bye!”
Wala ako sa isip na bumaba ng sarili kong sasakyan, lutang na lutang ako, wala akong lakas na maglakad. Saka wala akong lakas makipag-argumento. Kasi naman, akala ko tanggap niya, tanggap niya ang pananamit kong ganito. Masama bang maging konserbatibo? Lahat na lang ba ng millennials ngayon, gusto ganito ganiyan? Huh!
“May araw rin kayo sa akin, binigyan niyo ako ng dahilan para kamuhian kayo. Akala kong kaibigan, tanging mga bagay lang pala na mayroon ako ang kailangan. Ang tigas din naman ng mukha. Nagawa pa akong bastosin ng harap-harapan.” Todo kapit na ako sa aking bag na nakasabit sa aking balikat.
“Oh, akala ko ba aalis ka?”
“Hindi na po, Manang. Bigla kasing hindi naging maganda ang aking pakiramdam.”
“Kailangan mo ba ng gamot?”
“Hindi na po, magpapahinga na lang po ako, sige po. Papasok na po ako sa silid ko.”
Hindi ko na hinintay ang kasambahay na may sabihin pa, nagmadali na akong umakyat ng silid. At marahas na isinalampak ang aking katawan sa malambot kong kama.
“You broke my trust, Adonis.”
Tinignan ko ang aking phone nang may nag-vibrate, nang may nagliwanag na hindi ko alam kung ano, aksidente kong nahawakan ang screen ng aking cellphone nang kaagad napunta sa lugar na ito ngayon.
“Grabe naman iyang Adonis na iyan!” gigil na sigaw ni Hamina.
“Kalma ka nga, Hamina.” Natawa naman ako sa inasal ni Hamina, ngayon lang kasi may ganoon sa akin.
“Bakla ang Adonis na iyon, hindi marunong mag-appreciate ng babae.” Si Ave naman ngayon ang nagsalita, sabay ayos ng kanyang salamin sa mata.
“Oh? Bakit sa akin ka nakatingin, Deeve?” puna naman ni Aztar.
“Gago! Hindi ako bakla!” sigaw naman ni Aztar.
“Wala naman akong sinabi ah!” katuwiran pa ni Deeve. Nang tumayo si Aztar, kaya tumayo na rin si Deeve. At ayon naghabulan na nga ang dalawa.
Nangingiti ako sa mga kabaliwan ng mga kasamahan ko ngayon, pati sina Ave at Hamina, naaliw na rin sa dalawang naghahabulan.Mistualng mga bata na nagtutuksuhan.
Kung sana ganito rin ang mayroon ako sa mundo ng mga tao, baka masaya rin ang buhay ko. Bakit pa kasi napunta ako sa parte kung saan maraming nanghuhusga.
Sa El Federico sila nag-aaral, pero hindi namin kilala ang isa’t isa. Lalo nang hindi namin inakalang pare-pareho rin pala kaming biktima ng mga panghuhusga at pang-aapi sa El Federico Academy. Nakakalungkot lang isipin.