Kabanata 23

1172 Words
Kabanata 23             “Alam na naman natin ang mga kwento ng bawat isa, kaya sana hindi na tayo magkahiyaan.” Bilang nauna sa kanila rito, ako na ang nagsilbing tigapagsalita sa kanila, which is not my thing nang nasa mundo pa ako ng mga tao.             Sa ilang araw kong pamamalagi sa lugar na ito, mukhang marami na rin ang ipinagbago sa pakikitungo sa kapwa kasamahan ko rito.             “Tama ka, Deeve. At saka wala naman tayong pagkakaiba, kasi nga sa mundong pinanggalingan natin, mga mahihina tayo. Pero rito sa mundong ito, tayo ang magsisilbing daan patungo sa tagumpay ng mga nagbabantay rito sa kagubatan.” Si Aztar ang isa sa masasabi kong naging malapit na rin sa akin, kasi nga siya ang sunod na napunta rito.             “Ano ba ang kasunod nating gagawin?” ani Ave na ngayon ay napaggitnaan namin ni Aztar. Sa aming tatlo kasi siya ang hindi kataasan. Saka gusto niya raw sa gitna maupo. Kaya ayan, pinagbigyan na lang namin ni Aztar.             “Ang pangit naman kung diretso tayo mag-iisip ng mga bagay na maaari nating gawin sa hinaharap. What if up to this night, magsasaya muna tayo, saka mag-bo-bond na rin?” naisip ko naman ang maliit na lawang nakita ko sa banda kung saan ako nagpunta kanina. Kasya kaming lima sa lawang iyon. Pero siyempre, magpapaalam na muna kami ni Eon, bago kami maligo roon. Paano na lang kung may nakatira pala roon, makagambala pa kami ng wala sa oras.             “Magpapaalam muna tayo kay Eon about that, Hamina.” Natango naman si Aztar sa sinabi ko nang taas-kilay, at lukot mukhang titig ng dalawa sa akin, sina Ave, at Kith.             “Sino naman si Eon? May kasama pa pala tayo rito, bukod pa sa inyo?”             Sabay naming tango sa dalawa.             “Saan? Ipakilala mo naman siya sa amin ni Ave.”             Para kaming mga pinagbiyak na bunga sa sabayan naming kilos na tatlo. Nakatingin kami sa puno ng buhay na si Eon na hindi pa nga gumagalaw, dahil sa hindi pa gumagabi.             “Eon, pwede ka bang magpakilala sa mga bago nating mga kaibigan ngayon? Saka may ipapaalam kami sa iyo.” Pukaw ko sa natutulog na puno.             “Sinong kinakausap mo riyan, Deeve?” tanong sa akin ni Ave. Nang sawayin siya ni Hamina.             “Sshh…just watch and learn.” Aniya sa kaibigan. Patuloy lang ako sa paghihintay na gumalaw si Eon. Pati ang mga kasama ko nang lingunin ko’y nag-aabang lang din pala sa mangyayari, ang dalawa walang kaide-ideya sa kung sino ang kinakausap ko, kaya naisip ko kung ano kaya ang magiging reaksiyon nila kung makita nila si Eon.             Nakatingala lang kaming lima sa puno, nang ilang segundo lang din ay nagsimula nang kumilos ang iilang hibla ng dahon sa mga sanga ni Eon. Kaya focus na ako ngayon sa katitig sa kasunod na kilos pa ng kaibigan.             “Tignan niyo, ang puno, gumalaw!” panic na angal ni Ave.             Nakangisi na lang na naiiling si Aztar sa reaksyon ng kaibigan naming nakasalamin. Habang si Hamina naman ay panay lang ang pagpapakalma ngayon sa katabi niyang si Kith nang mahigpit niya itong hinawakan sa kamay, dahil sa kinakabahan siguro ito nang makitang gumalaw nga ang puno.             “Deeve, ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?”             “Naku, Eon, nais lang sana naming magpaalam kung pwede ba kaming maligo sa lawang nakita namin sa may banda roon, nagpaalam kami sa iyo, at baka may nakatira pala roon at makagambala ng ibang elemento.” Bahagyang tumawa si Eon. Ngayon ko lang nasaksihan na tumawa ang isang puno.             “Deeve, ipakilala mo nga muna itong dalawang ito ngayon na manigas na rito sa kanilang inuupuan, lalo na itong si Ave. Hindi na makakilos.”             “H-Huh? Ahh…o-okay lang ako rito, sige lang…mag-usap lang kayo riyan,” awkward na ngisi lang ang pinakita ni Ave. Halatang kinakabahan.             “Ako nga rito, napupuno na sa kurot ni Kith—Aray!” naluluhang turan nito nang kurutin na naman siya ni Kith.             “Kith, Ave, lapit nga kayo rito. Hindi naman nang-aano si Eon, saka ang totoo niyan. Malaking tulong si Eon sa atin. At mabait ang kaibigan natin.” Tumatango-tango naman sina Aztar at Hamina. Para ipakita sa kanilang dalawa nina Ave at Kith na nagsasabi ako ng totoo.             Marahang lumapit ang dalawa, pero nang nasa likod ko na sila, panay naman ang kapit nila sa aking damit. Muntikan pa ngang mapunit ang damit ko sa kapit nila. Naku! Wala na akong ibang damit para murderin nilang dalawa.             “Baka sa kapit niyong iyan, maghuhubad na lang akong kasama ninyo.” Dahil sa nasambit ko, kaagad naman nilang inaayos ang kanilang tayo, saka inayos na rin nila an nagusot kong damit.             “Pasensya ka na talaga, Deeve. Ahh---hello, kaibigang puno. Ako nga pala si Kith.”             “And Ave, yeah, ikinagagalak ka naming makilala. Sana ay maging magkaibigan din tayo katulad ng pagkakaibigan ninyo nina D---what the h--!”             “Help us!”             Sabay nilang sigaw na dalawa, katulad kasi ng nangyari sa aming tatlong naunang dumating, dinala rin ni Eon ang dalawa sa kanyang mga sanga at pinalapit sa kanyang mga bunga na nagsisimula na ring magsilabasan. Hindi pala gabi lang ito lumalabas, sa kung gugustuhin lang pala ni Eon. Kaya pala minsan, kapag wala na kaming pundo, magtataka na lang ako, dahil may maraming nadagdag sa pagkain namin.             Ibinaba naman din kaagad ni Eon ang dalawa, hindi nakatakas sa amin na mapansin ang pamumutla ng dalawang kasamahan. Natawa na lang kami sa kanilang mga mukha.             Walang lakas na humakbang ang dalawa pabalik sa pwesto nila kanina.             “Pwede naman kayong maligo roon, at saka huwag lang kayong masyadong magtagal sa lawa, may malaking isda kasi roon na nagigising tuwing gabi.” Ako naman ngayon ang kinakabahan.             “Huwag na lang pala tayong maligo sa lawa.” Anas ko sa kanila.             “Biro lang, kaibigan. Wala talagang malaking isda riyan. Ang totoo hindi naman tala iyan lawa, isa iyang butas papunta sa ibang mundo. Sa mundo ng mga elementong tubig. Ipagpapaalam ko kayo, para kung sakaling may makakita sa inyo, hindi nila kayo aanuhin.” Mahabang litanya ni Eon. Hindi pa rin ako panatag. Lalo na at butas pala iyon sa ibang mundo na naman ng mga elemento. Nakatatakot.             “Sige, Eon, gusto ko na rin kasi maligo. At magtampisaw, ang sarap siguro roon dahil malamig.”             “Lalo na at may mas malalim pa pala na parte ang lawang iyon.” Dagdag pa ni Hamina.             “Mukhang magandang ideya nga iyon.”             “Tama!”             Sabay pang usal ng dalawa.             “Akala ko ba takot kayo?”             “Huh? Sinong maysabing takot kami?” nagtinginan pa sina Kith at Ave. Napabuntonghininga na lang ako sa kanilang mga naiusal. Wala akong takas sa kanila. Kaya talo pa rin ako. Sumama na rin ako, kahit na kaba pa rin ang sumasakop sa aking puso. Bahala na nga lang. I-enjoy ko na lang ang oras na ito kasama sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD