Kabanata 57

2249 Words
Kabanata 57             Nagising ako dahil sa init ng aking dibdib. Ang kwentas ko pala iyon. Tinignan ko ang paligid ng tent nang wala pa rin ang iba. Mukhang hindi pa rin sila nakapagpahinga simula nang nakatulog ako. Gaano ba ako katagal na nakatulog?             “Eon? May problema ba?” iyon lang ang unang bungad na mga kataga na lumabas sa aking bibig.             “Wala naman, kukumustahin ko lang sana kayo, siyanga pala, asan na ang iba?”             “Nasa labas siguro. Nandito lang kasi ako sa loob ng tent, nagpapahinga. Kaso napamulat ako bigla nang uminit ang kwentas. Ikaw pala ang tumatawag.” Sinabi ko sa kanya ang totoo. Inayos ko ang buhok ko na hindi ko man lang napansin kaninang nagulo dahil sa kaninang pagtulog.             “Pasensya ka na pala kung naabala kita sa pagpapahinga mo. Sa tingin ko naman hindi pa matagal nang nakatulog ka.” Hmm…sa tingin ko nga rin, kasi ganoon pa rin naman ang nakikita kong liwanag sa labas.             “Wala ka bang kailangan?”             “Wala naman, gusto ko lang magpahinga.”             “Ahh, ganoon ba, sige bababa ko na ang tawag ko na ito, tatawag na lang ako ulit mamayang gabi para makapag-usap-usap tayong anim. Nakababagot naman kasi ritong mag-isa. Saka si Vee laging abala sa mundo ng mga tao.” Talaga pa lang abala si Vee roon sa mundo namin. Anon a kaya ang mga nangyayari roon? Saka ang mga pamilya namin. Ayaw ko na lang munang itanong, mukhang wala rin namang alam si Eon.             “Teka lang muna, may itatanong lang ako sa iyo saglit.” Biglang pumasok sa isipan kong itanong ang kaninang mga katanungan na nasa utak ko. Patungkol sa mga nawawalang kalat kaninang umaga.             “Ano naman ‘yon?”             “Tungkol doon sa mga kalat, dahil sa labanang nangyari kahapon. Nagplano kasi sana akong maglinis kanina, kaso nang paglabas ko sa tent, bumungad sa aming tatlo nina Hamina at Kith na malinis na ang paligid. Pati roon sa batis ay napakalinis na rin. Wala man lang bakas ng kung anong labanang nangyari. Ang linis-linis ng paligid, saka ang linaw-linaw na rin ng tubig sa batis. Ikaw ba ang naglinis, Eon?” matagal bago ako sinagot ni Eon.             Mukhang inaanalisa pa niya ang aking sinasabi, o baka, huling dumating ang mga salita ko sa kabilang linya dahil sa connection.             “Ahh, tungkol ba roon? Oo, ako nga. Pinapasabi kasi sa akin ni Vee na linisan ko raw ang mga nagkalat na mga bagay sa paligid ninyo, para raw paggising ninyo ay hindi niyo maalala ng paulit-ulit ang mga nangyayari kahapon.” Atleast ngayon, nasagot na rin ang iilan sa aking mga katanungan.             “Ang mga punongkahoy na nagsibagsakan sa lupa, nasaan na ngayon?” huling nakita ko kasi noong napasabog namin ang higanteng halaman, ay ang mga nagsibagsakang mga punong kahoy sa lupa. Mga wala ng buhay at hindi na kumikilos, dahil lang siguro sa pagmamanipula ng halamang iyon sa mga puno kaya sila nakagagalaw.             “Dinala ko sila sa ibang parte ng kakahoyan, at saka ibinalik sa lupa.”             “Pupuwede pala iyong itanim pabalik? Hindi ba iyon mamamatay?”             “Nalimutan mo yatang hindi ito mundo ng mga tao, Deeve. Kahit naman anong klase ng pananim ang itanim sa lupa rito sa mundo namin ay tumutubo, hindi namamatay, hindi katulad sa mundo niyo na kailangan pang diligan at alagaan para mamukadkad at mabuhay.” Espleka naman niya. May punto naman kasi ang pinagsasabi ngayon ni Eon. Tama siya, pansin ko rin iyan dito. Sa dami ba naman ng mga pananim, kahit naman walang nag-aalaga at nagdidilig ng mga ito ay kusang nabubuhay at lumalaki, hindi katulad sa mundo namin na kailangan pa talagang araw-araw na tignan, baka kasi may mga piste nang dumapo sa mga pananim.             “Kaya pala nabawasan ang mga punongkahoy rito, at mas lalong lumawak ang paligid. Dinala mo pala sa ibang lugar. Pero paano mo nagawa iyon? Ikaw ba mismo ang pumunta rito at ginawa ang mga iyon? O, nandiyan ka lang at may kung anong ginawa ka lang para malinisan ang buong lugar?” nagtataka lang kasi ako, paano niya namang nagagawang linisan ang buong lugar kung hindi siya pumunta rito?             “Sa tulong ni Vee, nagawa kong linisan ang paligid, kahit na nandito lang ako.”             Laglag panga ko sa nalaman, sino ba namang hindi hahanga sa ganoong paraan? Puwede pa lang maglinis kahit na wala ka mismo sa lugar na gusto mong linisan. Tsk.             “Paano naman?” hindi ko mapigilang hindi pa magtanong kay Eon. Gustong-gusto ko talagang malaman kung paano nila nagawang posible ang napakaimposibleng pamamaraan.             “Kung may compass ka riyan sa kwentas mong may nakalagay na mga direksiyon kung saan makikita ang Timog, Hilaga, Silangan at Kanluran. Mayroon ding mapa ng buong lugar namin. Na maaaring palakihin mismo ni Vee at kahit na gaano kayo kaliit ay kitang-kita kayo kung nasaan kayo ngayon. Kaya nga madali lang sa aming magpadala riyan ng kung ano-anong mga pagkain o bagay na kinakailangan ninyo. Dahil sa mapa na pagmamay-ari ni Vee.” Kaya pala, ngayon ko lang talaga nalaman na may ganoong klaseng mapa pala. Para lang virtual map iyon, pero 3D. Ang galing! Gusto kong makita ang mapa na iyon, kung may pagkakataon man.             Sana talaga makita ko kung paano ka posible ang ganoong bagay.             “Nakuha mo ba ang nais kong ipaliwanag? Baka kasi ang gulo kong magpaliwanag. At hindi mo nakuha ang inilararawan kong mapa.” Umiling-iling ako.             “Naku! Ang galing mo ngang magpaliwanag, Eon. Saka nakamamanghang isipin na may ganoong mapa pala. Ang tawag kasi sa ganyan sa amin ay isang virtual map in 3D. Kung saan ay pupuwedeng palakihin at ilapit ang isang lugar para makita ito sa malapitan. Pero ang gamit dito ay isang computer. Alam kung hindi mo ako naiintindihan sa mga bagay na binabanggit ko, Sadyang iyon lang talaga ang tawag namin sa mga bagay na gamit namin doon, na katulad sa ginagawa ni Vee ngayon sa isang mapa na hawak mo ngayon.” paliwanag ko sa kanya, nang sa bawat banggit ko ng mga salitang hindi pamilyar sa kanya ay bakas sa kanyang noo ang pagkalito.             “Ayos lang, saka hindi naman din ako maalam sa mga gamit ninyo sa mundo niyo. Kasi nga hindi pa naman ako nakapupunta roon, si Vee lang. Ako lang ang ginagawa niyang kanang kamay at tigabantay na rin ng lagusan sa Timog. Kung sino ang lalabas at papasok ng lagusan.” May kung ano namang pumasok na katanungan sa aking isipan.             “Tungkol pala riyan, Eon. Kumusta naman ang lagusan? Patuloy pa rin bang naghahakot ng mga bihag si Lucinda?”             “Wala na naman akong napapansing kahinahinala, Deeve. Saka kung mayroon man sinasabi ko rin kaagad kay Vee iyon.”             “Mabuti naman kung ganoon. Baka kasi mas lalong dumami ang bihag ni Lucinda, baka may binabalak pa siyang gawin sa mga kapwa namin estudyante ‘pag nagkataon.” Nagkamot ako ng aking balikat nang may dumapong insekto.             “Iyon nga rin ang ikinababahala namin ni Vee. Kung hindi maaagapan si Lucinda, baka gawin niyang mga alipin ang mga bihag niyang mga estudyante sa El Federico. Kaya hanggang maaari ay hindi na muna namin pinapadaanan ang lagusan.” Anong ginawa nila sa lagusan kung ganoon?             “Anong ginawa niyo sa lagusan, Eon?”             “Nilagyan ni Vee ng harang. Saka may dasal siyang inilagay na hindi maaaring kontrahin ni Lucinda dahil sa mas may kakayahan si Vee kaysa sa kanya. Magkaiba kasi ang kapangyarihan nilang dalawa, kaya labis na lang ang inggit ni Lucinda kay Vee dahil sa angkin nitong kakayahan na wala siya. Kaya nga si Vee rin ang napupusuan ng lahat na siyang mamuno sa lahat ng mga nilalang dito sa mundo namin. Kasi may puso siya at pagmamahal sa kapwa. Hindi katulad niya sadyang ang kapangyarihan lang ang inaasam at hinahangad na makuha. Saka ang posisyon na rin.” Narinig ko na ang kwentong iyon kaya hindi na ako nagulat pa.             “Dati ba, magkasundo ang magpinsan?” curious lang ako, gusto kong malaman kung magkasundo ba sila noon o hindi.             “Dati, oo. Pero nang lumaki sila at napag-usapan ang bagay tungkol sa posisyon sa kaharian. Hindi na naging maayos ang kanilang pagsasama, kay Vee wala namang problema. Pero kay Lucinda lang may kung anong hindi maipaliwanag. Kahit na anong gawin nooong lapit ni Vee kay Lucinda para makipagkasundo, hindi siya nito kinakausap. Kapag may ginagawa si Lucinda na mga bagay na sa tingin naman ni Vee ay mali, sinusuway siya nito, Kaya iyon ang dahilan kung bakit nilalayuan na siya ni Lucinda.”             “Parang away bata lang pala ang nangyari?”             “Parang ganoon na nga, sarado kasi ang isipan ni Lucinda, ang gusto niya lang ay sa kanya lahat ang mga posisyong sa tingin niya ay para lamang sa kanya. Hindi niya iniisip ang kapwa niyang namumuhay rin sa aming mundo. Paano na lang kami kun si Lucinda ang maupong tagapangalaga ng buong kaharian? Saan na lang kami pupulutin? Baka nga gawin niya rin kaming mga sunod-sunoran lang din sa kanya.” Naiintindihan ko ang mga pinagsasabi ngayon ni Eon.             Sa tingin ko may punto siya, kung hindi nga namin siya mapipigilan, baka maging successful pa siya sa kanyang mga plano na siyang mamuno sa lahat ng mga nilalang dito sa mundo nila. At baka may balak pa siyang sakupin ang mundo ng mga tao. Dapat hindi namin hahayaang manalo ang kasamaan laban sa kabutihan, dahil hindi makatarungan ang kagustuhan ni Lucinda.             Pinapairal niya ang inggit niya kay Vee at ang pagkagahaman niya sa posisyon at kapangyarihan. Ngayon pa nga lang, gumagawa na siya ng mga bagay na hindi karapat-dapat n tularan.             “Ginagawa na ni Vee ng paraan ang lahat, kaya kayo nandito para kayo ang magsilbing katulong niya sa pagpigil kay Lucinda sa kanyang mga masasamang balak laban sa mga kapwa niyo estudyanteng bihag niya ngayon.” natutop kay Eon ang aking mga mata.             “Kaya nga ginagawa namin ang paraan para lang matulungan si Vee, at para na rin matulungan naming mailigtas saka mapakawalan ang mga inosenteng mga katulad naming estudyante lamang sana sa El Federico. Kung alam lang sana namin na isang itim na mangkukulam ang may-ari ng paaralan na iyon, sana hindi na lang kami nag-aral sa paaralang iyon.” Iyon naman talaga ang totoong nararamdaman ko. Sino ba naman ang gustong mag-aral sa isang paaralan na hindi mo sigurado ang iyong kaligtasan.             Tapos ngayon, nalalagay sa panganib ang mga estudyante ng El Federico dahil na rin mismo sa kagagawan ng may-ari ng paaralan. Imbes na ang may-ari ng paaralan ang mag-aalaga at magpo-protekta sa mga mag-aaral. Siya pa ang nangunang maglagay rito sa masama. At dinala pa sa mundo kung saan ay sa libro lang naman talaga nababasa at hindi nag-e-exist sa mundo ng mga tao.             “Alam ko naman na gagawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya, kaya nga kayo ang napili ni Vee na ipadala riyan kasi malaki ang tiwala niyang magagawa niyo ang lahat ng ipinapagagawa niya sa inyo. At may kakayahan kayong lahat na hindi niyo alam na mayroon pala kayo niyan. Kaya sa ngayon, huwag niyo munang isipin ang mangyayari sa susunod na mga araw, dahil bukas hindi pa rin kayo pinapayagan ni Veen a maglakbay, kailangan niyo pa raw magpahinga. O ‘di kaya ay sanayin ang inyong mga kapangyarihan para mas lalo ninyong magamay ito.”             “Oo, Eon, sasabihin ko sa kanila iyan mamaya. Siyanga pala, halatang wala kang magawa riyan,”             “Paano mong nasabi?”             “Maliban sa nabanggit mo kaninang wala kang magawa, pansin ko lang din, kasi ang haba na ng napag-usapan natin, Saka imbes na matulog ako, hindi na ako nakatulog. Pero ayos lang din naman dahil nasagot mo rin naman ang mga katanungan ko sa iyo kanina.” Tinawanan ko si Eon dahil sa kanyang mahabang pakikipag-usap sa akin.             “Oo nga pala, pasensya ka na, Deeve. Hindi ka tuloy nakatulog ulit. ‘Di bale, mahaba pa naman ang oras para matulog ka. Ikumusta mo na lang ako sa apat. Tatawag pa rin naman ako mamayang gabi, para naman tayong anim na ang magka-uusap.” Aniya pa, sabay kaway sa akin.             “Sige, sabihin ko sa kanila na nangungumusta ka.” Kinawayan ko na rin siya. Hanggang sa namatay na ang pag-uusap naming dalawa. Isinuot ko na ang kwentas pabalik sa aking leegan, Sakto namang nagbukas ang tent.             “Oh? Akala ko ba nagpapahinga ka? Hindi ka pa ba natutulog simula kanina?”             “Ikaw pala iyan, Kith. Nakatulog sana, kaso biglang nag-init ang dibdib ko, tumawag si Eon.”             “Huh? Ba’t ‘di mo kami tinawag?”             “Nangungumusta lang siya saka tatawag naman daw siya ulit mamayang gabi, para raw makipag-usap sa ating lima, wala raw kasi siyang magawa roon.” Humiga na nga si Kith.             “Ahh, ganoon ba. Hindi ka ba matutulog ulit?”             “Matutulog na rin sana, pero baka gusto mong makipagdaldalan muna?”             “Kaya nga rin ako pumasok dito para magpahinga. Napagod ako sa katatawa namin kanina sa labas, kahit na anong pumasok na lang kasi na pumasok sa isipan namin. Kaya matutulog muna ako.” Tinanguan ko lang siya.             “Sige sabay na lang tayong matulog, inaantok pa kasi ako, saka gustong-gusto ko pang magpahinga talaga. Ayaw pang bumangon ng katawan ko.”             Nang nakahiga ako, diretso pikit ko ng aking mga mata hanggang sa nakatulog na nga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD