Kabanata 29

1690 Words
Kabanata 29             Panibagong araw na naman, panibagong pagsasanay na naman ang aming masusubukan. Pero sa puntong ito, hindi ko pa alam kung ano ang pagsubok na ibibigay sa amin ni Eon. At saka kung ano na naman kaya ang susukatin niya sa amin, gayong tapos na kami sa pagsukat sa talas ng memorya at lakas ng aming katawan. Ano na naman kaya ang susunod na susukatin namin?             “Hindi pa ba tayo magsisimula sa ating pagsasanay? Magtatanghali na kasi.” Puna ni Kith, nang pansin siguro niyang kanina pa kami naghihintay rito sa labas ng kubo na wala man lang ginagawa.             “Napansin niyo rin ba si Eon? Kanina ko pa siya hindi nakikita.” Inilingan ko si Aztar sa kanyang tanong, gayong ako naman ang pinakamaagang nagising sa kanilang lahat.             “So, in that case, where would Eon go?” umiiral na naman ang pagiging inglesira nitong si Hamina.             “Wala rin akong clue. Kasi nang nagising ako, wala rin akong napansing Eon sa paligid.” Tugon ko sa kanila, nang nasa akin na ang pares ng kanilang mga mata.             “Hmm…kung iyon nga, wala na tayong magagawa, kung ‘di ang hintayin na lang si Eon na magpakita.” Nagtango naman kami sa pasaring ni Ave.             Nakapanlumbaba na lang ako, saka nakamasid lang sa paligid. Nagbabakasakaling mahagip ng mata kong nasa kapaligiran lang pala si Eon. Pero wala talaga akong Eon na makita. Nasaan kaya siya nagpunta? Naghahanda ba siya sa susunod naming pagsasanay? Kahit naman maghanda siya, hindi naman ganito katagal, kung saan ay abutin na kami ng tanghali.             O, baka naman may iniutos sa kanya ang tagapangalaga. Kaya wala siya rito ngayon. Sa ngayon, iyon na lang ang panghahawakan kong dahilan kung bakit wala pa rito si Eon ngayon. Mataas pa naman ang sikat ng araw, kaya hindi malayong dadating din ang kaibigan at sisimulan na namin ang aming pagsasanay.             Hanggang sa naghapon na, wala pa ring Eon na nagpakita. Nagkanya-kanyang tayo na lang ang iba, nag-iikot sa pali-paligid. Habang ako naman ay nakaupo lang talaga rito sa upuan na gawa sa kahoy. Tumingala ako’t tinignan ang palulubog na nga na araw, walang bakas na Eon ang matatanaw.             “Mukhang wala tayong magagawang pagsasanay ngayon, dahil wala naman si Eon.” Anas ni Ave. Tumayo naman si Aztar.             “Kung wala si Eon, mag-warm up na lang muna tayo, para kahit papaano ay naigalaw natin sa araw na ito an gating mga katawan.” Napatingin ako sa likod ni Aztar, gayong nakatalikod ito sa akin.             “Sige, sige. Mas mainam nga na ganoon na lang.” sang-ayon ni Kith, ganoon na rin si Hamina.             Ako naman ay hindi alam kung sasali ba sa kanila o maghihintay pa rin kay Eon. Ang totoo niyan, nag-aalala ako sa kaibigan, hindi sa wala kaming magagawa ngayong araw. Kung ‘di ang kalagayan ng kaibigan namin, kung nasaan siya ngayon. Kung bakit wala siya ngayon dito. Mga ganoon ba.             “Ikaw, Deeve? Hindi ka ba sasali sa amin?” baling sa akin ni Aztar.             Ayaw ko namang humindi, baka iba ang isipin nila sa akin. Kaya ngayon, mas minabuti kong makisali na lang sa kanila. Kung ano lang ang ginawa namin noong nag-wa-warm up kami noong hindi pa kami nagsisimula sa aming pagsasanay. Ganoon lang din ang ginagawa namin. Inikot-ikot namin ang buong sakop ng lupa, ilang oras din kaming nagtatakbo. Gumagabi na kaya nagdesisyon kaming tumigil.             “Kanina pa tayo tumatakbo, pero wala pa rin si Eon. Anon a kaya ang nangyari sa kanya? Wala ba talaga siyang nabanggit kahit isa sa inyo kung saan siya pupunta?” sabayan nilang iling sa naging tanong ko.             “Baka sa iyo, Deeve, may sinabi si Eon, tapos nakalimutan mo lang.” napatingin naman ako sa gilid ng aking mata. Saka kinalkal ang mga pangyayari sa aking utak, kung mayroon bang sinabi sa akin si Eon.             “Wala rin.” Totoo naman talagang wala. Kaya wala rin akong maisagot sa kanila.             “Pare-pareho tayong walang kaalam-alam dito. Kaya ang mas mainam na lang nating gawin ay ang magpahinga. Atleast naigalaw-galaw natin ang mga katawan natin.” Ani Aztar. Nakangiti akong nagtango sa kaibigan. Gayon din ang ginawa ng iba.             Sabay-sabay na nga kaming nagtungo sa kubo para kumain ng bunga ng puno ng buhay na stock namin. Hindi naman kasi nasisira ang bunga ni Eon. Iyon ang nakamamangha sa bunga niya. O, baka iyon lang talaga ang mga bunga rito sa kanilang mundo, hindi basta-basta nasisira ang mga ito. Kasi sa mundo naming mga tao. Hindi na pwede ang isang prutas kung may sira na.             …             Tapos na kami’t lahat sa aming mga ginagawa. Nakapagbihis na rin kami nang mga damit dahil sa pawisan kami kanina. Nang biglang nagbukas ang lagusan. Iniluwa nito si Eon.             “Eon!” sabay-sabay naming sigaw kay Eon.             Nakangiti naman itong kumakaway sa amin, nang may mga bitbit ito. Parang mga kagamitan galing sa mundo ng mga tao.             “Magandang gabi sa inyo. Pasensya na kayo at hindi ako nakapagpaala sa inyo kaninang umaga na aalis ako. Hindi ko kasi inaasahan ang pagtawag sa akin ng tagapangalaga. May ipinagawa lang siya sa aking importanteng bagay. Tapos nagmamadali na akong umalis, madilim pa lang ay umalis na ako. Akala ko kasi makababalik ako kaagad. Pero hindi pala. Kaya ayon, wala tayong nagawang pagsasanay ngayon. Sana hindi kayo galit sa akin.” Salitan kaming nag-iiling sa aming mga ulo.             “Hindi kami magagalit, Eon. Katunayan pa nga niyan, nag-aalala kami sa inyo, ang nasa isip ko kasi ay baka binihag ka na rin ng itim na mangkukulam.” Natawa naman si Eon sa pasarin ni Hamina.             “Iyana ng hindi mangyayari, dahil hindi naman niya ako nakikita, kayo lang ang nakakikita sa akin, saka ang tagapangalaga. Ang tingin lang nila sa akin ay isang puno na walang buhay.” Napanganga ako sa kanyang ibinahaging bagong detalye tungkol sa kanya.             Kaya pala, kahit na siya lang ang nakatayo na puno na naiiba sa lahat sa Timog. Dahil hindi siya pansin ng iba, ibig sabihin ba no’n, ang mga bunga ni Eon ay kami lang din ang nakakikita? Ang galing naman.             “Ipinapangako kong bukas ay gagawin na natin ang inyong pang-apat na pagsasanay.” Kunot ang noo ko sa naging usal ni Eon.             “Pangatlo pa lang, Eon.” Pagtatama ni Aztar.             Ngumiti naman si Eon.             “Kanina lang, kahit wala tayong ginawang pisikal na pagsasanay. May pagsasanay pa rin akong inilaan para sa inyo.” Makahulugan nitong turan.             “Ano naman iyon, Eon?” wala rin pala silang ideya. Akala ko ako lang.             “Sinukat ko lang naman kung gaano ba kahaba ang inyong mga pasensya. Kung gaano niyo mas pinapahaba ang lubid ng pasensya niyo, at inunawa niyo ako na hindi nakasipot sa ating pagsasanay sana na gagawin. Pare-pareho naman kayong may mahahabang pasensya. Kaya ikinagagalak ko kayong binabati.” Pinalakpak ni Eon ang kanyang mga palad. Kaya pati kaming lima ay nakangiti na ring nagsipalakpakan. Kaya pala, kaya pala may kung anong kakaiba. May rason pa rin pala ang hindi pagsipot ni Eon.             “Siyanga pala, Eon. Ano nga pala iyang mga dala mo?” ‘di ko magawang pigilan ang sarili kong hindi magtanong. Kasi naman, parang mga pagkain kasi, saka na-mi-miss ko na ang mga pagkain sa mundo ng mga tao.             “Ay! Oo nga pala. May mga dala ako sa inyo. At alam kung hinahanap-hanap niyo na ito ngayon. Saka bilang gantimpala sa inyong mga pagsisikap sa mga nakaraang linggo. Ito ang mga dala ko, galing roon sa mundo ng mga tao. Alam kong hindi gaanong karami iyan, saka hindi ko alam kung nagustuhan niyo ang mga pinagdadampot ko roon sa tinatawag ninyong Mall doon sa mundo ninyo.” Natuwa ako sa mga pasaring ni Eon. Halatang baguhan lang siyang namili sa isang Mall. Pero kahit papaano naman ay nabili niya ang iilan sa mga gusto namin.             “Wow! Paborito ko ito!”             “Ako rin! Akin na ‘to, huh?”             “Sige sa iyo na iyan, mayroon pa naman dito.”             Hindi naman kami nagkagugulo, tinitignan lang namin kung may pagkapareho ang mga napamili ni Eon, ay iyon ang ibinabahagi namin sa bawat isa. Kaya kahit papaano ay nakakakain naman ang lahat.             “Sobrang na-miss ko ang mga pagkain sa mundo natin!” ani Ave.             “Ako nga rin, eh. Salamat ng marami, Eon.” Nakangiti naman ng malapad ang kaibigan. Nagpaalam na ito na bumalik na muna sa kanyang sariling kubo na hinihigaan.             “Ang sasarap!” hindi mapawi ang kanilang saya, pati ako ay nasasarpan at na-mi-miss din naman ang mga pagkain sa mundo ng mga tao. Pero ayon nga, nakasanayan ko na ang bunga ni Eon, na nakapagbibigay ng lakas sa amin. Dahil kung hindi dahil sa bunga ni Eon. Baka matagal na kaming namatay sa gutom. Kaya hindi ko maiaalis ang katotohanang mas importane sa ngayon ang bunga ni Eon. Pero sabi naman niya, gantimpala lang naman ito dahil sa aming mga nagawang mga bagay sa mga nakalipas na mga linggo.             Natapos na rin kaming kumain, may mga dala ring mga bottled water si Eon. Paano niya kaya nalaman ang mga ganitong mga bagay, itinuro kaya sa kanya ng kanyang tagapangalaga? Baka nga. Kasi naman, nasa mundo na sila ng mga tao nakatira. Kaya hindi malayong sa kanya galing ang mga pinamili ni Eon. Saka siya rin siguro ang pumili ng mga pagkain na mga ito.             “Hindi ko naubos ang pagkain, kaya may itinira ako, nasa bag ko. Kayo ba naubos niyo?” pagsisimula ko ng usapan.             “’Di ko rin naubos ang akin.” Pare-pareho kaming hindi naubos ang maraming pagkaing dala ni Eon. Sabi niya kaninang kaunting pinamili. Kabaliktaran iyon, kasi isang malaking plastic ang napuno sa kanyang pinamili.             “Mauuna na akong matutulog sa inyo.” Paalam ko sa kanila. Inaantok na kasi talaga ako. Saka maaga kaming gigising bukas, kasi nga iyon na ang pang-apat naming pagsasanay. Hindi naman sa excited ako, pero may parte sa akin na bumubulong na kailangan ko nan gang matulog. Saka kusa na ring pumipikit ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD